~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
What is Love?
Love is like the night, it's dark and mysterious but at the same time beautiful... and magical.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
CHAPTER 11- This Night
MIKA's POV
Kakatapos lang naming magpractice nung song na icocover namin bilang presentation para dun sa laban namin sa grupo ng C.R.Y. Exactly 15 days to go na lang bago yung exact date nung contest at talagang kinakabahan ako. Maganda naman yung blending ng mga boses namin kaso hindi ko alam kung may magagawa ba yun laban sa ganda ng boses ng C.R.Y.
Nagpapahinga kaming lahat sa living room ng apartment (except kay Ace na nasa kwarto lang at natutulog dahil hanggang sa huli nagmatigas parin syang hindi sya sasama sa amin sa performance) nang mag-ring yung phone na nasa apartment (landline yun na nakakatawag at nakakareceive lang ng tawag mula sa Hoshi Academy Faculty, in short for school purposes lang).
Si Rocket yung sumagot dun sa telepono, si Ms. Matsui daw yung tumawag. Base sa mga sagot ni Rocket mukhang kinukumusta nya kami about sa nalalapit na contest. Sinabi ni Rocket sa kanya yung kantang napili naming icover but after nun bigla na lang nag-iba yung expression ni Rocket, yung kalmado n'yang mukha kanina, nagdilim, at hanggang sa ibaba n'ya yung phone eh nanatiling madilim.
"Ace!" sigaw ni Rocket sabay clench fist. Tatanungin palang namin s'ya kung bakit at tungkol saan yung tawag ni Ms. Matsui eh bigla na lang s'yang tumakbo pataas nung hagdan papunta sa boys' room kung nasaan si Ace. Sinundan namin s'ya.
Nang maabutan namin si Rocket nasa loob na s'ya nung kwarto, hawak-hawak si Ace sa t-shirt nito.
"Bakit hindi mo sinabi sa amin na nagbago pala yung regulations nung contest?! Na original song composition na pala yung dapat iperform?! Last week pa daw tumawag si Ms. Matsui at ikaw ang nakasagot! Kung hindi pa s'ya tumawag ngayon hindi pa namin malalaman! Bakit hindi mo sinabi!" sigaw ni Rocket.
Teka, anu daw? Nagbago yung regulations? Original song na yung dapat kantahin?
"It doesn't concern me so why would I waste my time telling you? Wala akong pakialam sa inyo," sagot ni Ace.
"Ilang beses mo kaming nakitang nagpapractice, would it kill you na sabihin man lang sa amin na we're practicing for nothing? Halos magkanda paos na kami, singing our hearts out every night, tapos para lang pala sa wala yun?! Ilang araw na lang bago yung contest, and now we're back to zero! Ngayon, kailangan naming gumawa ng original na kanta, in just 15 days! Just 15 days! All because you don't give a shit!" Hinaya na ni Rocket yung isang kamay n'ya kay Ace at akmang susuntukin ito pero tumigil s'ya half way at ibinaba na yung kamay n'ya.
"I thought you were a jerk, but I guess I'm wrong. You... aren't human at all. You're a monster." Binitawan na ni Rocket si Ace. And what surprised us is nung dumaan si Rocket sa harap namin, umiiyak s'ya. Alam kong lage silang nag-aaway ni Ace, but this time, mukhang talagang nasaktan na si Rocket. Ako man, I feel really down and frustrated dahil sa mga narinig ko.
Sinundan ko si Rocket sa kwarto namin at sinubukang pagaanin ang loob n'ya sa pamamagitan ng pagyakap.
"Okay lang yan Rocket, mahaba pa naman ang 15 days eh. Kaya natin yan. Kaya natin yan wag kang mag-alala," yan ang paulit-ulit kong sinasabi sa kanya habang pinapat yung likod nya, pero sa totoo lang, ako mismo hindi naniniwala sa mga sinasabi ko.
Sobrang hirap gumawa ng kanta, lyrics palang mahirap na, yung melody pa. Ilang araw rin kaming nagpractice and now yung ilang araw na yun, para lang pala sa wala. Ugh, parang gusto ko narin tuloy maiyak at sugudin si Ace pero pinigilan ko. Kung pati ako madedepress, lalong walang mangyayari sa amin. Si Rocket ang lageng naglelead sa amin, s'ya ang fighting spirit ng grupo, kailangan namin s'ya kaya naman gagawin ko ang lahat para maibalik yung fighting spirit n'ya.