Chapter 4: Blood Stain 2.0

83 42 5
                                    

Cassandra Kim's Pov

Pababalik-balik lang 'yong lakad ko sa harap ng salamin ng 'Womens Comfort Room'. Nag iisa lang ako dito sa loob andon na siguro sa Auditarium yung iba. Wala pa kasi 'yong Yelo na 'yon e. Baka iniwan na ako ng lalaking 'yon. Baka nagpunta na sa Audi. Lagot talaga ako net----.

Napatigil ako sa pag-iisip ng may biglang kumatok. Sino ba naman 'to? Hindi naman naka-lock ang pinto.

Nilapitan ko na ang pinto at binuksan. And then I saw Yelo. May bitbit siyang paper bag.

"Oh!" Sabi niya at inabot sakin yung paper bag. Kahit nagtataka'y kinuha ko ito.

Nang chineck ko naramdaman 'kong biglang uminit yung pisnge ko.

Hala! Bat meron siya neto? May napkin at u-underwear tsaka jeans?

Tatanongin ko pa sana siya ng bigla niya nalang sinara yung pinto sa pagitan namin.

"Bilisan mo d'yan." Malamig niyang ani. Tss, pinaglihi ba 'to sa yelo?

Nagbihis nalang din ako.

Pagkatapos kung magbihis nilagay ko sa paper bag yung jeans ko tsaka underwear. Pinasok ko sa bag 'yon. Ayokong itapon 'to dito no. Kahit walang makaka alam na sakin galing 'yon. Ayoko pa rin.

Kasalukuyan akong nag-aayos ng sarili ko ng may bigla na namang kumatok.

Tinapos ko muna yung ginawa bago binuksan ang pinto.

Si Yelo na naman. Akala ko umalis na 'to.

Iirapan ko sana siya at mauuna na ng bigla kung naalala na tinulungan niya pala ako.

Hayst.

Nauna na siyang maglakad. Nasa likuran niya lang ako. Parang tuta'ng bumubuntot sa amo. Ugh!

Lalagpasan ko sana siya ng biglang sumakit yung puson ko----ang ending, sabay kaming naglalakad habang nakahawak ako sa puson kung sumasakit.

Napatingin siya sa gawi ko kaya umayos akong tumayo at naglakad ng normal kahit sobrang sakit na talaga ng puson ko.

Bakit ba kasi ganito e? Hindi ba pwedeng wag muna ngayon puson? Mamaya nalang pag-uwi ko?

Malapit na kami sa Audi.

Pagkapasok namin ang dami ng estudyante. Oh, hell?

Sisingit na sana ako ng bigla na naman akong pinigilan ng Yelo'ng to.

Kaya ang ending----nasa likod na naman kami.

Ugh! First time ko 'to'ng nasa likod kapag may assembly e.

Nararamdaman ko pa rin yung sakit ng puson ko kaya hinawakan ko ito para maibsan man lang ang sakit.

Nakatutok yung paningin ng Yelo sa harap. Habang ako naman walang naiintindihan sa mga sinasabi ng nagsasalita.

Tatanongin ko nalang si Ella.

Ow, shit! Sumasakit na talaga!

Hindi ko namalayan na may namumuo na palang luha saking mga mata dahil sa sakit.

"Aray!" Mahinang daing ko para hindi marinig ng katabi 'kong Yelo.

Pero, mali ang akala kung hindi niya maririnig. Bigla-bigla niya nalang akong hinatak palabas ng Audi.

Hala! San punta neto?

To be continued...

His Disappearance And Their Encounter Where stories live. Discover now