Paranoid Cassy
Jevannie Roi's Pov
Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng neck-tie ko ng may biglang nag pop na message sa cellphone ko, galing kay Kim.
Binilisan ko ang pag-ayos sa neck-tie bago binuksan ang message ni Kim.
From: Kimmytot
Message: Uhm, pupuntahan ko si Shine sa bahay niyo.Hindi ko na pigilan ang pag silay ng ngiti sa labi ko dahil sa natanggap na mensahe mula sa kanya. So, nag papaalam siya sa akin. Hindi na ako nagulat sa message niyang iyon, dahil tinawagan ako ni Shine kanina upang mag paalam sa akin. Hindi pa man ako naka type ng ma irereply ng bigla ulit akong maka tanggap ng message sa kanya na mas lalo pang nag pa ngiti sa akin.
From: Kimmytot
Message: What I mean is sa bahay ng parents mo. Tsaka, I'm telling you this because I don't want you to uhmmm worry.You don't want me to worry, ha?
Mas lalo akong napa ngiti sa inisip. Mag tytype na ulit sana ako ng ma rereply sa kanya ng may biglang tumawag. Akala ko ay si Kim na ang tumawag...hindi pala.
Incoming call... Dad
Answer DeclineTumikhim muna ako bago sinagot ang tawag.
"Yes, Dad?" sagot ko sa kabilang linya. Narinig ko pa siyang bumuntong hininga bago nag salita.
"Are you really sure about this, son?" halata sa himig ni Dad ang pag-aalala.
"Yes, Dad. Don't worry. I'll take care of myself. Uuwi rin ako. But I'll fix this first." sinabi ko sa kanya para hindi na siya mag-alala. Narinig ko ang boses ni Mom sa background ni Dad.
["Is that Van-Van?"] rinig kong tanong ni Mom kay Dad. Sa tingin ko ay tumango lang si Dad bilang sagot dahil si Mom na ang nag salita. ["Hello, ijo? Okay ka lang ba diyan? Mag-iingat ka diyan ah. Tsaka, umuwi ka agad dito."] sunod sunod na sabi ni Mom na nag pangiti sa akin.
I chuckle, ["Yes Mom, don't worry."] sabi ko na lang. Hindi naman nag tagal ang usapan namin dahil kailangan na nilang umalis para sa business meeting, ganon din ako. Dinial ko agad ang numero ni Ramil.
["Hello, bro? Ano nasa Airport ka na ba?"] sambit agad nito ng sinagot ang tawag ko.
"Gago. Hindi pa ako makaka uwi. Samahan mo si Kim. Pupunta siya kay Shine sa bahay. Uulitin ko, wag na wag niyong hayaang mawala sa mata niyo si Kim," tumikhim muna ako bago nag salita ulit. "Maliban nalang kong nasa kwarto sila. Bawal ang lalaki sa kwarto ng kapatid ko, Ramil Buenavista." paalala ko pa dito. May gusto siya kay Shine. Tumawa muna ito bago sumagot.
["Yes, bro. You don't have to remind me. I should be the one who remind you hahaha."] saad nito na nagpa kunot ng noo ko.
"What you should remind me about?" nag tataka kong tanong sa kaniya. Inipit ko ang cellphone sa balikat at kumuha ng isa sa mga naka hilerang relo at isinuot ito. Hinawakan ko ka agad ang cellphone sa kanang kamay at kinuha naman ang suitcase gamit ang kaliwang kamay bago nag lakad papalabas ng kwarto. Ma la-late na ako kung hindi ako kumilos ngayon.
["Na walang kayo hahaha."] sagot nito sa tanong ko na nagpa inis sa akin.
"Shut up!" asik ko sa kanya kahit wala naman siya sa harap ko. Kahit totoo naman ang sinabi niya. Pumasok na ako sa kotse. "Let's go." utos ko sa driver.
"Yes Sir." sambit naman nito at pina andar na ang kotse.
["Sama ako sa kanila, bro ah. Gusto kong pumunta sa bahay niyo eh."] nagulat ako ng hindi na boses ni Ramil ang narinig ko sa kabilang linya. Kundi boses na ni Jayson.
"Sasama ka namab talaga. Bantayan mo iyang si Ramil. Baka pormahan niyan ang Mrs ko." pag bibirong sabi ko. Nag scroll scroll lang ako sa iPad, binabasa ang mga kailangang aralin para sa meeting. Nag tataka kong nilingon ang cellphone ko na hawak ng kabilang kamay ko ng wala na akong marinig na ingay dito. Pero maya-maya lang ay narinig ko na ang boses ni Jayson, pero mahina lang ito na para bang bumulong lang ito.
["Oh sige na. Narito na ang Mrs mo."] sambit nito at binaba na ang linya. Napa ngiti akong binaba ang cellphone at nilagay sa bulsa ng suit ko.
Napa hinto ako sa pag scroll ng saktong mukha ni Mr. Philip Smith ang nasa screen nito.
It's time for revenge, Mr. Smith.
Cassandra Kim's Pov
Sakto lang ang pag mamaneho ng lalaking ito. Hindi ko pa man nasabi ang pupuntahan mo ay tila alam na nito. Siguro ay sinabihan na siya ni Roi.
Biglang kong kinuha ang cellphone ng ma alalang tinext ko pala si Cassy kanina. In-on ko na ang cellphone at pinatay na ang Airplane Mode. Sunod-sunod na nagsi datingan ang mga message galing kay Cassy at Shine.
Sa kanilang dalawa lang.
Hindi ko alam kung bakit naka ramamdam ng kabiguan ang puso ko ng wala akong matanggap na reply mula kay Roi. Mapait akong ngumiti sa kawalan at binuksan na ang message ni Shine.
From: Bestfriend Shine
Message: Papunta ka na ba dito? Ingat ka ah. Mag sama ka ng bodyguards.Message nito sa akin. Nag tipa naman ako ng ma ireply sa kanya.
To: Bestfriend Shine
Message: Oo. Yes madam. Wag mo nga'ng banggitin iyang word na bodyguards na iyan. Lampas sa sampu ata ang pinasama ng Kuya mo na mga bodyguards sa akin.Reply ko naman sa message niya. Sunod kong binuksan ang message ay ang kay Cassy.
7 unread messages.
From: Sis Cassy❤️
Message: Nasa HQ kami. May meeting eh.From: Sis Cassy❤️
Message: Ang tagal mong nagising ah. Pinuyat ka masyado ni Van-Van kagabi?From: Sis Cassy❤️
Message: Bakit hindi ka nag rereply?From: Sis Cassy❤️
Message: Okay ka lang ba?From: Sis Cassy❤️
Message: Hoy, Ate! Mag reply ka naman dyan, pinag-aalala mo na kami. Hindi mo oa sinasagot ang tawag ko.From: Sis Cassy❤️
Message: Baka emergency message na naman ang irereply mo ate ah. Ayaw ko nang maka tanggap non.From: Sis Cassy❤️
Message: Bakit hindi ka ma track ni Hazelie. Ate!!!Hindi na ako nag dalawang isip na tawagan ang numero ni Cassy matapos basahin ang mga messages niya.
Kaloka naman ito.
To be continued...
YOU ARE READING
His Disappearance And Their Encounter
Подростковая литератураFor the past years of Josua 'Wang' Law Sy's sudden disappearance, Cassandra Kim Saavedra is still into him. She promised that she would never enter a relationship if it's not Wang. But then, a guy came into her life, this guy named Jevannie Roi Chua...