Chapter 32: The Bodyguards

5 2 0
                                    

The Bodyguards

Cassandra Kim's Pov

"Cassy, bakit mo alam na may gagawin si Roi tsaka bakit mo rin alam na sayo ako sasakay, hindi naman kayo nag uusap kanina." tanong ko kay Cassy. Kanina ko pa ito gustong tanongin kaso si Cassy 'to eh, tiyak na aasarin ako nito.

"Napansin mo bang nag bubulungan sila ni Xyrus sa harap namin?" tanong niya sa akin, sinagot ba naman ng tanong yung tanong ko, syempre hindi na ako nag inarte at sinagot na lang yung tanong niya.

"Oo, bakit?" sagot ko sa tanong niya, nag mamaneho pa rin si Cassy ngayon, natagalan kami kasi nga ang bagal niyang mag drive. Nakarating na siguro sina Kaye Anne ngayon, and worst baka naka tulog na. Pero okay lang naman yung ganito. Kahit papano gumaan ng konti yung pakiramdam ko, hindi ko nga alam kung bakit nararamdaman ko ito.

"Narinig namin kasi silang nag bubulungan. Mga gago'ng 'yon, mag bubulungan pa eh rinig na rinig naman namin." sabi naman ni Cassy na natawa pa dahil sa kagagohan ni Xyrus at Roi.

"Ano ba yung pinag bubulungan nila?" tanong ko ulit sa kaniya.

Pasensya na kung ma tanong ako ngayon, curious nga kasi ako. Uulitin ko, Curiosity Kills, kaya kailangan ma sagot ang mga ka tanongan kong ito.

"Curious na curious ka ate ah." saad naman ni Cassy. "Ang bulong niya kasi na narinig namin eh yung part na..." tumikhim muna siya bago nag salita ulit. "Bro, I have to go. I'll find the person behind this incident. Take care of them and especially her. Yan ang sinabi niya. Nakaka kilig diba, Ate hihihi." sinabi ni Shine na halata ang kilig dahil sa huling turan. May mga tanong pa akong gustong itanong kaso ipagpapaliban ko muna itong curiosity ko ngayon. Tama na yung mga nakalap kung impormasyon ngayon.

Isinandal ko na lang ang ulo ko sa likod ni Cassy at niyakap siya. Pagod na pagod ako ngayong araw. Nagulat pa si Cassy sa ginawa ko pero hinayaan nalang niya ako at itonoon nalang niya sa daan ang atensyon.

"It's you... It's always you...If I'm ever gonna fall in love I know it's gonna be you..." rinig kong pag kanta ni Cassy. Si Wang agad ang naisip ko sa lyrics na iyon...

It's always you, Wang...But...

Malalim akong napa buntong hininga sa na isip. Wang...

Ipinikit ko na lamang ang mata ko at hinayaan si Cassy na kantahin iyon.

"It's you...
It's always you...
Met a lot of people but nobody feels like you..." pag tutuloy ni Cassy sa kanta.

Ngayon, hindi lang si Wang ang iniisip ko, kundi pati ang Yelo'ng ulol na iyon.

Met a lot of people but nobody feels like you... pag uulit ko sa lyrics na iyon sa isip ko. Someone feels like you, Wang. He feels like you... I'm afraid that I might fall for that someone...

Hindi ko napansin ang butil ng luha na kumawala sa mata ko na sanhi ng pagka basa ng damit ni Cassy sa balikat.

Napa tigil siya sa pag kanta at bahagyang sinilip ang mukha ko. "Umiiyak ka ba, Ate?" nag-aalalang tanong niya sa akin. Ihihinto na sana niya ang Big Bike sa gilid ng suwayin ko siya.

"Wag, wag na. Ayos lang ako. Pagod lang 'to Wag ka na lang kumanta mas lalo akong napapagod sa boses mo'ng palaka eh." pag bibiro ko kay Cassy. Akala ko'y ko kontra siya sa sinabi kong boses palaka, nagulat ako ng tumango lang siya at hinimas ang kamay ko bago tuluyang nag drive. Siguro ay naintindihan niya na kung bakit ako umiyak dahil sa lyrics ng kanta niya. Na pangiti ako sa ginawa niyang iyon. Maganda ang boses ni Cassy.

Hindi na nga siya kumanta pa. Ipinikit ko na lang ang mata ko at ninanamnam ang simoy ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito, kasi kahit papano ay gumagaan ang pakiramdam mo. Ilang segundo lang ay nasa loob na kami ng subdivision namin. Napa ayos ako ng upo ng mapansin ang mga ilaw na naka bukas pa rin sa bahay namin. Usually kasi ay mga ganitong oras, off na ang mga lights sa bahay. It's already 9:57 in the evening. T'yak akong tulog na sina Mom at Dad non, tsaka ang sabi ni Cassy sa akin ay walang alam sina Dad at Mom sa ambush na nangyari. At lalo pa akong nag taka ng may mga naaninaw akong mga naka all black outfit sa labas ng gate namin. At bakit may bodyguards dito sa labas, at hindi sila familiar. They're not our guards.

"Cassy, sure ka bang walang alam si Mommy at Daddy?" nag tataka kong tanong sa kapatid ko.

"Oo..." sagot ni Cassy na nasa himig rin ang pag tataka.

Nang makita kaming papalit ng mga bodyguards ay binuksan ka agad nila ang gate at yumukod pa ng madaanan namin sila. Shit! Bakit ang daming mga nangyayari ngayon?!

Pagka pasok namin sa gate ay nagulat ako sa aking nakita. Nasa labas ng bahay ang parents pati na rin ang iilang kasambahay namin. Hindi ko rin halos ma bilang ang mga bodyguards na pinalibutan sina Mom at Dad. Ginapangan agad ako ng kaba dahil sa nakita. Kitang-kita dito sa pwesto namin kung gaano ka tolero si Daddy na lumalakad ng pa balik balik, habang si Mommy naman ay pilit pinapatahan ni Manang sa kakaiyak.

What the hell happened?!

Bigla silang nag lingunan sa gawi nang maaninag sila ng ilaw sa Big Bike ni Cassy. Ang mga bodyguards ay mabilis na nagsi kilosan sa gilid ng daan namin, na para bang prinoprotektahan kami.

Hindi ganito ka rami ang mga bodyguards namin...

Pinark ni Cassy ang Big Bike sa harap nina Mommy at Daddy. Inalalayan naman agad ako ni Manang sa pag baba sa Big Bike ni Cassy. Agad akong dinaluhan ni Mommy at niyakap, nagtataka kong nilingon si Dad at ang mga kasambahay namin.

"K-kim, anak." nauutal ma sambit ni Mommy na hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak. Kumalas siya sa pag yakap sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa, "Ayos ka lang ba? Hindi ka ba natamaan ng bala?" hysterical na tanong ni Mommy.

Pa iling-iling  na man si Cassy na lumapit sa amin pati na rin si Daddy na kahit hindi niya sabihin ay halata ang pag alala sa mukha.

"Mom, she'll be not here kung natamaan siya ng bala." sabi ni Cassy na dinaluhan si Mommy at hinahaplos pa ang likod nito para patahanin.

Dinaluhan rin ako ni Daddy at niyakap.

"Are you okay?" tanong ni Dad, na tulad rin ng ginawa ni Mommy kanina ay tinignan ako mula ulo hanggang paa. Tumango lang ako bilang sagot, inakbayan niya ako saka namin hinarap si Mommy na umiiyak pa rin.

"Hon, stop crying, your daughter is here already." sabi ni Dad kay Mommy, pilit pinapatahan.

"Mom, wag ka ng umiyak, ayos lang po ako. Salamat kina Cassy at Xyrus." sabi ko kay Mommy at niyakap siya upang patahanin.

Ilang segundo lang naman ay tumigil na si Mommy sa pag-iyak.

"Let's talk inside, it's still dangerous here..." saad ni Daddy na pa linga-linga pa sa paligid bago inalalayan si Mommy papasok sa bahay. Napabuntong hininga na lang ako sa mga nangyayari ngayon.

Napalingon ako sa umakbay sa akin, "Are you okay?" tanong ni Cassy sa akin na halata sa mukha ang pag aalala. Tumango lang ako at hinawakan ang kamay niyang naka akbay sakin tsaka sabay na kaming pumasok sa bahay. Pagka pasok namin sa bahay ay agad naman itong sinara ng bodyguards na nag babantay sa pinto.

I'm still wondering who's bodyguards is this.

To be continued...

His Disappearance And Their Encounter Where stories live. Discover now