BACK STORY- G (Part 1)

199K 4.4K 346
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is that silent glint of happiness you feel, when those sweet memories of the past came flashing back at you; It is also that loud, deafening pain you feel inside your heart, when you realize that those were the only things you have left... memories and flashbacks.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Behind every person is a story...

Behind every action is a story...

Behind every story is another story not yet told...

Ever wonder kung anong nangyari kila Shield, Ace at Ivan pagkatapos nilang lumabas ng apartment? Eh kung anong nangyari between Rocket, Air & Ash? Well, here's the story behind it.

BACK STORY: Memories. Flashbacks. (Part 1)

Habang tumatakbo si Shield palayo sa apartment, she kept seeing images of Flare, 'yung gulat nitong itsura noong makita s'ya nito kanina. Hindi man masyadong malinaw ang pagkakakita n'ya sa mukha ni Flare dahil sa suot na cloak, the image of his face inside Shield's mind is very vivid and clear, just because she knew every detail of that face all too well.

Tumakbo nang tumakbo si Shield hanggang sa sukuan s'ya ng kanyang mga paa. Noong tumigil s'ya, doon lang n'ya naramdaman ang pananakit ng mga binti at talampakan. Nagdudugo ang kanyang mga paa. Nagsugat ito dahil tumakbo s'ya nang yapak. Sa pagmamadali kasi n'ya kaninang makalabas ng apartment, hindi na n'ya nagawang magsuot pa ng tsinelas.

Pawis na pawis at hingal na hingal s'yang umupo sa loob ng isang Octopus slide, sa isang maliit park na kanyang tinigilan. Walang tao doon sa park kung hindi s'ya lang. Isang poste lang ang nagsisilbing ilaw doon kaya medyo madilim ang paligid, ngunit hindi yun alintana ni Shield. She loves darkness. Darkness makes her calm. In darkness, she finds solace. It's her comfort zone.

Umihip ang malakas na hangin, at doon naramdaman ni Shield ang lamig. Gusto na n'ya biglang bumalik sa apartment, ngunit mas gugustuhin n'yang manigas sa lamig, kaysa bumalik sa lugar kung saan nandoon ang taong pinakaayaw n'yang makita. Pinili na lang ni Shield na yumupyop sa isang tabi. Nniyakap n'ya ang kanyang mga tuhod, at doon ay binaon ang kanyang mukha. Sa kanyang pagpikit, kahit na ayaw n'ya, memories of the past, of their past, came flashing back at her...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Shield came from a very rich and influential family. Bata palang s'ya ay namulat na s'ya sa karangyaan. Everything she wants, she gets. Kahit nga mga bagay na hindi naman n'ya hinihingi, binibigay sa kanya. She's a miracle baby, kaya natural lang na she's very spoiled by her parents and grandparents. Matagal bago nagkaroon ng anak ang kanyang mga magulang. Akala nga ng mga ito imposible na silang makabuo pa. Kaya't noong ipagbuntis si Shield ng kanyang ina, abot langit ang kanilang pasasalamat. For them, Shield's a treasure, a miracle. They loved Shield so much... so much that they became too overprotective of her... lalo na noong malaman nilang may sakit ito sa puso.

Shield spent most of her childhood in a hospital. She was home-schooled until Grade 6 because of her illness. Fortunately, dahil sa agarang lunas at magagaling na spesyalista na nagmula pa sa iba't-ibang bansa, Shield recovered from her heart disease. 'Yun nga lang, because of her illness, isang taon s'yang late na nagsimula ng high school.

It was Shield's very first time to go to school, home-schooled nga kasi s'yang buong elementary days. Dahil madalas lang na nakakulong sa bahay, with none of her age to talk to (the only people she ever had conversations with are her parents and their house servants), sobrang nahirapan talaga si Shield na magadjust sa paaralang pinasukan. Hindi n'ya alam kung paano makikitungo sa mga kaklase. Hindi n'ya alam kung paano kakausapin ang mga ito. Sobrang nanibago s'ya sa mataong environment. Everything was new to her. She felt really scared, but excited at the same time. Excited s'yang magkaroon ng mga kaibigan, 'yun nga lang, hindi n'ya alam kung paano.

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon