Chapter 26: Dèjà Vu

9 4 0
                                    

Cassandra Kim's Pov

Namuo ang katahimikan sa pagitan namin ng ilang segundo. Pero nabasag ito ng biglang nagsalita si Sir Brix.

"Good evening, Ma'am, Sir." bati niya at tulad ko ay yumukod rin. Hindi nakaligtas sa mata ko ang pag-irap ni Shine at ang pagka gulat sa mukha ng mag-asawa at ang walang reaksyon na si Jevannie Roi. Teka...ba't nasa tabi ko na 'to? Hindi ko man lang naramdaman yung pag lakad niya. Alien ba 'to?

"H-hijo?" nabaling ang atensyon ko kay Tita Shieka. Kung kanina ay gulat ang makikita na reaksyon sa kanyang mukha, ngayon naman ay pinag halong saya at lungkot. Sa hindi malamang kadahilanan ay parang na curious ako sa reaksyon niya ngayon sa pag kita nila ni Sir Brix na kung saan ang huli ang siyang Ex Fiancé ni Shine. Hindi ba nila nakikita na naaapektohan pa rin si Shine? O may wala akong alam kung ano talaga ang past nila.

On second thought, I decided to not middle on their own life without even one idea of their past.

Ang hirap rin pa lang maging isang pakialamera, nahuhusgahan mo yung tao na hindi naman natin alam kung ano ang nangyayare.

"Pati ba naman ikaw, tatawagin mo rin kaming Ma'am and Sir?" at sa isang pagkakataon nabaling na naman ang atensyon ko kay Tito Jevann Rye na ang mga ngiti ay abot hanggang tenga.

Jusko po, ano po ba ang nangyayare dito?

Tinignan ko si Shine at gaya ko ay naka kunot rin ang kanyang noo na para bang wala ring ideya sa mga nangyayare tulad ko.

At sa pangalawang pagkakataon ay nakuha na naman ni Yelo'ng ulol ang atensyon naming lahat.

"Can you continue chit-chating inside."

Yes, he's not asking nor saying. He's commanding his parents for god's sake!

Mas nagulat pa ako sa ginawa ng magulang niya. Instead of saying something to Roi they just shrugged and start walking.

What the f?!

Napa igtad ako ng may biglang nagsalita sa tabi ko, "And you, why are you here?" he asked coldly.

Wew, ang lamig ah penge nga ako water. Baka sakaling matunaw itong pagiging yelo niya.

What do I expect. He's the King of Yelo.

"U-uhm...u-uh...a-ano-"

"Could you speak properly." again, he's not asking.

Tss. Ang demanding naman neto!

"A-ano... Y-yung ano ko kasi naiwa-" hindi pa ako natapos mag salita ng pinutol niya naman ako.

"Yeah! You're speaking properly right now." he said with sarcasm syempre. Hindi ko rin alam kung bakit ako nauutal 'no!

"Kung hindi niyo lang talaga lugar 'to tapos wala sayo cellphone ko baka inupakan na kita!" mahinang bulong ko sa sarili ko. Syempre, mahina talaga kasi bulong nga diba?

"Are you saying something?" he asked curiously at the same time coldly.

Ano ba kasing problema ng ugok na ito at napaka cold ngayon! Kani-kanina lang habang nag la-lunch kami, okay naman yung pakikutungo niya ah. Tss, Bipolar.

"Tss. Let just go inside." sabi niya at nag simula ng maglakad sa bahay- mansyon nila.

"Pero yung ano ko kasi yung cellph-" at sa pangalawang pagkakataon hindi naman ako natapos sa sasabihin ko kasi pinutol naman ako ng hari ng mga Yelo!

Nakaka-asar na siya ah! Pinag ti-tripan niya ata ako ngayon ah!

"Your cellphone is in my bag. So, follow me!" he said that made me feel better.

Makakabawi rin ako sayo, mag hintay ka lang Yelo'ng ulol!

Inirapan ko nalang siya at ako na ang unang pumasok sa aming dalawa.

Take your time, Yelo. Take your time!

I stopped walking when I reached their sala. It's so amazing as what I've expected. And as expected also, Yelo stopped walking too. I look at him with irritation written in my face. I don't fucking know why am I irritated right now.

"Give it to me." I said to him who is now looking at me and with his eyebrows up. "My phone!" I hissed when I realized why does his eyebrows looks like that.

Tinitigan niya ako ng ilang segundo bago nag salita, "Wait," sinabi niya at nag simula ng mag lakad paakyat sa hadgan.

Nag dadalawang isip pa akong umupo sa sofa nila. Ang ganda kasi tapos ang linis-linis pa. Kulay puti ito, tapos may design konti na hindi naman gaanong colorful ang design na 'yon kaya mas lamang talaga ang puti. Baka madumihan ko 'to. Pinag pagan ko yung pwetan ko, ng sa ganon maalis yung alikabok na nandoon kung meron man.

Teka, nasan nga pala sina Shine?

Inikot ko yung paningin ko sa buong bahay - mansyon nga kasi! Sobrang laki ng mansyon nila. Sa sobrang kalakihan, hindi ko na mahagilap kung nasaan sina Shine.

Hindi man lang ako hinintay ng babae'ng 'yon.

"Nasa garden sila." napa igtad ako ng may biglang nag salita sa likod ko, and of course kilala ko na kung sino' yon, kung kanino galing iyong malamig na boses. No other than, King of Yelo with... his freaking smirk? Ba't siya naka ngisi? "Here," sinabi niya sabay wagayway ng cellphone ko na nasa kanang kamay niya. Akmang aabotin ko na iyon ng bigla naman niya itong pinasa sa kaliwang kamay. Sus, alam ko na ang galawan na ito. Ganito yung nga napapanood ko sa mga drama eh, yung aabotin ng girl yung gamit niya tapos ipapalayo ng boy sa kaniya tapos natapilok or na out of balance yung girl tapos ang ending nakapatong yung girl sa boy tapos hindi sadyang nagkahalikan sila. Tapos, TAPOS!

Wag ako, Yelo!

At dahil sa ma utak ako, kabaliktaran sa mga nangyayare sa drama'ng napapanood ko 'yong ginawa ko. Nakataas 'yong dalawang kamay niya, kaya...napangisi ako sa plano ko.

"Anong nginingisi-ngisi mo-." hindi natapos ni Roi ang sasabihin ng sinimulan ko na ang plano ko.

"W-wait...pfft--HAHAHAHAHAHAHA! H-HEY HAHAHA S-TOP I-IT HAHAHAHA!" hiyaw niya sa gitna ng pagpapakiliti ko sa kanya.

"Ayaw mo ibigay eh!" sabi ko at nagpa tuloy sa pag kiliti sa kanya.

Tss, wag nga kasi ako, Yelo.

Sa sobrang pag tawa ni Yelo, napa higa sa sofa ang gago na parang uod habang kinikiliti ko. Natatawa rin ako habang ginagawa ko 'yon. Pero...

Bakit parang pamilyar sakin' to?

"Awit!"

Napatigil ako sa pag kikiliti kay Yelo at napalingon sa nagsalita. At ganon nalang kabilis ang pag tayo ko kasi hindi ko namalayan nakapatong na rin pala ako kay Yelo! Putcha! Iniwasan ko nga yung parang sa teleserye, nakapatong pa rin ako. Hinablot ko agad 'yong cellphone ko kay Yelo at umayos ng tayo.

Kingina.

Bumangon na rin si Yelo sa pagka higa at masamang tumingin sa akin. Inirapan ko lang siya at hinarap sina Shine, Sir Brix, Tita Sheika, at Tito Jeevan na may nakakalokong ngisi.

Oh... Shit! Baka iniisip nila na close kami ng Yelo na ito!

His Disappearance And Their Encounter Where stories live. Discover now