Chapter 48: Abduct

2 1 0
                                    

Abduct

Cassandra Kim's Pov

From: Sis Cassy❤️
Message: Sige ate. Papunta na kami dyan.

Napa buntong hininga ako sa na receive kong text na iyon kay Cassy. Sinabihan ko kasi siya na kung pwede ay pumunta muna sila rito kasi balak ko na ngang sabihin sa kanila iyon habang maaga pa at ng sa ganon ay ma planohan namin ng maayos. Ni text ko na rin si Shine at sabi niya naman ay papunta na raw siya dito. Nag iiskrol lang ako sa fb ng biglang dumaan si Eizyl sa gilid ko. May napansin rin ako kay hsghaha, this past few days kasi ay parang may mali sa kanya. Hawak-hawak niya ang cellphone niya at bahagyang nag titipa at para bang hindi mapakali. Sa lalim ng pag-iisip niya ay hindi niya ako napansin.

Sinundan lamang ng pangingin ko ang papalayo niyang likod. Napa-iling na lang ako ng tuluyan ng makalayo si Eizyl. Nag-iiskrol nalang ulit ako hanggang sa dumating sina Cassy at mga kasamahan niya plus Kaiden and the gang. Hindi ko talaga alam anong nangyayari  between them. This past few days rin kasi ay lagi nang magkasama ang dalawang gang na ito. Pero okay na rin ito, sa tingin ko'y makakatulong rin sila.

"Ate, ano sasabihin mo?" salubong agad ni Cassy sakin at pabagsak na naupo sa tabi ko. Habang ang mga kasamahan niya naman ay kanya-kanyang hanap ng mauupuan. Kasama rin nila si Kaye Anne na nasa tabi ni Xyrus.

Edi sana all.

Mag sasalita pa sana ako ng bigla kong maalala na wala pa pala si Shine.

"Antayin muna natin si Shine-."

"Present!" napalingon kaming lahat sa pintoan sa sigaw ni Shine habang naka taas pa ang kamay nito. Nagulat pa ako ng makilala ang taong nasa likod niya.

Sir Brix? Nagkabalikan na ba sila?

Lumapit agad si Shine sa akin at nakipag beso, ganon rin ang ginawa niya sa iba, maliban sa boys. Binati naman ng ilan si Sir Brix na tila ba nahihirapan sa dala-dala nitong sandamakmak na pizzas. Pasimple kong nilingon si Shine at pinandilatan siya ng mata. Nagkibit balikan lang ito at tuluyan na ring naupo sa tabi ko.

Dèjà vu.

Ganito rin yung position namin nong isang araw. Tinulungan na ng mga boys si Sir Brix na ilapag ang Pizza sa gitna ng mesa. Akala ko'y uuwi na si Sir pero tumabi ito sa gilid ni Shine habang ang gaga naman ay siniksik ang katawan sa akin. Pinilit na hindi magka dikit ang katawan nila ni Sir.

Sus...

"A-ahem..." bigla ay pekeng ubo ni Aiya  nang may nakakalokang ngiti kay Shine.

Saka lang ako natauhan ng mag tagpo ang paningin namin ni Xyra.

"A-ah!" bigla ay usal ko at napatayo pa. "Ipagpahanda ko muna kayo ng maiinumin kay Manang." sambit ko at hindi na hinintay ang sasabihin nila at dumiretso na sa kusina. Hindi nakatakas sa paningin ko ang simpleng pag bubulungan ni Sir Brix at Shine.

Wala namang masama kung magkakabalikan silang dalawa. They look good together and...still inlove with each other.

"Manang..." pagtatawag ko kay manang ng malapit na ako sa kusina. Pero ang nadatnan ko doonay hindi si Manang kundi si Eizyl na natataranta ng makita ako.

"A-ate..." usal nito at bahagyang tinago sa likod ang hawak na cellphone. Isinawalang bahala ko na lang ito at nginitian siya.

"Uhm, pwede bang paki gawan kami ng Juice, zyl? Nandyan kasi yung mga kaibigan ng Ate Cassy mo eh." sambit ko sa kanya at 'matik naman itong tumango bilang pagsang-ayon.

"O-opo, Ate." saad niya pa. Tumango lang din ako at nag paalam na. Tinapon ko muli ng tingin ang hawak niyang cellphone bago siya tuluyang iniwan.

Naabotan ko sa sala ang kanya-kanyang  kwentohan ng mga naroon. Kakaibang pakiramdam ang nabuo sa puso ko. Nakakatuwa lang na parang kilala na nila ang isa't isa ngayon, komportable na sila, yung akala kong hindi magkakasundo ay mas higit pa pala sa inaakala ko. Hindi ko talaga naimagine noon na ganito ang ending nila. Its not like sobrang labo na nilang mag kaibigan talaga. Ano kasi...basta, ang ganda tignan ng ganito. Kung sana ay tuloy-tulot na ito. Pero sa lahat ng bagay may pagsubok talagang darating. Ipagdarasal ko na lang na sana ay kahit ano man ang mangyari hindi nila isusuko yung nabuo nilang samahan.

Napako ang paningin ko sa gawi ni Shine at Sir Brix. Panay ang irap ni Shine kay Sir Brix. Habang ang huli naman ay parang may pinapaintindi sa kaibigan ko na parang ewan. Hindi ko na rin talaga alam kung anong meron sa dalawang 'to. Akala ko coincidence lang talaga yung pagkikita nilang muli pero parang hindi eh.

Ay ewan!

Lumapit na ako sa kanila at naupo ulit sa pwesto ko kanina. Pagkaka-upo ko pa lang ay bigla silang tumahimik at pinagmamasdan lang ako. Pabalik-balik ang mata ko sa kanilang lahat, nag tatanong kung bakit ganon sila makatingin.

"Ano na ang sasabihin mo?" bigla ay pangbabasag ni Shine sa katahimikan.

"Buntis ka, Ate?" usal naman ng kapatid kong abno.

Paano naman ako mabubuntis, eh wala nga akong jowa.

"Hindi baliw..." si Aiya, ngumiti ako sa kanya at akmang magsasalita ng may karugtong pa pala iyong sinabi niya. "Paano mabubuntis si Ate Kim, wala nga yang jowa, 'di ba?" inosenteng sambit nito at isa-isa pang tinitignan ang mga kaibigan tila humihingi ng kasang-ayonan.

Well, alam ko naman 'yon. Ayoko lang na pinapa mukha sa akin.

Pabiro kong inirapan si Aiya na kinagulat lang din naman nito.

Ilang minuto bago ko ma ipaliwanag sa kanila ang lahat. Na shocked pa nga si Shine nong sinabi kong tumawag si Wang sa akin.

Ewan ko rin sa gaga na 'to at ang OA ng mga reaction niya ngayon. Tapos kung maka react akala moy kilala si Wang. Konti pa lang naman iyong mga nashshare ko sa kanya kaya nakakapagtataka lang talaga.

Nag simula na rin silang pag-usapan ang gagawin. Sa kalagitnaan ng pag-uusap nila ay biglang sumulpot si Eizyl na dala-dala ang meryenda'ng pinahanda ko. Nakatuon ang atensyon ko sa nanginginig niyang kamay habang inilapag niya ang mga hinanda niyang meryenda. Nagulat pa ako ng pag taas ng noo niya ay sinalubong niya ang titig ko sa kanya. Nakayuko siyang lumapit sa akin...

"U-uhm...ate...pwede ba kitang makausap?" tanong ni Eizyl sa akin sa nahihiyang tinig. Sino ba naman kasi ang hindi mahihiya eh sa amin yung attention ng mga tao sa bahay. Pinapakinggan ang pinag-uusapan namin.

Siguro may napapansin na rin sila tulad ko. Syempre meron talaga.

"Ngayon na ba?" tanong ko naman kay Eizyl. Nahihiya naman itong tumango bilang sagot.

"Sige." usal ko at tumayo na.

Naunan siyang lumabas ng bahay.

Ba't kailangan sa labas?

Nilingon ko muna sila, isang 'di maipaliwanag na ngiti ang ginawad nila sa akin. Tumango lang ako bilang pag paalam.

Nasa tapat ng gate si Eizyl pag labas ko ng bahay.

Ba' t ang layo?

May iba na talaga akong nararamdaman.

Nang makalapit ako kay Eizyl ay naka tungo lang ito at pinaglalaruan ang kamay niya. Hindi nakatakas sa paningin ko ang papalapit na Van. Hindi ko alam pero iba talaga ang pakiramdam ko. Magsasalita na sana ako ng makita kung unti-unting tumulo ang luha ni Eizyl. Sakto namang pag-angat ng paningin niya ay siya ring pag hinto ng van sa harap namin at may tumabon sa ilong ko na may nakaka hilong amoy.

Bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay ay nakita ko ang pag bukas ng bunganga ni Eizyl at pag bigkas niya ng katagang...

"We will save you, ate."

Ramdam ko ang pag patak ng luha sa mga mata ko. At don na ako tuluyang nawalan ng ulirat.

Hihintayin ko ang tulong niyo...

To be continued...

His Disappearance And Their Encounter Where stories live. Discover now