~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
What is Love?
Love makes you love life.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
CHAPTER 45- You're right, I'm wrong. (Part 1)
MIKA's POV
Pagdating namin ni Night sa bahay, sinalubong agad kami ng dalawa kong kuya. Mukhang nasa trabaho pa si mommy kaya wala pa s'ya doon.
Gamit ang very convincing acting skills n'ya, na sinamahan pa ng perfect imitation n'ya ng boses ng isang babae, pumasa naman si Night bilang si Nathalie sa mata ng dalawa kong kuya. THANK GOD.
Mukhang wala silang kaalam-alam na lalaki ang nasa harapan nila ngayon. Sa katunayan... mukhang type pa nga ni Kuya Tyron si Night eh. OMG T__T
"Oy bunso, wala bang boyfriend yang kasama mo?" yan agad ang tanong sa akin ni Kuya Tyron matapos kong ipakilala si Night (aka Nathalie) sa kanilang dalawa ni Kuya Tyrus. May pagkaplayboy kasi 'tong si Kuya Tyron. Basta maganda, pinopormahan n'ya. Kaya ayaw kong nagdadala ng babaeng kaibigan dito sa bahay eh.
"Kuya!" saway ko sa kanya.
"O bakit? Tinatanong ko lang naman eh. Ito si bunso kj."
Di ko na lang pinansin si Kuya at bumaling na lang ako kay Night. "Ni-- Nathalie akin na muna yang bag mo, ilalagay ko muna sa kwarto."
"Samahan na kita." Palakad na si Night para samahan ako pero... hinarangan s'ya ni Kuya Tyron.
"Ah Miss, ako na. Maupo ka na lang." Kinindatan ni Kuya si Night matapos niyang kuhanin yung bag mula rito. Mukhang pareho kaming kinilabutan ni Night dahil dun. Si Kuya Tyron talaga kahit kailan! 'Pag nalaman n'yang hindi babae si Night, nako, ewan ko na lang kung anong magiging reaksyon n'ya.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Pagbalik namin ni Kuya Tyron sa salas, nadatnan naming tahimik na nakaupo si Night sa sofa, habang si Kuya Tyrus naman ay busy sa pagcocomputer sa isang tabi. 'Tong si Kuya Tyrus, iniwan na lang basta si Night dun na walang kausap. Kahit kambal 'tong dalawa kong kuya at sobrang magkamukha, sobrang magkaiba talaga silang dalawa ng ugali. Kung flirty si Kuya Tyron, ilag naman sa babae 'tong si Kuya Tyrus.
"Tyrus, di mo man lang binigyan ng maiinom yung bisita. Bumili ka ng softdrinks dun sa tindahan," sabi ni Kuya Tyron sa kanya, pero parang walang naririnig si Kuya Tyrus. Nakaheadset kasi s'ya at busy sa paglalaro ng online game.
Agad nilapitan ni Kuya Tyron si Kuya Tyrus at tinanggal ang headset nito.
"Ano ba!" sigaw ni Kuya Tyrus.
"Mamaya ka na magcomputer. Bumili ka muna ng softdrinks, may bisita tayo eh."
Nagbuntong hininga si Kuya Tyrus."Samahan mo ko."
"Bakit sasamahan pa kit--"
"Samahan mo ko." Hinigit na ni Kuya Tyrus si Kuya Tyron palabas ng bahay. Buti naman.
Agad kong nilapitan si Night.
"Sorry sa mga kuya ko ha? Ganyan talaga sila eh."
"Okay lang. Medyo hassle lang kasi mukhang type ako nung isa mong kuya."
Natawa ako. "Napansin mo?"
Tumango si Night with a very disgusted look on his face. Natawa na naman ako.
"Ang ganda mo naman kasi eh," biro ko sa kanya.
Sinamaan n'ya ako agad ng tingin. Oops.
"Nasaan ang mommy mo?" tanong n'ya.