CHAPTER 10- Eleven Digits

308K 6.2K 1.9K
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is-- kyaaaaaaah! It sounds like that.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 10- Eleven Digits

MIKA's POV

"Mamatay ka ng panda ka, mamatay ka na! Mamatay ka na. Mamatay ka na." binubulong ko yan habang tinutusok ng ballpen ko yung drawing ng mukha ng panda sa notebook ko.

"Mamatay ka ng panda ka, mamatay ka na! Mamatay ka ng panda ka, mamatay ka na!" Patuloy parin ako sa ginagawa kong pagtorture sa bwisit na panda sa notebook ko. Dito ko na lang kasi nailalabas yung sobrang inis ko dahil sa pagiging instant cook ko ng blackmailer na patay gutom na bwisit na pandang yun! Ugh! Wala akong nagawa kung hindi maging sunod-sunuran sa walangyang yun kahapon! Dahil dun sa picture namin ni Night Cervantes na hindi ko alam kung paano n'ya nakuha, wala talaga akong nagawa kung hindi pumayag sa lahat ng gusto n'ya! Nakakainis talaga super!

"Mamatay ka ng panda ka, mamatay ka na! Mamatay ka ng panda ka, mamatay ka na! Mamatay ka na! Mamatay ka na! Mamatay ka na!" Habang inaalala ko yung nangyari kahapon mas bumibilis yung pagbulong ko at pagtusok ko ng ballpen dun sa mukha ng panda sa notebook ko. Gusto kong butasin ang pagmumukha n\ya as hard as I can! May kumukulbit sa 'kin pero hindi ko pinapansin.

Tuloy-tuloy lang ako sa pagbulong at pagtusok ng ballpen dun sa mukha ng panda despite the fact na may kung sinong makulit na kumukulbit sa balikat ko, "Mamatay ka ng panda ka, mamatay ka na! Mamatay ka ng panda ka, ma--"

"Ms. I just wanna die!" Nagulat ako nung may sumigaw ng ganyan sa may tenga ko kaya napatayo ako tapos...

"Mamatay ka na!" naisigaw ko bigla dun sa lalaking sumigaw sa tenga ko. At nung makita ko kung sino s'ya...napalunok na lang ako tapos...

"So-sorry po Sir. Hindi po kayo yung sinasabihan ko nun," sobrang nahihiya kong sabi dun sa Sir namin sa Home Economics na ngayon eh umuusok na ang ilong habang naka cross arms na nakatingin sa akin.

Nagbungis-ngisan yung mga kaklase ko noong hiyang-hiya akong umupo sa upuan ko after. Napatingin nga ako agad kay Hell eh, nakatakip ng konti yung kamay n'ya sa bibig n'ya pero parang pati s'ya pinagtatawanan ako. Naman oh T^T

"Mukhang nahahawa ka na sa pagkabarumbado ni Mr. Chua, Ms. I just wanna die. Anyway, ito na yung score ng pair n'yo para dun sa first cooking laboratory natin. I was calling out to you para kuhanin mo to but mukhang busy ka with something else so ako na mismo ang lumapit sa'yo," sabi nung Sir ko habang inaabot yung isang rating sheet sa akin.

"Sorry po Sir, hindi na po talaga mauulit. Sorry po," pagpapaumanhin ko pagkakuha ko nung rating sheet. Sa kabutihang palad bumalik na s'ya sa table n'ya sa unahan at nagsimulang idiscuss yung criteria na ginamit n'ya sa pagbibigay ng grade sa cooking activity namin.

Habang wala pa ako sa tamang state of mind para tingnan yung grades namin at tulala pa ang sarili ko sa kawalan, hinablot na lang basta ni Hell sa 'kin yung rating sheet at s'ya ang unang tumingin sa grade namin.

Makalipas ang ilang segundo, medyo naka get over na ako sa nangyari sa akin at balak ko ng makitingin sana sa rating sheet na hawak ni Hell para tingnan ang grade namin nang bigla nalang nilukot ni Hell yung rating sheet namin at tinapon lang naman yun dun sa Sir namin!

"Hoy Kalbo! Bakit ganun yung binigay mong grade sa kin? Talaga bang nananadya ka? Ilang taon ng lageng ganyan kababa ang binibigay mong score sa luto ko ah!" sigaw ni Hell dun sa Sir namin na ikinabigla ng buong klase. Hindi ko akalain na ganito kaconcern si Hell sa grades n'ya.

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon