💙Special Chapter: Of Shooting Stars and Wish Come Trues 💙☀️✨️

2.7K 106 211
                                    

💙Special Chapter:

✨️Of Shooting Stars and Wish Come Trues✨️

MIKA's POV

Dec 31. 8AM

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

From: mahal Ko

Yo. Tara last date bago matapos taon.

G?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Six months na kaming dating ni K. Pero kung kausapin niya ako madalas sa text akala mo tropa lang kami. Pag tumatawag siya, tunog bf, sweet at malambing, pero pag nagtetext ganito...


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

To: mahal Ko

G. Saan? Ano oras tayo uuwi? Para masabi ko kay Mi.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

From: mahal Ko

Don sa beach na sabi ni Air na magkakaron daw ng meteor shower mamaya. 

Medyo mahabang byahe kaya overnight tayo. Kinabukasan na kita mauuwi.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Imbis na magreply via text, tinawagan ko siya. Agad naman niyang sinagot.


"Hello, mahal ko?"


"Overnight tayo? Sure ka?"


"Ayaw mo ba?"


"Gusto. Siyempre. Pero kasi first new year mo rin 'to with your parents 'di ba after coming back, okay lang ba na hindi ka sa inyo magcelebrate?"


"Nasabi ko na kila mommy n'ong Pasko pa na gusto kita makasama sa countdown. Okay lang naman daw, basta tawagan ko na lang daw sila. Babalik din naman tayo ng January 1, kaya okay lang 'yon."


"Okay... pero may isa pa. Papayagan kaya tayo ni Mi? Pinapayagan lang naman tayo mag-overnight na magkasama if dito sa bahay. Alam mo naman."


Saglit na natahimik ang linya niya.


"Akong bahala."


"Sure ka? Bakit parang hindi masyado?"


Tumawa siya. "Sure nga. Leave it to me. Akong bahala. Punta ako sa inyo ngayon para magpaalam, pero ligo lang muna ako."


"Sige. Text mo na lang ako pag papunta ka na."


"Pero, okay lang pala sa'yo?"


"Ha? Alin?"

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon