Cassandra Kim's Pov
Tatanongin ko na sana siya kung saan punta namin ng bigla nalang siyang huminto at may kinuha sa bulsa.
"Bakit?" Sagot niya sa tumawag.
"Oo---Bakit?---Sa bahay---Tss, sige bye." Putol na putol niyang sagot sa tumawag.
Binalik niya yung cellphone niya sa bulsa niya at nagsimula na namang naglakad at dahil sa hawak-hawak pa rin niya yung braso ko.
"San ba tayo pupunta, Yelo." Huli na ng ma-realize ko kung anong natawag ko sa kanya.
Napahinto naman siya at humarap sakin ng may pagtataka at umawang ang bibig na tila may balak sabihin. Hinintay kung magtanong siya kung bakit 'yon ang tawag ko sa kanya, kaya lang tumalikod na naman siya sa akin at nagsimula na namang maglakad.
"San ba kasi punta natin, Woi!" Tanong ko sa kanya ng may pagkainis at kinulbit pa siya. Pero yung kuya niyong Yelo. Hindi pa rin sumagot. At dahil sa naiinis na talaga ako sa kanya. Hinayaan ko nalang siya kung san niya ako dalhin. Total, hindi naman kami makakalabas sa campus tsaka pasalamat siya at masakit yung puson ko.
Tanaw ko ang gate mula sa gawi namin. May balak ata'ng tumakas ang isang 'to.
Hahahaha...Akala naman niya makakatas siya? Sinong niloloko mo? Si manong guard na walang buhok? Istrikto kaya 'yon.
Pangiti-ngiti lang ako habang papalapit kami sa gate at sa gilid non ang guard house.
Ng tuluyan na kaming nakalapit ay lumabas si Manong at alam ko na ang mangyayare. Tsak, akong papagalitan siya at sesermonan dahil hindi kami umattend ng Assembly.
Lagot! Ka ngayon Yelo!
Pero, parang naguho yung mundo ko ng sa isang tango lang ng Yelo'ng 'to ay binuksan agad ni Manong ang gate.
"Bakit ganon?" Nagtataka kung tanong sa sarili ko na hindi ko namalayan na napalakas ko pala. Napalingon tuloy itong Yelo sakin at ngumisi----NGUMISI?
Seryoso? Kinusot ko yung magkabila kung mata para kompirmahin ang sarili kung namamalikmata lamang ako. Ngunit, ilang beses ko ng kinukusot ang mata ko'y nandon pa rin ang ngisi sa kanyang labi.
Napailing siya na para bang hindi makapaniwala sa inakto ko.
Whatever, Yelo!
To be continued...

YOU ARE READING
His Disappearance And Their Encounter
Teen FictionFor the past years of Josua 'Wang' Law Sy's sudden disappearance, Cassandra Kim Saavedra is still into him. She promised that she would never enter a relationship if it's not Wang. But then, a guy came into her life, this guy named Jevannie Roi Chua...