~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
What is Love?
Love is like my first day in music class... it's nothing but trouble.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
CHAPTER 5- Trouble
MIKA's POV
First day ko ngayon sa Music class and I'm all fired up! Excited na kasi akong makita yung Building of the Stars! Ano yun? Yun yung tawag dun sa building na off-limits sa amin noon nung mag audition ako dito sa Hoshi Academy. Yun yung building kung saan kinoconduct ang talent developing subjects.
Since two days na magkasunod na sa Academic Building ako, sobrang excited ako ngayon kasi mapapasok ko narin sa wakas yung Building of The Stars na yun, pangalan palang kasi parang ang amazing na agad.
"Rocket ano kayang itsura sa loob? Bakit kaya Building of The Stars ang tinawag dyan? Dahil ba yun sa most of the celebrities nowadays sa Pilipinas, nanggaling sa building na yan?"
Naglalakad kami papunta dun sa gate kung saan yung entrance papunta dun sa Building of The Stars.
Inakbayan ako ni Rocket bago sya sumagot, "Malalaman mo agad kung bakit, once makapasok tayo," sabi niya.
"So ibig sabihin, alam mo na kung bakit?"
"Yep."
"Paano mo nalaman?"
Imbis na sagutin ako, nginitian lang n'ya ako.
Nagtataka talaga ako kung bakit parang ang dami nyang alam tungkol dito sa school na to. Yung tungkol sa pagiging dapat myembro ni Hell sa Star-X alam din nya. Ayaw nya nga lang sabihin sa akin kung paano nya nalaman yun sa tuwing tatanungin ko sya.
Nasa harapan na kami nung entrance papasok sa Building of the Stars. As usual may masinsinang pagkakalkal na naman sa mga bag namin na naganap. And as usual naharang na naman si Shield (yung weird girl, yan yung name nya), naharang sya kasi nga nakasuot sya ng black cloak. Kinailangan pa nung guard na ipataas sa kanya yung cloak para makita kung nakasuot sya ng proper uniform. Pinapayagan naman syang nakasuot ng cloak so long as she's wearing proper uniform underneath, ang weird ng konti ng system ng school na to.
Hinintay namin sya ni Rocket, yung Ash (gwapong introvert guy) aalis na sana pero hinigit sya ni Rocket pabalik. Kahit naman kasi hindi pa namin nakakausap yung Shield eh room mate parin namin sya. I honestly want to know her. Yung dalawang lalaki pang housemates namin hindi parin dumadating, bakit kaya?
Naglakad na ulit kami papasok pa nung entrance, medyo lalakad ka pa kasi sa isang mahabang pathway na napapaligiran ng damuhan bago mo marating yung pinaka building. At nung makarating kami sa pinaka harap nung building namin, namangha na naman ako. Dalawang hugis parang unahan ng barko na buildings facing opposite sides yung nasa harapan ko. Isang kulay blue at isang kulay red. Mataas sila, ilang floors at composed ng maraming glass windows katulad nung Academic Building. (see picture on the side para mas maimagine >>>)
"Yang Blue Building, yan ang building nating mga Music Department students. They call that building, Blue Note." pagpapaliwanag ni Rocket sakin habang nakatayo kaming pinagmamasdan yung dalawang higanteng building.
"Eh itong red? Saang department naman yun?"
"Sa Dancing Department. Ang tawag naman nila dyan ay Red Stereo. Bukod sa Blue at Red na buildings na yan, meron pang Orange at Yellow Buildings. Pag pinagsama-sama mo ang mga buildings na yun, malalaman mo kung bakit Building of The Stars ang tawag dit-- hoy teka hintayin nyo naman kami!" Bigla akong hinigit ni Rocket, dahil nauna na pala sa aming maglakad yung dalawang kasama naming parehong anti-social papasok ng Blue Note.