Cassandra Kim's Pov
We waited until our order was served.
"Thank you for the food!"
"Thank you for the food!"Sabay na sabi naming dalawa ni Shine. Nagkatitigan kami bago kami natawa.
Sinimulan na naming lantakan ang pagkain. Hindi ko na pinansin itong katabi ko. Basta't pagkain na ang kaharap ni Kim wala na akong pakealam sa mga nangyayare sa paligid ko.
Yeah, matakaw ako sa pagkain pero hindi ako tumataba. And I'm glad of that.
We just eat and eat and eat until we done. We didn't have a conversation while eating. Because we were busy eating hahaha. Gutom na gutom rin siguro itong mga kasama ko.
"Those foods are so, YUMMY!" komento ni Shine na dinilaan pa ang mga labi.
"I want to eat here everyday." dugtong pa niya na nag pangiti sa akin."Sabi ko naman sayo diba? Masarap dito kaya naging paborito ko itong karenderya na ito." sinabi ko kay Shine na may ngiti sa labi.
"Thank you, Kim!" sinabi niya at tinodo ang pag ngiti. Hindi tuloy kita yung mga mata niya.
"Ang ganda niya bro!"
"Chinita!"Rinig kong komento ng mga estudyante'ng lalaki na nasa likod ni Shine naka pwesto. Hindi sila taga M.U base sa suot nilang uniform.
"Tss." i just suddenly hear Yelo click his tongue. Ano na naman problema neto?
"Let's go na! Baka ma late pa tayo sa klase." biglang saad ni Shine na nakatayo na sa tabi ko.
"Ako na mag babayad." presenta ko. Syempre, first time nilang kumain di---ni Shine lang pala. Nadala ko na nga pala si Yelo dito last time. Tumayo na ako at akmang maglalakad papunta kay Marie na siya'ng kumukuha ng bayad ng customers ng may biglang humablot ng kamay ko.
"I already paid it." biglang sinabi ni Yelo.
Ano daw? Binayaran niya na? Kailan lang? Eh, naka upo lang siya kanina pa.
"U-uh...eh paano?" nauutal na tanong ko sa kanya.
"I paid it while both of you busy eating." sagot lang niya at nag simula ng lumakad palabas ng karenderya.
Woah?! Bakit namin hindi napansin iyon? Napalingon ako kay Shine na parang walang pakealam sa mga nangyare. Tuon na tuon siya sa hawak niyang cellphone at nagtitipa dito.
"Shine!" pag-aagaw ko ng atensyon niya. At hindi naman ako nasawi.
"H-huh?" nauutal at nagtataka niyang tugon.
"Napansin mo ba yung Kuya mo na nagbayad kanina habang kumakain tayo?" tanong ko sa kanya. Bahagya naman siyang napa-isip.
"Hindi eh, busy kasi ako sa mga puds ehe." parang batang sinabi niya at nilagay na ang cellphone sa dalang bag. "Tara na, baka magalit na naman yon." saad niya at hinawakan ang braso ko, sa gano'ng sitwasyon ay sabay kaming lumakad palabas.
Hindi siya nagka mali. Dahil pag labas palang namin ay masamang tingin na ni Yelo ang bumungad sa amin. Ito naman 1 pa naman eh. 2 pa 'yong pasok namin.
"Bilisan niyo, late na ako." malamig na sinabi ni Yelo na siya'ng nagpatayo ng mga balahibo ko sa batok. Lumibot na siya para maka upo sa driver seat. Dali-dali naman kaming sumakay ni Shine.
Pero hindi na tulad kanina yung arrangement namin ngayon. Inunahan ako ni Shine sa likod, susunod na sana ako sa kanya pero naka lock na yung pinto kaya ayon ending nasa tabi ako ni Yelo ngayon na para bang pinagsakloban ng langit ang mukha. May dalaw ba 'to?
Walang nagsalita sa aming tatlo hanggang sa nakarating kami sa parking lot ng Campus. Na unang bumaba si Yelo sumunod si Shine, syempre lumabas na rin ako. Ewan ko pero biglang bumigat yung tensyon. Okay lang naman kami kanina eh.
"Sala---." hindi ko natapos yung sasabihin ko sana kay Yelo ng bigla na lang siyang lumakad papasok sa gate ng Campus. Hindi man lang nag paalam at hindi rin man lang ako pina tapos magsalita. Ano bang problema no'n?
Napalingon ako sa gawi ni Shine na naka tingin pala sa akin. Ngitian niya ako pero hindi tulad kanina na abot hanggang mata. Mapait na ngiti ang ibinigay niya sa akin. Ba't ang weird nilang dalawa ngayon? Napalingon siya sa hawak na cellphone ng bigla itong tumunog. Hinayaan ko nalang siya at kinapa ang cellphone sa bag ko...pero...hindi ko mahanap doon. Tinignan ko na ng maayos ang loob ng bag pero wala pa rin doon.
"Oh sh---!"
"Shit!" mura ko ng maalala na nalagay ko pala iyon sa gilid ng inupuan ko kanina. NASA LOOB NG KOTSE NI YELO!!!"Bakit? Anong nangyare sayo? Bat ka napa mura?" sunod-sunod na tanong ni Shine sa akin na may pag-alala sa mukha.
"Naiwan ko yung cellphone ko sa loob." diretsang sagot ko kay Shine.
"ANO?!" react niya na siyang dahilan kung bakit napa lingon yung ibang estudyante sa gawi namin. Ang OA naman mag react ng isang 'to.
"Naiwan ko yung cellphone ko sa loob ng kotse." sagot ko ulit sa kanya.
"Hala, pano na yan?" nag-aalalang tanong ni Shine sa akin.
"Hindi ko alam. Siguro mamaya ko nalang kukunin." sinabi ko nalang sa kanya. "Tara na, baka ma late pa tayo." sabi ko at una ng maglakad. Habang naglalakad ay iniisip ko pa rin ang cellphone ko na naiwan sa kotse ng Yelo na yon. Lagot ako neto! Kapag hindi ko makuha yon, hindi ko matatawagan si Mang Ador. Ay! Makikitawag na lang ako kay Shine. Nilingon ko si Shine na busy pa rin sa Cellphone niya.
Shuta! Hindi ko pala memorize yung number ni Mang Ador!
Aha! Kay Cassy nalang ako makikitawag. Sa na isip kong iyong ay gumaan ang pakiramdam ko. Hayyy.
Nakarating kami sa room namin na tutok na tutok pa rin si Shine sa cellphone niya. Ilang estudyante na ang nababangga niya kasi hindi siya tumitingin sa dinadaan niya. Para tuloy akong nag-aalalay ng bulag kanina. Umupo na ako sa upuan ko at hinintay ang prof namin sa oras na ito. Hindi naman ako ma bwebwesit ni Shine ngayon kasi busy siya sa cellphone niya. Day off niya muna siguro ngayon sa pang-aasar sa akin.
Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa ring pumasok na prof sa amin. May kanya-kanyang ginawa ang mga kaklase ko. Sa hindi malamang kadahilanan ay biglang sumagi sa isip ko ang pangyayare kanina.
Bakit biglang nagka ganon si Yelo? May emergency ba? Pero kapag may emergency sa pamilya nila dapat alam iyon ni Shine. Pero hindi eh. Ano ba kasing nangyare sayo... JEVANNIE ROI CHUA! GINUGULO MO ANG ISIPAN KO'NG YELO KA!!!
To be continued...
YOU ARE READING
His Disappearance And Their Encounter
Teen FictionFor the past years of Josua 'Wang' Law Sy's sudden disappearance, Cassandra Kim Saavedra is still into him. She promised that she would never enter a relationship if it's not Wang. But then, a guy came into her life, this guy named Jevannie Roi Chua...