The Picture
Cassandra Kim's Pov
Naka dalawang ring pa lang ay sinagot na agad ni Cassy ang tawag ko.
["HELLO?!"] bungad nito sa akin. Nailayo ko pa ng bahagya ang cellphone ko dahil sa lakas ng boses niya. ["IKAW BA ANG KUMIDNAP SA ATE KO?! SINO KA BA HA?! SINONG NAG UTO SAYO?! SUMAGOT KA! SAGOTIN MO-!" hindi natapos ni Cassy ang sasabihin ng nag salita na ako. Ano ba naman itong babaeng 'to.
"Ako 'to." kalmadong sabi ko. Narinig ko ang mga buntong hininga sa kabilang linya, t'yak akong mga kaibigan niya iyon.
["Ay hehe, ate ikaw na pala iyan."] malambing agad na sabi ni Cassy sa akin. Mag sasalita na sana ako ng mag salita ulit siya. ["Bakit ba hindi ka nag rereply? Pinag-alala mo naman kami eh."] usal pa nito na siyang dahilan ng pag-init ng pisnge ko dahil sa hiya. Hindi ko sadyang napa tingin sa rear view mirror ng mahagip ng mata ko ang pag tingin rin ng inalokan ko kanina. Napa iwas agad ako ng tingin dahil sa hiya na makita niyang na mumula ang pisnge ko.
"In-on ko kasi ang Airplane Mode kaya ganon." nahihiya kong paliwanag sa kaniya habang nilalaro ang mga daliri sa taas ng paa.
Naka rinig ako ng pag urong ng upuan at ang pag bukas at sarado ng pinto sa linya ni Cassy at maya-maya lang ay wala na akong narinig na ingay sa linya ni Cassy. Para bang lumabas siya ng HQ. Sa sobrang katahimikan ay akala ko'y naka patay na ang tawag.
Iche-check ko na sana ang cellphone kung on call pa ba o hindi na ng marinig kong tumikhim si Cassy at nag salita na.
["Saan ka ba ngayon, Ate?"] tanong nito sa nag-aalalang tanong ni Cassy sa akin. Bumuntong hininga muna ako bago siya sinagot.
"Papunta ako sa bahay nina Shine. Wag ka ng mag-alala, may kasama akong, ehem, bodyguards." sambit ko kay Cassy at bahagyang nilingon ang mga bodyguards na nasa harap ko. Busy pa rin yung bumati sa akin kanina kaka text. Habang yung isa naman ay pa ngisi-ngising nag maneho.
["Oh sige, Ate. Basta tawagan o itext mo agad ako kapag may nangyari. Mamaya ko nalang sasabihin sayo yung nakalap naming impormasyon sa mga pulis tungkol sa nangyaring ambush at yung mga bangkay na natagpuan sa abandonang building."] mahabang sinabi nito na nag bigay sa akin ng bagong isipin.
Kanina pa naka patay ang tawag, hindi ko pa rin naibaba ang kamay kong nakahawak sa cellphone na nasa tenga ko pa rin kahit wala nang ka tawag.
Bakit may kinalaman yung mga bangkay sa abandonang building?
Napa buntong hininga ako ng malalim dahil sa bagong katanongan sa isipan. Katanongan na masasagot naman mamay kaya hindi na dapat isipin pa.
Nang tignan ko ang labas ay na pansin kong nasa subdivision na kami ng bahay nina Shine. Bumusina ang lalaking inalokan ko kanina nang dalawang beses at bumukas ang gate, katamtaman lang ang pag bukas ng gate, sakto lang para maka pasok ang sasakyan namin. Saka ko lang rin napag tanto na wala na sa harap namin ang Van kanina. Lumingon ako sa likod at doon nakita ang dalawang Van na naka park na sa gilid.
Hindi ata papasok.
"Nandito na tayo, Miss." usal ng lalaking kanina pang may tinitext. Ngumiti lang ako at tumango na lang.
Sinilip ko muna ng isang beses ang cellphone kung may nag text ba, may nag text nga pero hindi ito ang inaasahan kong text message. Ano ba kasing ginagawa ng ugok na iyon!
Bumaba na ako sa sasakyan na inalalayan naman ako nong lalaking may ka text sa pag baba. Nilahad niya ang kamay niya upang alalayan ako, na ngiti kong tinanggap ang kamay niya saka bumaba na ng tuluyan.
Napansin kong nanlaki ang mata ng nag drive kanina na inalokan ko ng Cake at Juice.
May kinuha siya sa bulsa niya, cellphone, at tinutuk ang camera sa gawi namin. Na para bang kinukunan kami ng litrato sa ganoong posisyon. Nasa baba na ako. Pero hindi ko pa nabitawan ang kamay ng lalaking umalalay sa akin ng marinig kong may sinabi ang lalaking inalokan ko kanina ng salitang hindi ko maintindihan. Napa mura ang lalaking umalalay sa akin dahil sa ginawa at sinabi ng driver na iyon, pero hindi pa rin binibitawan ang kamay ko.
"AHA!" napalingon kaming lahat sa sumigaw na si Shine na katulad ng lalaking nag drive kanina, ay nasa kamay rin ang cellphone, ang camera nito ay naka tutok rin sa amin na para bang kinukunan rin kami nh litrato sa ganoong posisyon. "GOTCHA!" saad pa nito ng mag flash ang camera niya. Hindi ko alam pero para akong napaso na dali-daling inalis ang pagka patong ng kamay sa kamay ng lalaki na ganoon rin ang ginawa. Para kaming mag syota sa sekretong relasyon at may nakakitang mag kahawak ang mga kamay namin. Hindi ko na napigilan ang ngiti ko. Napa lingon ulit ako kay Shine ng biglang mag flash ulit ang camera niya, kinukunan niya ulit ako ng litrato, ng naka ngiti.
May pinipindot pindot pa si Shine sa cellphone niya, habang ako ay nag tataka sa ginagawa niya. Bakit niya kami kinukunan ng litrato?
Mas lalo pa akong nag taka ng naka simangot na lumapit ang lalaking nag drive kanina kay Shine habang dala-dala pa nito ang cellphone.
"Ang daya mo Shine!" usal nito na nagpa laki ng mata ko at pag-angat ng paningin ni Shine sa kaniya. Mas lalo pa talaga akong nagulat sa sunod na ginawa ni Shine, niyakap niya ang lalaki na para bang ngayon lang niya ito nakita ulit.
"Kuya Jayson!" tawag ni Shine sa lalaki habang naka yakap pa rin siya dito. Kuya? Magka ano-ano sila?
"Hmp, hindi kita bati." saad naman ng lalaki na para bang nag tatampo. Hindi raw bati eh naka yakap naman pa balik kay Shine. Kumalas si Shine sa pag yakap dahil sa sinabi ng lalaki at emosyonal niya itong tiningala dahil mataas ito ng konti sa kaniya.
"Bakit na man, Kuya Jayson?" emosyonal niyang tanong sa tinatawag na Kuya Jayson.
Ang sunod na sinabi na tinatawag ni Shine na Kuya Jayson ang mas lalo pang nag pa gulat sa akin.
"Inunahan mo ako eh. Gagamitin ko pa naman yon pang blackmail kay Ramil sa Kuya mo." sambit nito na naluluha pang tumingin sa cellphone niya, para siyang bata na inagawan ng candy. "Wala na tuloy." dagdag niya pa na para bang kino konsensya si Shine.
"Eh," sambit naman ni Shine at sa kanya naman na toon ang paningin ko. "Sorry Kuya Jayson. Next time na lang siguro. Na send ko na kasi kay Kuya yung pictures." emosyonal pa ring usal ni Shine na nag pa gulat sa akin...sa amin pala.
"ANO?!" sabay naming sigaw ng katabi ko na sa tingin ko ay ang tinatawag ng Jayson na iyon na Ramil. Nilingon ko si Shine na naka peace sign na ngayon.
Anong ginagawa mo STEPHANIE SHINE CHUA?!
TO BE CONTINUED...
YOU ARE READING
His Disappearance And Their Encounter
Teen FictionFor the past years of Josua 'Wang' Law Sy's sudden disappearance, Cassandra Kim Saavedra is still into him. She promised that she would never enter a relationship if it's not Wang. But then, a guy came into her life, this guy named Jevannie Roi Chua...