Cassandra Kim's Pov
"T-thanks," nauutal na saad ko at nagsimula nang maglakad papasok sa campus.
"U-uhm, Kim." biglang tawag ni Yelo sa akin. Nasa gitna ako ng gate kaya medjo na traffic yung mga estudyante'ng pumapasok. Gumilid ako para mabigyan sila ng daan. Nilingon ko naman si Yelo na nag-aantay na lingonin ako. Nagsimula na siya'ng maglakad papunta sa tabi ko.
"Hmm?" nagtatakang tanong ko ng makarating siya sa tabi ko.
"A-ano pwede ba akong sumabay sayo'ng mag lunch?" tila nahihiyang saad niya.
"U-uhm, sure." sagot ko na ikina ngiti niya.
May ibinulong pa siya na hindi ko narinig.
Syempre, hindi mo talaga maririnig Kim. Bulong nga diba?
"May sinasabi ka ba?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin na siya'ng dahilan ng pagkita ng dimple niya. "Ihahatid na kita sa building niyo." sabi niya na naroon pa rin ang ngiti.
Sana all, may dimple.
"Wag na. Baka ma late ka pa." sinabi ko sa kanya. At inayos ang pag dala ng bag ko.
"No, I still have time." agap na ani niya. Magsasalita pa sana ako ng bigla niya'ng kunin ang bag ko. "Ako na ang mag dala." sinabi pa niya at nauna nang maglakad. Iniwan akong naguguluhan sa inasta niya.
Kesa mag mukhang tanga ako roon ay nagsimula na rin akong maglakad.
Nasa gilid niya ako. Panay ang tingin at chismissan ng nga schoolmates namin sa amin.
"Omg! Are they dating?"
"Uwu, bagay sila."
"Business Management student and Pre-Med student? Not bad."Owemji! Grabe naman sila mag bulong-bulungan. Rinig na rinig talaga namin eh. Meganon ba? Isa pa. Meganon?
Itong isa naman 'to. Parang tangang naka ngiti. Yung ngiting abot mata at tenga. At dahil nga sa may lahi siya'ng intsek, halos hindi na makita yung mata niya sa pag ngiti niya. Anyare ba sa isang 'to? Na dagdagan tuloy yung mga nag chichissmiss4????! na students sa dinaraanan namin ng mapag tsimisan. Kung maka ngiti naman kasi ang isang 'to, akala mo nanalo sa loto eh.
"Oh my! Ang pogi niya." -G1
"Nuh-uh, he's cute." -G2
"Come on girls! Let's admit that he's cute and handsome." -G3Nilingon ko naman si Yelo na todo ngiti pa rin ngayon kung totoo nga ba ang mga sinasabi ng mga babae'ng ito.
Well...
No comment!
"H-hey, wait!" napalingon ako sa pinagmulan ng tinig na iyon.
Yelo?
Hala, napabilis ko ata yung paglalakad ko habang iniisip yon.
Again, what the fucking hell happened to you Kim?
"U-uhm..." sambit ko ng makarating na siya sa side ko.
"Are you in hurry?" tanong niya sa'kin.
Uh-huh! Yun na lang ang irarason ko. Sasabihin ko na lang na baka ma late kaming pareho sa first period namin.
Ang talino mo talaga Ki---.
"Or you don't want to be with me?" ramdam ang lungkot sa katagang binigkas niya. Agad naman akong nag salita.
"H-huh? H-hindi... Ano u-uhm... Baka kasi ma late tayo kaya binilisan ko na yung paglalakad ko. Hinatid mo pa kasi ako eh, kaya ko namang pumunta sa building ko ng mag-isa. Ayon, baka... ano...baka ma late ka dahil s-sakin." nagkanda utal-utal na sambit ko.
Wew! Pinagpawisan ako don ah. Chars.
"Hahaha! You don't have to explain. I was just kidding you." natatawang usal niya na nag papula ng pisnge ko.
Pota! Para tuloy akong girlfriend na nag papaliwanag sa boyfriend niya.
Shota ka, Kim!
"Ah, hehehe." sabi ko nalang at nagsimula na ulit na mag lakad.
Arghhh! Nakakahiya!
Ramdam ko naman na sumunod na siya sa akin. Kung kanina ay taas-noo akong naglalakad, ngayon naman ay ang kasalungat. Ewan ko, kasi... Kaming dalawa lang naman iyong nag-uusap pero parang feeling ko narinig ng mga to yung pinag-uusapan namin. Hays. Baliw na ata ako.
At dahil sa malalim na pag-iisip ko sa kahihiyan ko kanina. Hindi ko namalayan na nasa tapat na kami ng room ko.
Hala, sa taas ng hagdan na inakyat ko hindi ko man lang napansin iyon?
Yelo! Stop running in my mind!
"Ehemmm..." napalingon kaming dalawa sa biglang nag-ingay.
Si Shine. Na nakatingin sa amin ng nakakaloko. Iba na naman iniisip neto panigurado.
"U-uhm, thank you Yelo." dali-daling sabi ko at pumasok na sa room namin.
"Kim!" tawag ni Yelo sa akin pero hindi ko na siya nilingon pa.
Woahhhh!
Saka lang ako nakahinga ng maluwag ng maka upo na ako sa upuan ko.
Akala ko tuloy-tuloy na iyong pag papahinga ko. Nakalimutan ko'ng katabi ko na pala si Shine sa upuan.
At ang gaga, pinilit akong ikwento sa kanya kung ano daw nangyare bakit kami magkasama ng Yelo'ng iyon. Aba'y malay ko. Bakit hindi mo nalang itanong sa abnormal mong kuya. Gustohin ko mang sabihin sa kanya ang linya'ng iyon pero hindi ko masabi. Ewan ko kung bakit. Ako siguro yung abnormal sa aming dalaw ni Yelo.
Panay ang pangungulit ni Shine sa akin. Panay rin ang iwas ko sa mga tanong niya. Nag tigil lang siya sa pangungulit ng dumating na ang prof namin. Lutang ako buong klase, kaya ako yung nasesermonan ng mga professor namin kasi hindi ko masagot yung mga tanong nila.
Kasalanan mo 'to, Yelo! Kung hindi mo ako pinuyat kagabi at kung hindi mo ako inasar kanina. Nasa katinuan sana ako ngayon. Dahil sa kalutangan ko, hindi ko namalayan na lunch break na pala. Buti nalang at kinalabit ako netong si Shine. Baka nagsi-alisan na lang itong mga kaklase ko ay naka tunganga pa rin ako.
"Sabay tayong mag lunch!" pag-aaya sa akin ni Shine habang naka kabit yung braso niya sa braso ko. Para tuloy kaming elementary students.
Biglang nag liwanag ang diwa ko sa sinabi ni Shine. Isasama ko nalang siya para wala ng awkward sa pagitan namin ni Yelo. Nakakahiya yung inakto ko kanina.
"Sure!" parang tanga na masiglang saad ko. Napahinto naman sa paglalakad si Shine at dahil sa naka kabit yung braso niya sa braso ko, 'matic na napahinto rin ako sa paglalakad.
Nagtataka siguro siya kung bakit bigla akong nagka ganito.
Kung nagtataka siya mas lalo na ako.
"Ki---." hindi natapos ni Yelo ang pag tawag sa akin. Siguro akala niya kaming dalawa lang. Tss. Hindi mo na ako maasar ngayon Yelo.
Naka ngisi akong lumapit sa kanya.
"Let's go." maangas na sambit ko at naglakad na palabas ng campus. Naka sunod lang silang dalawa sa akin. Akala ko hindi na siya mag tatanong kung bakit kasama ang kapatid niya.
Pagkarating namin sa parking lot ay nag tanong na siya. "Why is she with us?" halata ang pagka dismaya sa boses niya. Hindi ko alam kung anong nakain niya at na dismaya siya na sasama sa amin si Shine. Pero, I don't care. Basta ako ngayon, parang tangang naka ngisi.
"Gusto niyang sumabay eh. Tara na! Nagugutom na ako." saad ko at pumasok na sa kotse niya.
Ano ka ngayon, Yelo?
To be continued...
YOU ARE READING
His Disappearance And Their Encounter
Teen FictionFor the past years of Josua 'Wang' Law Sy's sudden disappearance, Cassandra Kim Saavedra is still into him. She promised that she would never enter a relationship if it's not Wang. But then, a guy came into her life, this guy named Jevannie Roi Chua...