Cassandra Kim's Pov
7pm na lang wala pa ring prof na pumasok sa amin. Shuta! Sana ininform nila kami na hindi sila papasok. Ang sakit kayang maghintay sa wala. Hays. Napa hugot tuloy ako ng wala sa oras. Niligpit muna namin ni Shine ang mga gamit namin bago nag simulang maglakad.
"Shine, check ko muna kung andyan pa sina Cassy. Mauna ka na lang siguro." sinabi ko kay Shine na busy pa rin sa Cellphone niya. Kanina pa siya sa kaka cellphone niya. Hindi ko nga ito nasabi sa kanya kanina eh, paano ko naman kasi sasabihin hindi ko siya ma istorbo sa kaka cellphone niya.
"Ha? Eh, samahan nalang kita." suhestyon niya at nilagay na sa bag ang cellphone.
Finally, I got her attention now.
"Wag na. Baka nag hintay na 'yong Kuya mo sayo." sinabi ko na diniinan ang Kuya.
"Nuh-uh," sinabi niya at napa buntong hininga "Kaka text lang ni Kuya sa akin na naka uwi na raw siya." dugtong niya pa.
"Ano?! Paano yung cellphone ko?" napalakas ata yong pag sigaw ko kasi nakakuha ako ng reward kay Ms. Fuente. Hays.
"U-uhm...ano...bukas ko nalang dadalhin." nauutal na suhestyon ni Shine na siyang nag pagaan ng pakiramdam ko.
Hindi ako makakapag social media ngayong gabi kung gano'n?
Napa buntong hininga muna ako bago ako nagsalita, "Oh sige." sinabi ko na para bang ito na lang ang choice. Pinagpa tuloy na namin ang aming paglalakad na naka sabit ang kamay ni Shine sa braso ko. Hindi ko alam pero natutuwa ako sa posisyon nami'ng ito. Siya lang ang nakakagawa neto sakin maliban kay Cassy. Simula nong dumating siya sa buhay ko, natutuwa na ako na may kaibigan na ako.
Kaibigan...hmm...kay sarap sa paki ramdam na may matatawag na akong kaibigan. Hindi na ako maiinggit kay Cassy. Marami mang kaibigan si Cassy ay tinumbasan naman iyon ni Shine. Nag-iisa lang siya pero ang personalidad niya ay para bang pinag halong personalidad ng mga kaibigan ni Cassy... Syempre maliban kay...Xyra.
Hindi ko namalayan na napa ngiti na pala ako sa iniisip kong iyon.
"Hala!" napalingon ako kay Shine na ngayon ay naka tingin sa pinto ng classroom nina Cassy...nandito na pala kami sa room nina Cassy...pero naka sara na ang room nila. Isa lang ang ibig sabihin neto...nag uwian na sila. Hays. Kaasar! Bakit ngayon pa sila umuuwi ng maaga? Lagot paano na---."Pano na yan, Kim? Hindi ka makaka uwi. Ikaw naman kasi eh, bakit ang hina mo sa pag memorize." pabirong reklamo niya. Kahit pabiro lang iyon ay hindi ko mapigilang sumagot.
"Bakit?! Kasalanan ko ba? Kung hindi lang naman nag madali iyong Yelo mo'ng Kuya ay hind---." hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla siya'ng sumabat.
"Uh...hehehe...binibiro lang naman kita Kim eh," sinabi niya at hinimas himas pa niya ang likod ko na para bang pinapa kalma niya ako. "Paano kaya kung mag commute nalang tayo? Para may bonding rin tayong dalawa kahit papano." suhestyon niya na may pa taas-baba pa ang kilay.
Hmm...pwede rin naman.
"Lagot talaga sa akin iyang Kuya mo!" sinabi ko sa kanya sa pabirong tono at nagsimula nang mag lakad. Siguro naman ay nakuha na niya ang ipinupunto ko. Napalingon ako sa kanya ng mapansin kong hindi pa siya naka sunod sa akin. Nasa likod ko pa siya na parang tanga'ng naka ngiti."Ano na?! Bilisan mo diyan, nagugutom na ako." sinabi ko at tumalikod na sa kanya. Nakakatuwa, may kasama na akong umuuwi maliban kay Cassy at Mang Ador. Hayyy, ang sarap sa paki ramdam ng ganito.
Natutuwa akong makilala ka, Shine.
Ilang segundo lang ay naramdaman ko na siya sa gilid ko,parang tangang naka ngiti sa kawalan. Virus ata ang ngiti ni Shine, hindi ko kasi mapigilang mapa ngiti rin.
Malapit na kami sa gate, tanaw namin dito ang Building ng mga Pre-Med. Wala nang ingay, nag uwian na nga siguro silang lahat. Sobrang tahimik na ng Campus. Sobrang tahimik...tanging mga takong lang ng mga sandals namin ang gumagawa ng ingay.
"Mag lalakad tayo papunta sa kainan?" binasag ni Shine ang katahimikan sa tanong niyang iyon. At dahil mag babonding nga kami, syempre hindi mawawala ang pagkain.
Yum! Street food! Here we go!!!
"Malamang..." sagot ko na para bang iyon na ang pinaka tangang tanong na narinig ko. Kaya nga kami naglalakad ngayon kasi wala kaming Kotse tapos magtatanong pa siya ng ganong tanong? Haysss.
Naka labas na kami sa gate ng campus. Salamat at may Street light dito banda. Sobrang dilim kapag nagkataon na wala. Tahimik lang kaming nag lalakad, ganon pa rin ang position namin. Naka sabit yung kamay ni Shine sa braso ko.
Ang kinis at ang puti ni Shine... Chinatang-chinita.
*Beep Beep Beep*
Napatigil at napalingon kami sa likod namin ng marinig namin ang busina na iyon. Sino naman itong tangang bumubusina? Hindi naman kami naka harang sa daan ah? Huminto ang sasakyan sa harap namin ni Shine. Napa hawak ako ng hindi sadja kay Shine. Baka kasi mga masasamang tao ito at balak kaming kidnapin ni Shine. Si Shine... Napalingon ako kay Shine na ngayon ay wala na ang matamis na ngiti at napalitan ito ng... Walang emosyon?! Bakit pa bigla-bigla ang pagbabago ng moods niya? May dalaw ba siya ngayon? Teka! Sino ba kasing tao'ng 'to at inistorb---.
Napatigil sa kaka daldal ang utak ko ng makalabas na ang tao'ng nasa loob ng Kotse.
Teka... Pamilyar siya sa'kin. Saan ko nga ba siya nakita? Hmm, w-wait siya yung nasa mid-20 na professor namin.
"Prof. Brix?" gulat kong tanong kay prof na ngayon ay naka tingin---naka titig kay... Shine? Habang si Shine naka titig rin kay Prof. Brix and worst naka ngisi pa?! Kanina lang ay walang emosyon ang nakita ko sa mukha niya tapos ngayon naka ngisi naman. Ang weird mo ngayon Shine.
Pero...
Bakit ganon sila mag titigan?
Kilala ba nila ang isa't isa?
Pero...
Kahapon lang namin nakilala si Prof. Brix.
Possible kayang kilala na nila ang isa't isa bago pa man namin nakilala si Prof. Brix bilang isang professor namin? Hmm...
Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang magsalita si Shine.
"We meet again..." sabi niya at...ngumiti? Kilala na nga talaga nila ang isa't isa kasi may 'again' eh.
"My dear Ex Fiancée."
To be continued...

YOU ARE READING
His Disappearance And Their Encounter
Teen FictionFor the past years of Josua 'Wang' Law Sy's sudden disappearance, Cassandra Kim Saavedra is still into him. She promised that she would never enter a relationship if it's not Wang. But then, a guy came into her life, this guy named Jevannie Roi Chua...