CHAPTER 61- ROAD TO FINALS: *Intermission | Drunk Minds, Sober Thoughts

188K 4.7K 3.1K
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is... trying, and not trying, despite of.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 61- ROAD TO FINALS: *Intermission | Drunk Minds, Sober Thoughts

(K)night's POV

Umiinom na kami ngayon ni Chua. Parehong walang imik. Concentrated sa kani-kanyang hawak na basong may vodka at brandy. Tahimik lang kaming umiinom at lumalagok ng alak, dahan-dahang nilulunod ang aming sarili habang tumutugtog sa background ang instrumental jazz version ng Riptide ni Vance Joy.

Sa harap ng 'neon lit' bar counter ng Neon Nightlife (isang high-end bar dito sa Hoshi kung saan mga members lang ang pwedeng pumasok) kami nakaupo. One (vacant) seat apart. Of course.

Hindi miyembro dito si Chua, ako lang/si Night lang. Nakapasok lang si Chua dito kasi kasama ko s'ya. (Allowed kasi magsama ang bawat member dito ng hindi hihigit sa tatlong non-members.)

May kamahalan ang membership fee dito kaya mga 4 stars, 4 and a half stars (mga malapit nang magdebut as stars), at mga 5 stars ('already celebrity' alumni) lang ang nakakaafford magpamember. Worth it naman 'yung fee kahit papaano, lalo na para sa mga celebrity na tulad ko/ni Night. 

Since puro celebrity alumni, at mga studyanteng malapit nang maging celebrity alumni ang majority ng customers dito, walang mga hayok na fans na iistorbo sa'yo dito. Kung may fans man, refined ones lang ang meron. (Mga fans na kuntento nang humahanga sa tingin at sa malayo.) Hence, malayang-malaya kang uminom dito. Walang manghaharass sa'yo o mangiistorbo para magpapicture o autograph—kahit isa ka pang superstar.

Habang nilalasap ang mapait na vodka sa'king dila, pati na ang mainit nitong paghagod sa'king lalamunan pagkatapos kong lumunok, biglang umimik si Chua—na may kasabay pang pagtayo mula sa bar stool.

"That's it, I'm leaving," sabi n'ya bigla.

"Nagbibiro ka ba?" gulat na sabi ko. "Kakakapasok lang natin a? Ni hindi mo pa nga nakakalahati 'yong brandy mo!"

"I can't do this after all." Iniwas n'ya ang tingin sa akin. "This is just so wrong."

"Wrong? Anong mali dito? We're just two guys drinking. Yet you're making it sound, na para bang may ginagawa tayong hindi dapat ginagawa ng dalawang lalaki." Kinilabutan ako bigla. "Anong tingin mo dito, isang forbidden love affair?" King ina, halos masuka ako sa senaryong biglang pumasok sa isip ko dahil sa sinabi ko. Kadiri! Yak!

Agad nabalik ang tingin sa akin ni Chua.

"There you go with your 'not so Cervantes' retorts again! Of course that's not what I meant!" sigaw n'ya. Hinilot-hilot ang ulo pagkatapos, pilit pinakalma ang napipikon na n'yang 'laging pikon sa'kin' na sarili. "What I meant is, you're Cervantes, and I'm Hell. Cervantes... and Hell, get it? We're like water and oil. Black and white. Yin and Yang. There's no way we'd go drinking out together. That's just so wrong and fvcked up. This, right here," tinuro n'ya back and forth ang espasyo sa pagitan namin, "is just so wrong and fvcked up."

I was speechless. Napatulala nalang ako sa hangin.

Ako naman ngayon ang nagtitimpi. 

Ako naman ngayon ang nagmamasahe ng sintido. 

Ako naman ngayon ang sobrang nagpipigil na makasapok. 

King ina. Para sa isang lalaki, ang arte talaga ng potres na 'to.

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon