~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
What is Love?
Love is feeling completely happy, while doing completely nothing.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
CHAPTER 25- Antidepressant
HELL's POV
"F*ck you! How could you do this to me? F*ck you! F*ck you!" Walang tigil na mga mura at pagbasag ng kung ano-ano ang naririnig ko habang nakayupyop sa sulok ng kwarto ko. Nakatakip na ang dalawang kamay ko sa mga tenga ko, pero naririnig ko parin ang ingay sa labas.
"Kasalanan mo ang lahat. Kung hindi ka lang sana naging mahina at pinilit mo na lang ilihim yung totoo, hindi sana nagkaganito. Kasalanan mo ang lahat." Andun na naman s'ya, yung itim na pigurang nakatira sa loob ko, bumubulong na naman s'ya. Bumubulong na naman s'ya!
Hindi ko na naririnig ang sigawan sa labas, pero s'ya naman ang pumalit. Bumubulong na naman s'ya!
Diniinan ko pa ang pagtakip ng mga kamay ko sa tenga ko. Pero dahil nasa loob ko s'ya, kahit anong pagtakip ko, rinig na rinig ko parin ang boses n'ya. Ang boses n'yang kaparehas na kaparehas ng sa akin.
"Kasalanan mo ang lahat ng to," bulong n'ya.
"Tumigil ka na!" sigaw ko.
"Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. "
Palakas ng palakas ang bawat pagbulong n'ya. Walang tigil, ni hindi s'ya humihinga.
"Tama na."
"Tama na."
"Tama na."
"Tama na."
"Tama na."
Paulit-ulit kong bulong, pero ayaw n'yang makinig. Ayaw n'ya! Lalo pa n'yang nilakasan at binilisan ang pagsasalita.
"Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo."
Unti-unti nang napupuno ng boses n'ya ang ulo ko. Unti-unti. Unti-unti. Unti-unti.
"Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo. Kasalana--"
"TAMA NA!!!" Malakas kong sigaw kasabay ng pag umpog ko ng ulo ko sa saheg na inuupuan ko.
Sa wakas, tumigil na rin s'ya. Sa wakas. Akala ko sasabog na yung ulo ko.
"Sir Hell! Ano pong nangyari sa inyo? Bakit nagdudugo yung ulo n'yo?" Agad kumaripas palapit sa akin yung kakapasok lang na katulong. Hahawakan n'ya sana yung ulo ko pero tinabig ko yung kamay n'ya.