Chapter 31: XyDen

5 2 0
                                    

XyDen

Cassandra Kim's Pov

Sakto lang ang pag drive ni Cassy na siyang ipinag tataka ko kasi hindi naman siya ganito mag drive. At dahil sa kuryusidad ay tinanong ko na siya, pasensya na, Curiosity kills nga kasi. Ayaw ko naman mamatay ng maaga no.

"Cassy, ba't ang bagal mo atang mag drive ngayon?" tanong ko sa kanya. "Tsaka bakit ka naka earpod?" dagdag ko pang tanong. Hindi mahilig si Cassy mag earpod. Sa katunayan nga ay ngayon ko pa lang siyang makitang gumagamit nito. Nang hiram lang naman siya ng earpod sa kaibigan niyang laging gumagamit non, si Hazelie.

"Mabagal akong nag drive kasi baka ma sapak ako nong jowa mo," sagot niya sa na una kong tanong. Papalag na sana ako sa sinasabi niyang jowa ko, eh wala naman ako non ng bigla naman siyang mag salita. "Tsaka naka earpods ako kasi nakakarindi yung lakas ng boses mo! Baka bigla ka nalang ulit sumigaw dyan at baka mabasag pa eardrums ko sayo." sagot naman niya sa huli kong tanong.

"Ganon ba talaga ka lakas ang boses ko kanina?" nahihiya kong tanong, second time ko na yung sumigaw kanina, first eh yung nasa mansyon ako ng Yelo'ng ulol na 'yon, remember?

Tumango lang siya bilang sagot.

Kung nag tataka kayo sa nangyari kanina, ay ganon rin ako.

Nag peace sign ako sa kanila dahil na sigawan ko sila. Hindi ko naman kasi sinasadya 'yon eh. Nadala lang talaga sa emosyon. Akala ko'y bubugahan na nila ako ng apoy kasi sinigawan ko sa kanila, pero ang sunod na nangyari ay hindi ko inaasahan.

"Sorry, Ate Kim."
"Sorry, Kimmy."
"Omg! Sorry Kim."
"Shit! nakakahiya!"

Yan ang ilang narinig kong sinabi nila, pano ba naman kasi hindi ko naman sila maintindihan kasi sabay na naman silang nag sasalita. Umabot kami ng ilang minuto para matahimik ang lahat.

"So, sinong mag bo-volunteer?" tanong ko ng naka pa meywang sa harap nila. Nasa harap ko silang lahat, naka straight line, hindi ko alam kung anong nakain nila at bakit sila nagkaka ganito. This is not the first time I saw the Q7's childish side. Nakitaan ko na sila ng pagka childish noon pa man, nong member pa nila ako. Ang ikinagulat ko ay ang mga lalaki'ng ito. First time ko talagang makita sila ng ganito. I didn't expect that they had this side of them and they're not bother that we witnessed it. Nakaka lambot ng puso.

Nag pa taas sila ng kamay na para bang mga estudyante'ng gustong sumagot sa guro nila. Isa lang ang nakita kong nag pa taas. Si Noemi, at dahil nag feeling estudyante sila, hindi naman ako magpapa talo, mag fefeeling guro rin ako. Pinili ko si Noemi kahit hindi naman ito nag pa taas ng kamay, ganon naman yung ginagawa ng ibang mga guro diba?

Ngumiti lang si Noemi nang siya ang pinili kong mag paliwanag, ang iba naman naming kasamahan ay laglag ang balikat at malalim na napa buntong hininga. Hahaha, I've never expect that this would really happened.

Tumikhim si Noemi at nag simula ng mag salita, "Ganito kasi 'yon, Ate Kim..." paninimula niya. "Nasa HQ kami ng bigla mong itext si Cassy ng 'emergency message' natin." dugtong naman ni Noemi, na gulat ako dahil confident niyang sinabi ang salitang iyon. Nandito sina Xyrus, alam na ba nila? Nilingon ko si Cassy, pero hindi pala si Cassy ang nalingon ko kundi si Aeron. Tumango ito na para bang alam niya ang iniisip ko kahit wala pa naman akong sinasabi. Hays, halata na naman siguro sa reaksyon mo, Kim. Nginitian ko lang siya at binalik ang paningin kay Noemi, tinanguan ko siya upang ipaalam na ipagpatuloy ang eksplenasyon niya. "Tapos, na timingan naman na nandon ang manliligaw ni Xyra na si Kaiden kaya-." naputol ang explanation ni Noemi ng bigla ako'ng sumabat.

"What?!" gulat na sigaw ko. Nahiya naman ako ng mapansin ko ang mga tao sa harap ko, kanya kanya silang takip ng tenga nila. Shit! ganon na ba talaga ka lakas yung sigaw ko? Inalis naman agad nila ang pag takip sa tenga ng mapansin nilang naka tingin ako sa kanila. Nag peace sign nalang ulit ako.

"Pero seryoso, nanliligaw na si Kaiden kay Xyra?!" pa tiling tanong ko na tinanguan naman ng iba bilang sagot nila sa tanong ko.

SHIT! MY SHIP IS REALLY SAILING!!!

"Pwede na ba akong mag pa tuloy?" nahihiyang tanong ni Noemi sa akin.

Nahihiya naman akong tumango sa kaniya.

"So 'yun nga, nang masabi iyon samin ni Cassy at ng malaman namin na mag kasama kayo ni Jevannie ay gumawa agad kami ng plano-."

"Kaya natagalan kami, Ate!" pag puputol ni Cassy kay Noemi. Shit! Nakakahiya na kay Noemi, palagi nalang namin pinuputol yung mga sinasabi nila.

"At ang plano naman ay success!" saad pa ni Aiya at itinaas pa ang kamay dahil sa tuwa.

Minsan talaga, napapa isip ako kung gangster ba talaga 'tong mga' to.

"Anong naging plano niyo?" nag tataka kong tanong sa kanila.

"Ang nagawa naming plano, kaming Q7 ay hihintayin kayo dito. Sa kinatatayuan nating ito. Buti nalang at nag tulungan ang tracker namin na si Hazelie at ang tracker naman nila na si Mark kaya napa bilis ang pag hanap namin kung saan kayo. At pagkatapos naman naming pag-aralan ang lugar na inyong pinuntahan ay naka isip agad si Xyra ng gagawin. Sa unang naging plano namin, ay kami dapat na Q7 ang makipag laban sa mga humahabol sa inyo, pero hindi pumayag si Kaiden at Xyrus sa planong 'yon ni Xyra. Kabaliktaran naman ang naisip ni Kaiden na gagawin namin sa pag sagip sa inyo, at yon ay ang ginawa namin. Ang S5 ang makikipag laban sa mga humahabol sa inyo at kami naman ang mag hihintay sa inyo dito. Ang estimated time na binigay ni Kaiden na kalabanin 'yong mga humahabol sa inyo ay 10 minutes lang, kaya nag-alala kami ng lumampas ito ng 15 minutes. Perk dumating naman sila, Kaya! Good job! Naging successful ang operation!" mahabang explanation ni Kaye Anne.

Tango lamang ang naisagot ko sa kanila dahil hindi ko pa tuluyang na iproseso ang pangayayari.

"Ahhh..." saad ko ng tuluyan ko ng maintindihan ang lahat.

Napangiti ulit ako sa nalaman ko. Nakakatuwa. Worth it naman pala iyong takot na naramdaman ko kanina kasi, nag tulungan ang dalawang grupo ng mga kilalang gangsters upang i-rescue kami. At may nabuo pa talagang love team hihihi...#KaiRa #XyDen

Owemjiiii!

To be continued...

His Disappearance And Their Encounter Where stories live. Discover now