Continuation...
(K)NIGHT's POV
Ang pag-ihi, hindi tulad ng pag-ibig, ng pagmamahal, if you manage to hold it back for a certain amount of time, you eventually stop feeling it.
Probably because I held it back enough, nang tuluyan siyang matapos sa pagkanta sa track 5: Kita na Kita, hindi ko na feel pumunta sa cr. Wala na yung calling.
With my pantog finally being masarap ka-bonding, nang mag-transition ang tugtog papunta sa intro music ng track 6: 'Tiny Light', mas present na ako at grounded kumpara sa no'ng mga oras na nakikinig ako sa track 5.
Touching your kindness
the warmth that lasted, never disappeared
Hindi ko sigurado kung dahil ba sa mas solemn yung kanta, o dahil ba sa hindi na kasi ako maiihi, pero, nang magsimula siyang kumanta, bawat bitaw niya ng salita, everyone started disappearing.
If I could tell you about my love
Unang nawala ang babaeng katabi ko sa kanan.
will this heart become much lighter?
Sumunod yung lalaking nasa kaliwa ko.
Beyond the tightly closed door,
Sumunod yung mga tao sa hanay sa unahan ko.
a faint voice could be heard
Tapos, yung hanay ng mga nasa likod ko.
I couldn't take a step ahead
Isa-isa silang naglaho.
had no choice but to cling to loneliness
Hanggang sa maglaho rin isa-isa yung mga kasama niyang nakatayo sa stage. Isa-isa.
Just deep in my heart it sparkled
Unang nawala yung drummer.
like a tiny little light
Sumunod yung pianist.
To not get blown out by the wind
Magkasabay na nawala yung dalawang basists.