💙Double Special chapter: 'Initiation / Formal ceremony' + 'June 13'💙☀️✨️

4.4K 274 385
                                    

💙Special Chapter:

'Initiation / Formal Ceremony'

KNIGHT's POV

Kasalukuyan akong nasa kasisimula pa lang na initiation slash formal ceremony sa bahay nila mahal ko. Initiation na kailangan ko raw pagdaanan bilang bagong boyfriend niya (according sa protective niyang mga loko-lokong kambal na kuya), slash, formal ceremony din daw ng pagtaas ng ranggo ko sa hierarchy ng 'brotherhood' namin.


Nakaupo ako ngayon sa sofa across another sofa kung saan nakaupo ang kambal na sila T1 at T2. Sa gitna ng magkatapat naming sofa, ay isang lamesa na may nakapatong na bukas na Lala chips, tatlong shotglasses, at isang bote ng alak na lambanog daw ang tawag na ngayon ko lang matitikman skl. 'Yung nasabing alak, mukha lang itong tubig, pero nang inamoy ko, amoy demonyo. Parang sobrang wawalangyain ako paggising ko kinabukasan, king ina! Wala ba silang alak na mas mabait nang konti kaysa rito? T'saka 'yung mas okay sana 'yung pangalan?


"Ano ba 'yan bunso! Hindi ka pa asawa pero kung makabantay ka na agad sa inuman! Doon ka nga muna kay Mi! Inuman ng mga lalaki 'to! Hayaan mo muna sa amin si Knight!" sigaw ni T1 sa mahal kong nakaupo sa tabi ko at kasalukuyan kong ka-holding hands sa ilalim ng mesa.


"Aalis lang ako kung si K ang magsasabi sa akin na ayaw niya ako rito!"


Bumaling ang mahal ko sa akin. "Ayaw mo ba ako rito?"


Umiling ako agad. Gustong-gustong ko siya rito... Bahala ka sa buhay mo Tyron!


Napa 'arrgh' na lang si T1 at tiningnan ako na parang sobrang disappointed siya sa akin. Magsasalita pa sana siya ulit pero naunang umimik si T2.


"Tyron hayaan mo na lang! Hindi tayo makakapagsimula nito e! Gumagabi na!"


Nanahimik na nga lang si T1 matapos mag 'tsk', tapos, ayun, opisyal na ngang nagsimula ang initiation slash formal ceremony ko.


Binuksan na nila 'yung lambanog at pinuno noon 'yung tatlong shotglasses na nakapatong sa mesa. Akala ko ay tatlo kaming iinom no'n, tigi-tigisa, pero...


"Bakit hindi niyo kinukuha shotglass niyo?" tanong ko. Hawak ko na kasi 'yung sa akin at handa nang makipag-cheers pero 'yung kambal nakatingin lang sa akin.


"Sa'yo lahat 'yang tatlong shot bilang panimula. Saka kami iinom ni Rus pagkatapos mong mainom nang sunod-sunod 'yang tatlong shots."


"Kuya! Wag niyo nga siya masyadong lasingin! Isusumbong ko kayo kay Mi!"


Patayo na ang mahal ko para magsumbong sa mommy nila pero pinigilan ko, hinigit ko siya pabalik, paupo sa tabi ko.


"Okay lang ako," pag-assure ko sa kanya.


"Pero-"


Pinat ko siya sa ulo, nginitian. Unti-unti siyang na-assure, kumalma, at bumalik sa pag-upo sa tabi ko. Gusto ko siyang halikan sa kamay pero pinigilan ko. Pinisil-pisil ko na lang 'yung kamay niyang hawak-hawak ko.

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon