CHAPTER 1- Fateful Encounter

868K 11.1K 1.9K
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love starts with a fateful encounter. Mahirap malaman kung kailan nagiging fateful ang isang encounter; Hence, mahirap malaman kung kailan nagsisimula ang pag-ibig.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 1- Fateful Encounter

Summer vacation. Habang ang mga estudyanteng katulad niya ay abalang nag-ko-computer, nag-si-swimming, nag-a-out of town, at kung ano-ano pang ginagawa para sulitin ang kanilang bakasyon, ito siya, si Mikaela, nagluluksa at hinihiling na sana lamunin na lang siya ng lupa.

"Waah Mika, ang tanga tanga mo talaga!" sigaw ni Mika sa sarili n'ya habang parang zombie na walang kabuhay-buhay na naglalakad.

"You're fired!"   Pang ilang beses na ba nya'ng narinig yan buong summer vacation? Hindi na n'ya mabilang. At kanina lang, narinig na naman n'ya yan. Kakatanggal n'ya lang sa part time job n'ya sa isang restaurant. Pero hindi yan ang pinaka dahilan kung bakit nagluluksa s'ya at hinihiling na sana lamunin na lang s'ya ng lupa.

"Ano na lang ang mukhang ihaharap mo pag nakita mo si Lester? Mika naman eh! Bakit ba lage mo na lang ipinapahiya ang sarili mo sa harap ng taong gusto mo? Pang ilang beses na yan ah!" sigaw na naman n'ya sa sarili habang naglalakad. Napapatingin na sa kanya yung mga taong nakakasalubong n'ya pero wala s'yang oras para intindihin pa kung anong iniisip nila sa kanya. Si Lester at yung iniisip lang niya tungkol sa kanya ang naiisip ni Mika.

She's a waitress, or should I say, she was a waitress sa isang restaurant, pero natanggal s'ya kanina lang. At kaya s'ya natanggal eh dahil sa pagkain ni Lester sa restaurant na yun.

Si Lester ang lalaking crush na crush ni Mika sa school nila, ahead ito ng 1 year kay Mika. Lage lang siyang pinagmamasdan ni Mika sa malayo, pero kanina, kumaen siya dun sa restaurant na pinagtatrabahuhan ni Mika, at nagkataong si Mika pa ang magseserve sa kanila. Oo 'kanila' may kasama siya eh, kasama niya yung girlfriend niya. Yeah he's taken, kaya nga hanggang tingin na lang lage si Mika. Sobrang kabado si Mika nung lumapit s'ya sa table nila, parang gusto n'yang tumakbo palayo. Nanginginig pa ang labi n'ya nung pilitin n'yang ngumiti at igreet sila. Gaya ng expectation ni Mika, hindi man lang alam ni Lester na magka schoolmate sila, hindi naman nga kasi s'ya kagandahan para mapansin. Pagkatapos umorder nila Lester, bilis-bilis na umalis si Mika. Ok na sana eh, kaso, bigla s'yang tinawag ni Lester at nagpadala ng tubig sa table nila.

Clumsiness, yan ang sakit ni Mika. She lack physical coordination. She's so bad at handling things, lage na lang s'yang nakakasira at nakakabasag ng kung ano. Madalas rin s'yang madapa at mabilis magpanic at mataranta. At ang pinakamasamang parte ng sakit n'ya, mostly, inaatake s'ya ng pagiging clumsy, pag nasa harap s'ya ng taong gusto n'ya.

Nanginginig ang mga kamay ni Mika  habang hawak hawak yung tray na may lamang dalawang baso ng tubig. She tried as hard as she could na patigilin yung panginginig ng kamay n'ya pero habang mas lumalapit s'ya papunta kay Lester, mas lumalala yung panginginig. Nagpasalamat na lang s'ya sa Diyos nung makarating s'ya sa table nila ng hindi n'ya naibabagsak yung tray.

Inilalagay na n'ya yung baso ng tubig sa harapan nila nang biglang mag thank you sa kanya si Lester, na siyang nagpabilis ng sobra sa tibok ng puso ni Mika at nag trigger ng simula ng pagkawala ng tuluyan ng physical coordination n'ya. Natapunan n'ya ng tubig yung girlfriend ni Lester. Syempre nasigawan s'ya nung babae, pero nung magsorry si Mika, pinalampas na lang nito. Hiyang hiya si Mika kay Lester nun. Pero kung akala ni Mika tapos na ang kahihiyan n'ya para sa araw na yun, nagkakamali s'ya.

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon