CHAPTER 52- Look at me. Don't look at me.

252K 6.5K 1.2K
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is indecisive. It can be two things at once.

Love is confusing. It can mean two things at once.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 52- Look at me. Don't look at me.

KNIGHT's MEMORY BOX

Kahit na kambal kami ni Night, masyado kaming magkaiba pagdating sa mga bagay na gusto namin. Dahil doon, hindi ko na mabilang kung ilang beses na kaming nag-away na dalawa (dahil sa maliliit na bagay). Di ko narin halos matandaan kung tungkol saan 'yung mga pinag-awayan namin (basta ang alam ko lang, madalas maliliit na bagay lang 'yun). Ang pinakanaaalala ko lang talaga sa mga away naming dalawa ni Night, ay yung isang gabing nagkasuntukan kami over a remote control.

"Anong nangyari sa inyong dalawa?!" sigaw ng mommy nang madatnan n'ya kami ni Night noon, na parehong nakahiga sa carpet sa living room; parehong hinihingal, at parehong may pasa sa mukha.

Sabay naming tinuro ni Night 'yung remote control na tumalsik doon sa may paanan ng sofa (dahil sa pag-aagawan namin). Lasog-lasog iyong remote.

Nabitawan ng mommy ang mga supot ng grocery na hawak n'ya, at saka hinilot-hilot ang noo n'ya. "First year high-school na kayong dalawa pero nagsusuntukan parin kayo over a stupid remote control?!"

"E si K po kasi bigla na lang-"

"You two are grounded!" sigaw ng mommy.

Nagsamaan kami ng tingin ni Night tapos sabay kaming tumayo at labag sa loob na nagpunta sa taas, para ikulong ang mga sarili namin sa G-Room. (Guest room yun pag wala kaming kasalanan ni Night, pero pag meron kaming kasalanan, yung guest room na 'yun, nagiging Grounded room.) Isang kwarto 'yon na walang kahit anong appliance o gadget bukod sa lampshade at aircon. In short, isang sobrang boring na kwarto. Pag grounded kaming pareho o isa sa amin, nakakulong lang kami doon sa kwartong 'yun, allowed lang lumabas 'pag kakain o magccr.

Usually natutulog lang kami ni Night sa loob ng g-room dahil wala naman kaming ibang magagawa sa loob nun kung hindi matulog o tumanga sa kisame, pero noong gabing 'yun, ewan ko kung anong pumasok sa isip ng kakambal ko, pero bigla s'yang lumabas sa bintana at umakyat doon sa bubongan ng bahay.

Ilang minuto na ang lumipas, hindi parin bumabalik sa loob si Night.

"Baka nakatulog na 'yun?!" nasabi ko na lang, given the fact na halos kahit saan, kayang matulog ng lokong 'yun. "Malikot 'yun matulog, di kaya mahulog 'yun?"

"Ugh!" Halos masabunutan ko ang sarili ko. Tamad na tamad akong bumangon sa kama at nagpunta doon sa may bintana, umakyat narin ako sa bubongan, para icheck si Night. Kahit na hindi parin kami bati na dalawa, nag-aalala parin ako sa kanya.

Nadatnan ko s'yang nakaupo doon sa bubong, nakatingin sa langit sa itaas. Nakahinga ako nang maluwag noong makita kong gising s'ya at hindi nahulog. Walang imik akong naupo sa tabi n'ya (dahil nandun narin lang ako sa bubongan).

Isang boring na gabi kasama ang boring kong kakambal, 'yun lang naman talaga dapat ang gabing 'yun para sa akin, pero... pero pagtingin ko langit sa taas, biglang nagbago ang lahat.

Ang ganda... sobrang ganda ng langit sa itaas. Nakakapangilabot ang ganda nito. Walang kahit sinong makakapantay.

Simple lang ito, pero may iba. Effortless ang ganda, pero may kung anong magic na parang sinusumpa kang tumingin sa kanya habang buhay.

Noong mga oras na 'yun ko lang talaga napagmasdan nang mabuti ang langit, kaya siguro, noong mga oras na 'yun ko lang din napagtanto kung gaano kaganda iyon. At sising-sisi talaga ako. Sising-sisi talaga ako kung bakit kahit araw-araw at gabi-gabi s'yang nandyan, noong gabing 'yun ko lang s'ya tiningnan.

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon