CHAPTER 26- Half of His Heart

249K 5.3K 1.3K
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

'Love' is just a word but it can make you feel thousands of emotions. 'Love' is just a word, and so is 'yes'.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 26- Half of His Heart

MIKA's POV

Kakalabas ko lang mula sa huling klase ko para sa araw na ito. 

Habang naglalakad sa hallway ng Academic Building, iniisip ko kung ano kayang masarap na lutuin para sa dinner namin sa apartment.

"Adobo kaya? Hala baka sawa na sila dun. Eh kung tinola kaya? Kaso kailangan ko pang bumili ng papaya pag ganun. Hmmm..." 

"Eh kung-- aray!" May kung sinong nagmamadali na nakasagi sa balikat ko.

Napatigil yung kung sinoman na yun at agad na lumingon sa akin.

"Pand--fhsjdfhsfg" Hindi ko na naituloy pa ang isisigaw ko dahil tinakpan ni Panda yung bibig ko tapos hinigit pa ako papunta sa isang tabi.

"sdjskhgjsjfgkgf" Nagwawala ako at tinutulak s'ya pero he pinned me against the wall, wala akong laban.

"Shhhhh..." sabi n'ya pa.

Eh sira pala to eh, paano akong iimik kung nakatakip yung kamay n'ya sa bibig ko!

May narinig akong grupo ng nagtatakbuhan na studyante na sumisigaw ng, "Nasan na yung pesteng yun? Pano na to? Patay tayo nito eh!"

Lumampas yung mga studyante sa kinaroroonan namin.

Binitawan na ni Panda ang bibig ko pagkalagpas nila.

"Ikaw yung hinahabol ng mga yun no? Bakit ka nila hinahabol?" agad na tanong ko.

"Kinain ko kasi yung dish na ipipresent nila para sa cooking subject," sagot n'ya na may kasama pang dighay!

"Bakit mo ginawa yun? Hindi mo ba naisip na-- hoy teka saan mo ko dadalhin! Ibaba mo ko!" Bigla na lang kasi akong binuhat ng peste tapos pumasok kami sa loob ng isang room.

"Tumabi ka dyan! Palabasin mo ako!"

"Ayoko."

Paano, nakaupo sa harap mismo ng pintuan nung room ang loko. Naglalaptop na s'ya dun habang kumakain ng mashed potato. Hindi lang yung maindish ang tinira n'ya? Pati yung side dish nung mga kawawang studyante?

"Patay gutom ka ba talaga? Hindi ka na naawa dun sa mga studyante! Kinain mo yung ipipresent nila!"

"Hindi ko na kasalanan kung iniwan nila basta yung pagkain nila dun ng walang bantay. Ugh, ang sarap talaga nito." Enjoy na enjoy s'ya sa paglantak sa mashed potato! Parang wala lang sa kanya yung mga sinasabi ko eh!

I rolled my eyes, "Wala ka na talagang pag-asa. Tumabi ka na d'yan, aalis na sabi ako!"

"Ayoko."

Ang kulit talaga nito.

"Bakit ba ayaw mo akong paalisin?"

"Baka isumbong mo kung nasaan ako eh, kumakain pa ako kaya ayoko munang tumakbo. Hindi kita palalabasin hangga't hindi ko pa natatapos tong kinakain ko. Ugh ang sarap talaga nito, minsan nga igawa mo ko nito huh?" Pinapakita n'ya sa akin yung cup ng mashed potato.

Napa face palm na lang ako at napailing. Talagang ganyan na s'ya no? Lage na lang n'yang ginagawa kung anong gusto n'ya nang walang konsiderasyon para sa iba.

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon