~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
What is Love?
Love is wanting someone to see you, the way you see them.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
CHAPTER 37- Black and Blond
MIKA's POV
Good news para sa araw na 'to: Buo na yung kanta namin. May melody na, at may lyrics naring nagawa si Shield. Kabisado ko na yung kanta at yung tono noon. Okay na rin yung synchronization ng grupo.
Pero kung may good news, s'yempre meron ding...
Bad news para sa araw na 'to: Buo na yung kanta namin. May melody na, may lyrics na, kabisado ko na yung kanta... pero hindi ko naman mailabas yung tamang emosyon na kailangan para dun sa kanta. Emotionless yung pagkanta ko.
Hindi ko alam kung anong problema ng sistema ko ngayon. Sobrang daming emosyon ang laman noong lyrics na ginawa ni Shield, pero pag kinakanta ko na, hindi ko maideliver ng ayos. Tinry ni Ace na kantahin para sa akin iyon, tinry kong gayahin yung expressions n'ya habang kinakanta yung kanta, pero ang labas, mukhang pilit lang yung emosyon ko. Kung hindi emotionless yung kanta ko, pilit naman. Nakakafrustrate.
Kakatapos lang magpractice ng grupo. Limang araw na lang ang mayroon kami bago yung preliminary exams. Kasalukuyang nagmemeryenda sa kusina sila Rocket, habang ako naman ay nakaupo sa may veranda, trying so hard to figure out what's wrong with me.
"Mika, okay lang yan. Wag mo masyadong ipressure yung sarili mo dahil sa mga sermon ni Ace. Alam mo naman ang bunganga nung jerk na yun, walang filter. Kumain ka muna." Inabutan ako ni Rocket ng sandwich at tubig.
"Salamat Rocket." Nginitian ko s'ya, nginitian n'ya rin ako. Bumalik na ulit s'ya sa kusina pagkatapos.
Gumaan man kahit paano ang pakiramdam ko dahil sa kanya, hindi maipagkakailang depress parin ako. Ako ang lead vocalist ng grupo, ako ang sentro ng performance namin, second voice lang si Ace... tapos ako pa yung may problema? Ayokong maging pabigat sa grupo namin, ayokong sayangin yung pagod nila. Ano bang dapat kong gawin?
Kakagat na sana ako dun sa peanutbutter sandwich, nang biglang may humablot noon mula sa likuran ko.
"Thank you, " sabi nung walang modo ever at super patay gutom na Panda, na nakatayo sa likuran ko. Hating gabi na ah? Bakit nandito to? Atsaka ano yung...
"Ano'ng laman n'yang malaking bag na dala-dala mo?" tanong ko.
"Sasagutin ko ang tanong mo kung may kapalit na pagkain."
"Hindi ba pagkain ang tawag mo d'yan sa sandwich kong kinuha mo?"
Napatingin s'ya sa hawak n'yang sandwich.
"Fair enough." Nilampasan n'ya ako at pumunta s'ya sa garden sa harap ng veranda. Nilapag n'ya sa gitna ng damuhan yung malaking, mahabang bag na bitbit n'ya. "Tent ang laman nito," sabi n'ya.
"Tent? Bakit ka may dalang tent?"
"Sasagutin ko yan kung may kapalit na inumin."
I sighed, then I rolled my eyes at him. Lumakad ako palapit sa kanya.
"O!" Padabog kong inabot sa kanya yung mineral water ko.
"Ayoko ng tubig, ipagtimpla mo 'kong juice."
"Eh kung itapon ko kaya to sa'yo?"
"Wag. Okay na pala ako sa tubig."
"So bakit ka nga may dalang tent dito?" tanong ko habang nag aassemble s'ya nung tent.