epilogue | 'Homecoming' (3)

7K 413 1.1K
                                    

Continuation...

MIKA's POV

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

from: +63 XXX XXX 0169

Congrats sa successful concert! 

Takits tayo tom? Free ka ba?

Sorry. Puntahan sana kita 

pero may need lang me asikasuhin 

na hindi pwedeng hindi ko asikasuhin today :(


P.s. sana buhap pa si Dark :( Buhay pa naman si bff ano?

Hindi pa naman siya nagiging siopao? Sana :( Cross fingers T^T

omg. huhu.


K pala to, btw. ito bago kong number.

pakisave. ty.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

from: +63 XXX XXX 0169

*buhay

sorry typo 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


"Hahaha! yan lang text sa'yo?" asar ni kuya Tyron matapos kong ipakita yung text na natanggap ko.


"Hula ko, babae," sabi naman ni kuya Tyrus. "Feeling ko meron nang jowa yan kaya ganan. Yun yung need niyang asikasuhin."


"P- paano mo naman nasabi?!" Halos pumiyok ako. Bwisit na mga kuya 'to! Mas lalong pinapalala anxiety ko imbis na pakalmahin! Bakit pa ba ako nagsabi sa kanila! Sana sinarili ko na lang yung text!


"Feeling ko rin..."


"Pareho kayo? Bakit?" Halos maiyak na ako sa isang tabi. Kainis naman 'tong mga 'to e!


"Wala, feeling lang namin. 4 years na e. Dami kayang chicks sa mundo." -kuya Tyron.


"Gusto mo tanungin namin kung single pa?" -kuya Tyrus.


"Rus! Dial mo number, tawagan nat-"


"Wag na!" sigaw ko. "Ako na magtatanong bukas!"


"Bukas?" sabay silang napakiling sa kaliwa. "E'di ba, may schedule ka?"


"I-reresched niyo siyempre. Bakit? Para saan pa at ginawa ko kayong managers?"


"Ano ba yan! Landi!" sigaw ni kuya Tyron.


"Magkita na lang kayo the day after tomorrow," suggestion naman ni kuya Tyrus. "Free ka no'n di ba? Isang araw na lang naman."


"Nakapaghintay ka nga ng four years!"


"Hindi!" sigaw ko. "Hindi ko na kaya! I want to see him tomorrow! So free ako bukas, okay? Please! Please mga kuya!"

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon