Chapter 41: Movie Marathon

5 3 0
                                    

Cassandra Kim's Pov

Nadatnan namin sa Dining table si Shine at Jayson na parang batang nag-aasaran pa rin.

"Magsi tigil na nga kayo." sita ni Manang sa dalawa na kahit naka upo na hapag ay nag-aasaran pa rin. Nilagay na ni manang ang dala-dala niyang isang putahe ng pagkain sa Dining table at umalis rin agad dahil may inaasikaso pa raw ito.

Akala ko'y tumigil na talaga ang dalawa sa pag-aasaran pero mali ako. Dahil pag talikod pa lang ni Manang ay nag-aasaran na ulit ito. Nasa tabi ko si Shine habang nasa harap naman namin ang dalawa.

Nag simula na kaming magsi kainan, pero ang dalawa ay pa tuloy pa ring nag-aasaran. Panay ang tingin ko sa pinto ng dining area, nag hihintay na pumasok siya. Hindi ba iyon kakain?

Napa tigil ako sa pag kain ng biglang nag salita si Shine na hindi ko inasahan.

"Si kuya na hanap mo, Kim?" tanong nito at tahimik lamang na kumakain, hindi alintana na ang tinanong niya non ay napa tigil. Nilingon ko ang dalawa, at tulad ko ay ganoon rin sila, napa tigil sa pag subo. Nang tinaas ni Shine ang paningin sa amin ay nagulat pa siya ng bahagya."B-bakit?" tanong nito ng nauutal.

"Ano ka ba! Hindi no!" sagot ko sa sarili ko, pero bakit tunog defensive?

Napa ngiti si Shine sa sinabi ko ganoon rin ang dalawang nasa harap namin, "Okay." usal lang ni Shine pero halata ang pang-aasar ni Shine sa tinig at ngiti nito.

Nag simula na ulit kaming kumain, tahimik at wala ng nag tangkang mag salita, akala ko'y tuloy tuloy na ang katahimikan na iyon. Akala ko lang pala. Dahil bigla namang nag salita si Shine na hindi ko na naman inasahan ang sinabi...

"Wala si kuya dito, Kim. Kaya hindi mo siya ma hahanap sa kahit saang sulok ng bahay." sambit ni Shine na naka toon pa rin ang paningin sa kinakain. Nilingon niya ako at nginitian. Tumango lang ako at kumain na ulit. Wala dito kasi nasa bahay niya. Sambit ko pa sa sarili ko. Pero nang itaas ko ang paningin ko, naka sakto sa dalawang nasa harap namin ang paningin kong iyon. Tinitigan nila ang mukha ko na para bang may sinusuri, at hindi nga ako nagka mali ng biglang umimik ang dalawa, magka sabay pa talaga.

"Wala rin sa bahay niya si Van-Van." si Ramil na ang atensyon ay nasa kinakain na ulit.
"Wala siya sa don." si Jayson naman na naka tingin pa rin sa akin. Tango lang ang tanging naisagot ko sa kawalan ng salitang ma sabi.

Paano nila nalaman ang iniisip ko?

At sa puntong iyon, naalala ko naman ang sinabi ni Shine nong hinatid kami ni Sir Brix dito.

"Halata kasi sa emosyon mo."

Hindi ko nalang pinansin ang mga sinasabi nila at kumain na lang. Hanggang sa matapos kaming kumain ay hindi pa rin tumigil ang dalawa sa pangungulit sa isa't isa. Naku! Naku! Kung hindi ko lang siguro sila kilala aba'y baka ni ship ko na sila hahaha.

Niligpit ko ang pinagkainan ko at nilagay sa sink. Huhugasan ko na sana ng biglang nag salita si Shine.

"Ako na dyan, Kim!" presinta niya at patakbong lumapit sakin at sumiksik sa sink. Kaya umatras na lang din ako.

"Tulungan na kita dyan, Shine." sabi ko at akmang kukunin yung mga platong nasabonan niya na.

"Nuh-uh, si Kuya Jason na lang." sabi niya at sinenyasan si Jason an nakasimangot na ngayon. Lumingon ulit si Shine sa akin, "Don ka na sa kwarto. Antayin mo na lang ako don. Tsaka mag momovie marathon pa tayo diba? Pumili ka nalang don ng mapapanood." lintanya niya at tinawag muli si Jason na hindi pa rin lumapit sa gawi namin. Nakasimangot pa.

Ang cute hahaha.

Tinoon muli ni Shine ang atensyon sa pag huhugas habang ako naman ay hindi pa rib kumilos. Hahaha ewan ko tinatamad ako ngayon eh. Napalingon ako sa gawi ni Jason at Ramil ng may marinig ako bangko na inusog. Lumapit si Ramil kay Jason at may binulong dito. Tumango-tango si Jason na para bang na gets niya ang binubulong ng pinsan.

Ano na naman kaya pinag bubulungan nila?

Tumayo si Jason at walang sabi-sabing lumabas ng Dining Area. Umalis. Sinundan ni Ramil ng tingin ang papalayong si Jason at ng wala na ito sa paningin niya tsaka niya lang kami nilingon. Napansin rin pala ni Shine iyon kasi napatigil siya sa pag huhugas.

"Hoy! Kuya Jason ang daya mo, sabi ko mag huhugas tayo ng pinggan-." hindi natapos ni Shine ang sasabihin ng lumapit na si Kuya Ramil sa amin at natatawang nag salita.

"May importanteng lakad si Jason, Shiney. Ako na lang tutulong sayo." sabi pa nito at bahagyang ginulo ang buhok ni Shine. Napasimangot naman si Shine dahil sa pag gulo ni Ramil sa buhok niya. Ang cute!

Uwaaa, Shiney raw.

Nilingon ako ni Shine at napa kunot noo akong tinignan,"Oh, bat nandito ka pa?" ani niya at tinulongan si Ramil na lagyan ng apron.

Shit! Shit talaga! Ang ganda nilang tignan. Bagay sila, promise. No erase. Periodt. Dot. Dot.

Napangiti ako sa naisip kong 'yon. Hahaha.

"Uh, sabi ko nga aalis na. At ng mabigyan ng privacy kayong dalawa." binulong ko lang yong huling sentence ko. Alam niyo na baka mabuking si pareng Ramil hahaha. "By the way, san mo nilagay mga disc mo? Ayoko mag hanap." tanong ko habang tinitignan sila ng nakakaloko hihihi.

Oo na, ako na si Reyna'ng ma issue.

Nilingon ulit ako ni Shine at tinignan rin ako ng nakakalokong tingin. Ano na naman ba nasa isip nito?

"Hihi, nasa kwarto ni Kuya yung mga disc. Siya lang meron non since hindi ako mahilig manood. Don't worry, walang porn don. Ayaw ni Kuya sa ganon eh." diretsong sabi niya at nagpa tuloy muli sa pag huhugas. Si Ramil naman ay napa iling at natatawa dahil sa straightforward na sabi na yon ni Shine.

Habang ako, nakanganga dahil sa sinabi niya sa huling pangungusap. Wala sa sariling napa tango-tango ako kahit hindi naman nila mapapansin kasi likod na nilang dalawa ang naka harap sa akin.

"O-okay." nauutal kong sambit tsaka nag lakad palabas. Palayo sa kanila.

Gagi, na shock ako don ah. Pero bakit hindi siya nanonood ng ganon? Normal lang naman yon sa mga lalaki. Pero who knows na nanonood siya. Hindi naman lahat alam ni Shine diba?

Ay, ewan.

To be continued...

His Disappearance And Their Encounter Where stories live. Discover now