~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
What is Love?
Love makes you wanna cuss.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
CHAPTER 40- Fuck.
MIKA's POV
Matapos kong magsulat sa journal ko, bumaba na ako sa living room para makijoin sa celebration. May celebration kami ngayon sa apartment dahil ang taas ng nakuha naming grade kanina sa preliminary exams! Pinakamataaas ang grupo namin sa lahat ng nagperform! Tumataginting na 95 lang naman ang grade ng grupo namin!
Pagbaba ko ng hagdan, muntik ko ng makabangga si Hell (kasama sila ni Vincent sa celebration dahil malaki ang naitulong nila sa amin). Agad akong napaatras palayo sa kanya, napalunok, at napahawak sa dibdib ko.
"Anong problema mo?" masungit n'yang tanong.
"Wala," sagot ko.
Pero ang totoo, noong mga oras na yun, bigla na lang nagplay ng paulit-ulit sa utak ko yung mga huling tipa ng piano ng kantang "Gabby", kasabay ng pagflashback sa isip ko noong mga oras na niyakap n'ya ako sa harap ng entablado. At noon ding mga oras na yun, malinaw na malinaw sa akin na... sobrang laki ng problema ko.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Pagkatapos naming kumain, nagkakayayaan namang magkaron ng inuman, sa pangunguna ni Vincent. Hindi talaga ako nag iinom, pero hindi ko matanggihan si Vincent. Broken hearted kasi s'ya ngayon so I felt obligated to say yes.
Bakit s'ya broken hearted?
Ang totoo kasi n'yan, kaya pala biglang si Hell na yung nakasuot ng mask at hindi si Vincent, ay dahil bigla daw tinawagan ni Vincent si Hell dahil may biglaang emergency. Ang emergency na yun, ay sabihin na lang nating, nalaman ni Vincent na may boyfriend na si Dara. Yep, ang mahal ni Vincent na si Dara ay may boyfriend na! At ang masaklap pa doon, sinagot ni Dara yung lalaki, sa harap mismo ni Vincent. I don't know the exact details, kung bakit bigla itong nagka boyfriend gayong parang patay na patay ito kay Hell, pero yun ang paliwanag ni Hell sa akin. Just plain, "May boyfriend na si Dara. Sinagot n'ya sa harap ni Vincent." nothing more, nothing less. Ang tipid magkwento ni Hell.
So ayun nga, dahil doon kaya broken hearted si Vincent. Buti na lang parang medyo okay na s'ya ngayon compared kanina, noong madatnan namin s'ya after our performance sa backstage. Nadatnan lang naman namin s'yang nakatayo sa isang tabi, nakatingin sa pader, hindi gumagalaw. Tinatawag ko s'ya pero hindi s'ya sumasagot. Dumaan ang mga oras, natapos na lahat ng magpeperform, nakatayo parin s'ya at hindi gumagalaw doon, nakatingin parin sa pader. Binuhat na nga s'ya ni Hell papasok sa kotse n'ya para umalis ng backstage, dahil ayaw n'ya talagang gumalaw.
Thank God ngayon gumagalaw at nagsasalita na ulit s'ya. Wag mo nga lang talagang mababanggit ang pangalan ni Dara, dahil babalik s'ya in freeze mode, for about half an hour.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
HELL's POV
Ang iingay nila dun sa loob kaya lumayo ako at doon na lang naupo sa may veranda. Kung hindi lang talaga dahil kay Vincent, hindi ako magsstay dito. I hate noisy people, and this apartment is full of those people.
Bukod sa ingay nila, ang isa pang dahilan kung bakit mas ginusto kong umupo na lang mag-isa sa veranda, ay dahil nakakasuka yung pinapanood nila sa tv. It's too damn corny.
Habang naglalakad sila sa isang park, tinanong nung isang lalaki yung kabarkada n'ya, "How does being in love feel?"
"It feels like spring," his friend answered.