CHAPTER 47- Good Memory

273K 6.8K 3.3K
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is as beautiful as the setting sun. And sometimes, just sometimes, if you're lucky enough, it can look way more beautiful than that.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 47- Good Memory

MIKA's POV

Nakahiga na ako sa kama, pinipilit matulog pero hindi magawang makatulog. Ang hapdi ng mga mata ko dahil sa sobrang pag-iyak. Sinisipon pa ako.

Hanggang ngayon hindi ko parin lubusang maintindihan kung bakit ako niloko at pinaglaruan ni Night Cervantes. Hindi ko magets kung bakit pinaniwala n'ya akong magkaibang tao sila ni Panda.

Bakit?

Bakit?

Bakit?

Bakit?

Bakit?

Nakailang 'bakit?' na ako pero wala talagang lumalabas na sagot. Mukhang hindi ako makakatulog hangga't hindi ko nalalaman ang dahilan ni Night. Kaya naman, kahit madaling araw na at tulog na lahat ng kasama ko sa apartment ay napagpasyahan kong lumabas ng kwarto. Bumaba ako at pumunta sa garden, sa pagbabakasakaling naroon pa si Night. Hindi ko kasi alam kung umalis na ba s'ya ng apartment pagkatapos n'yang tumigil sa pagkatok sa kwarto noong umiiyak ako.

Pagdating ko sa garden, pagbukas ko noong tent, nadisappoint ako dahil wala na doon si Night. Dismayado na sana akong babalik sa kwarto, pero paglabas ko sa tent, nakita ko s'yang nakaupo na sa veranda. Suot na ulit n'ya ang kanyang maskara. May hawak s'yang isang can ng beer sa isang kamay habang hinihimas naman ng isang kamay si Dark. Tumingin ang pusang si Dark sa akin, nagbabanta na namang mangalmot. Nakita tuloy ni Night na nakatingin ako sa kanila.

"Sa-Sausage!" gulat na gulat s'ya nang makita n'ya ako. Agad s'yang lumakad papunta sa harapan ko. Noong magharap kami, hindi ko malaman kung sinong kaharap ko. Si Night ba o si Panda? Alam kong iisa lang sila, pero anong personalidad ang totoo? Meron nga bang totoo sa dalawang personalidad na pinakita n'ya sa akin? Gulong-gulo na talaga ako.

"Sino ka? Sabihin mo sa akin, sino ka ba talaga?" 'Yan agad ang lumabas mula sa bibig ko noong sinubukan kong magsalita.

"Sino bang nakikita mo ngayon?" tanong n'ya.

"Ewan ko! Gulong-gulong na nga ako kaya ikaw ang tinatanong ko! Sino ka bang talaga?"

"Ako parin 'to. Si Knight na may silent K."

"Eh bakit kinailangan mo pang magsuot ng black na wig at itago ang blond mong buhok?"

"Gan'to kasi yun, tinry ko kaninang magkulay ng blond, kasi wala akong magawa, pero hindi ko talaga nagustuhan ang itsura, nakakasuka, kaya nagsuot ako ng black na wig," kalmado n'yang paliwanag.

"Pwede mo namang kulayan ulit ng black, bakit nagwig ka pa?"

"Eh kasi... kasi wala ng bukas na tindahan ng pangkulay kasi gabi na."

"Walang bukas na tindahan ng pangkulay pero may bukas na tindahan ng wig?" Naglabas ako ng isang mapait na tawa, "Ganyan ba katanga ang tingin mo sa akin? Kaya hanggang sa huli lolokohin mo ako?"

"Hindi kita niloloko. Ano ba kasing--"

"Nakwento sa akin ni Rocket kanina na schoolmates daw kayo nung highschool, at na namatay ka raw sa isang car crash bago maggraduation. Umattend pa nga daw ng funeral mo si Rocket eh. Hindi nga raw nakaattend si Night ng graduation ceremony kahit valedictorian s'ya, kasi nga namatay ang kakambal n'ya. Kasi nga namatay ka raw. So kung ikaw nga talaga si Panda, ang kakambal ni Night Cervantes gaya ng sinasabi mo... at buhay ka... edi ibig sabihin, nagsisinungaling lang pala si Rocket?"

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon