CHAPTER 18- Mishaps

285K 5.2K 804
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is sort of like that sweet sense of relief you get when something's just in the right place at the right time.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 18- Mishaps

MIKA's POV

Two days na lang before our performance battle with C.R.Y. at magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako kinakabahan. I mean, ayos na naman yung takbo ng practice namin so far pero mahirap parin sabihin kung sapat na yun para manalo kami.

One hour vacant kami ngayon, at habang naka tambay ako kasama sila Rocket at Ash sa isa sa mga student lounge, nagulat na lang kami nang makita namin si Ivan. Pinagtitinginan s'ya ng mga studyanteng nadadaanan n'ya dahil may buhat-buhat lang naman s'yang isang babaeng nakasuot ng jacket, and the way he carried her pa was that kind of buhat na parang pang prinsesa. Actually, as he walked towards us while carrying the girl, Ivan really looked like one of those Disney prince charmings, pero di ko yun sasabihin sa kanya dahil baka lalo lang lumala yung pagiging vain n'ya.

"Sino yang buhat-buhat mo?" Hindi ko na napigilang salubungin si Ivan para magtanong.

"Nanginginig s'ya, ano'ng nangyari?" Pati si Rocket hindi na napigilang magtanong. Noon ko lang napansin na nanginginig nga yung babaeng buhat-buhat ni Ivan.

"Si Shield to, mamaya ko na ikukwento yung nangyari, dadalhin ko muna s'ya sa clinic," sabi ni Ivan na nagmamadali nang lumakad papunta sa clinic.

Sinundan namin sila pero hindi kami pinapasok sa loob ng clinic dahil marami kami. Hinintay pa namin si Ivan na makalabas bago namin nalaman kung anong nangyari.

Napag-alaman namin na pinagtulungan pala si Shield ng ilang mga babaeng studyante! Pinipilit daw ng mga ito si Shield na ipakita sa kanila yung itsura nito underneath her cloak. Nanlaban si Shield, pero dahil sa dami nung mga babae eh nagawa nilang masira yung cloak na suot n'ya.

Nadatnan ni Ivan si Shield na nakayupyop sa isang tabi habang pinagtutulungan nung mga babae. Dahil sa kaawa-awang itsura ni Shield na sira-sira na yung cloak, ay hindi na napigilan ni Ivan na makialam. Pinaalis n'ya yung mga babae saying na magsusumbong s'ya sa guidance kung hindi pa nila titigilan yung ginagawa nila. Pag balik n'ya ng tingin kay Shield, nakita n'ya itong inaabot at balak pang isuot yung sira-sirang cloak kaya naman naisipan na lang ni Ivan na isuot dito yung suot n'yang hoodie. Dahil nanginginig ito at hindi makatayo, marahil dahil sa takot at trauma, binuhat na daw ito ni Ivan.

Matapos naming malaman ang buong detalye mula kay Ivan, si Rocket being the war-freak that she is, s'yempre handa na naman s'yang makipag-away. Tinatanong n'ya si Ivan kung namukhaan ba nito yung mga babaeng nangbully kay Shield pero 'hindi' ang sagot ni Ivan. Mabuti na lang at ganoon dahil hindi ko na alam kung anong mangyayari sa amin kung sakaling masangkot na naman ang grupo namin sa gulo gayong nasa bingit pa kami ng pagkatanggal sa school 2 days after this. I mean, syempre gusto ko ring komprontahin yung mga babaeng nambully kay Shield, ang sama ng ginawa nila! Pero hindi kasi solusyon lage ang pakikpag-away, alam kong hindi rin matutuwa si Shield kung gagawin namin iyon para sa kanya.

Dahil nagprisinta na si Ivan na s'ya na ang magbabantay kay Shield sa loob ng clinic hanggang sa magising ito, nagproceed na kami nila Rocket sa sunod naming klase, Instruments 101. Dito sa school na to, required kami na matutong magplay at least 2 modern instruments of our choice. My choices were guitar and piano. Noong mga nakaraan naming lessons, puro lectures lang at basics ang tinuturo, and akala ko ganun parin hanggang ngayon pero bigla na lang kaming pinapunta ni Mrs. Permberley sa Music Room saying may ipapatugtog daw s'ya sa aming pyesa. Ginrupo n'ya kaming lahat into 3 groups, assembling us in a way na lahat ng group may halos lahat ng klase ng instruments na tutugtugin. First choice ko ang guitar so yun ang tutugtugin ko, Rocket is on her usual drums, which is good for her kasi sanay na s'yang tumugtog noon.

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon