CHAPTER 22- The Only Exception

275K 5.3K 2.3K
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is... painful </3 .

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 22- The Only Exception

MIKA's POV

Papunta ako ngayon dun sa tent ni Panda sa rooftop ng Academic Building. Magbabakasali ulit ako na makikita ko s'ya.

"Wala parin kaya s'ya?" tanong ko sa sarili ko sabay silip dun sa tent ni Panda.

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" napasigaw na lang ako dahil saktong pagsilip ko, ang lapit ng mukha-- I mean mask ni Panda sa akin! Nandun s'ya sa loob! 

"O.A." walang ganang sabi n'ya sabay higa dun sa tent n'ya, like a boss na naman ang peg n'ya.

"Hoy! Bakit ngayon lang kita nakita huh?" tanong ko.

"Sasagutin kita kung may kapalit na pagkain."

"Patay gutom ka talaga. Oh," inabot ko sa kanya yung isang packed lunch na dala ko. Napabangon s'ya agad.

"Ang bait mo ata ngayon?" sabi n'ya pagkakuha nung packed lunch.

"Tsk, pambawi ko yan."

"Para san?"

"Para dun sa pagpapalayas ko sayo sa apartment nung band practice namin. Malaki yung naitulong ng comments mo sa amin, kaya thank you at sorry sa paninigaw sayo noon."

"Ah..." yan lang ang sinabi n'ya, di na interesado sa akin kasi sinisimulan na n'yang kainin yung packed lunch na bigay ko. 

Umupo na lang ako sa tabi n'ya. 

"Bakit naka full mask ka ngayon? Bakit di na half mask?" Napansin ko kasing suot n'ya yung unang version ng mask n'ya ngayon, yung taklob ang buong mukha, kaya need pa n'ya itaas ng konti yung mask n'ya para makasubo ng pagkain.

Napatingin s'ya sa akin, "Sasagutin ko yang tanong mo kung may ibibigay ka pa sa aking pagkain," sabi n'ya. Malala na talaga.

"Wala na akong pagkaing dala."

"Oh edi walang sagot," sabi n'ya tapos inisnob na ako at nagconcentrate na muli sa pagkain. Tsk, bwisit talaga ugali nito kahit kailan. Pero infairness namiss ko s'ya kahit paano.

Mabilis lang n'yang naubos yung pagkaing dala ko. Di na ako nagtaka, may lahing pg nga eh. Aalis na sana ako kasi di naman n'ya ako kinakausap, nang ilabas n'ya yung laptop n'ya at nakita kong may broadband yun! 

"Wow, may sarili kang access sa internet?" tanong ko habang sumisilip sa laptop n'ya. Naglalaro s'ya ng online game.

"Natural lang na meron, isa kaya akong--" hindi n'ya tinuloy yung sinasabi n'ya!

"Isa kang ano?"

"Isa akong... isa akong academic achiever. Alam mo namang kapag nakasama ka sa dean's list mapa academics o talent, may makukuha kang extra allowance diba? Kaya marami akong savings."

"Oh... so matalino ka pala?"

"Hindi ba halata?"

"Hindi."

Napailing lang s'ya tapos inisnob na ako.

Ugh naiinggit ako habang pinapanood ko s'ya. May unlimited access s'ya sa internet at di hamak na mas mabilis yung connection n'ya kaysa dun sa computers dun sa computer lab na may free 2 hours access per student nga, ang bagal naman pag manonood ka ng videos. Hindi n'ya pa kailangang maghintay ng vacant pc, di tulad ko (minsan wala pang vacant pag free time ko, huhu). So, ibig sabihin, pwede s'yang makapagmarathon ng koreanovelas at makapagbasa sa wattpad anytime he wants? Waah! Kainggit talaga! Ang dami ko ng namiss out na updates siguro sa wattpad! Miss ko narin manood ng koreanovelas o ng kahit ano, kasi nga wala pa kaming tv sa bahay, poor kaming mga no-stars T^T

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon