Chapter 27: Ferrari

5 2 0
                                    

Jevannie Roi's Pov

"Awit!"

Umalis agad siya sa pagka patong sa'kin.

Tss. Istorbo.

Tumayo ako sa tabi niya at hinarap ang pamilya ko na may mga nakakalokong tingin.

"Ma'am, Sir... Handa na po ang dinner." anunsyo ng isang kasambahay nina Mommy dito sa bahay.

"Oh sige," sagot ni Mommy at lumingon sa amin. "Kim, ija dito ka na mag haponan." sinabi niya sa katabi ko na parang ang lalim ng iniisip.

Ano na naman kaya ang iniisip neto?

Siniko ko siya upang maagaw ko ang atensyon niya. Lumingon naman siya sa akin na may naasar na tingin. Inaano kita dyan? Sinenyas ko ang harap namin na kung saan sina Mommy na nag hihintay sa isasagot niya.

"P-po?" nauutal na tanong niya kay Mommy.

Napa iling si Shine sa wala sa sariling si Kim. Ano ba kasi iniisip neto?

"Dito ka na mag haponan, ipapahatid na lang kita kay Van." sinabi ni Mommy na siyang dahilan ng pagka lingon ko sa kanya.

No... Not me. Not now, 'my.

Gusto kong sabihin' yon kay Mommy pero hindi ko masabi, kasi nandito siya. Sa tabi ko.

"Tss." komento ko na lang at nag lakad na patungo'ng dining area.

Napagod ako don ah...

Bakit ba kasi pa bigla-bigla 'yong dating niya.

Hinintay ko pa silang sumunod sa akin, maya-maya lang ay narinig ko na ang mga yapak nila. Naunang pumasok si Mommy at Daddy na may pinag-uusapan at sumunod naman si Shine at Brix na hindi nagkikibuan. At ang panghuli...ang wala sa sariling si Kim. Tinitignan ko ang bawat galaw niya. Sa tingin ko ay naramdaman niya iyon kasi lumingon sa gawi ko. Inirapan niya lang ako at kinausap ang katabi na si Shine.

What is her  problem?

Natapos kaming kumain ng walang kumaka-usap sa akin. Umalis agad ako sa hapag at pumunta sa kwarto ng hindi nagpapaalam. Hindi naman din nila ako mapapansin, busy sila sa pinag-uusapan nila.

Kinuha ko ang bag na nakalatag sa higaan ko, at ang susi na nasa side table ko. Nasagi ng paningin ko ang picture frame.

Wala sa sarili akong naupo sa higaan ko.

I missed you so much...

Cassandra Kim's Pov

"Saan na ba kasi 'yon?" parang tangang tanong ko sa sarili ko.

Hinahanap ng paningin ko ang Yelo'ng ulol na iyon. Nauna kasi siyang umalis sa hapag, hindi man lang nagpaalam sa amin.

Tss.

Umalis na rin ako don, sabi ko'y puntahan ko muna si Yelo, pero ang loka-lokang Shine ay binigyan ako ng nakakalokong ngiti. Kaya ayon gumaya rin yung mga magulang niya, si Sir Brix naman ay napailing lang sa inakto ng mag-anak na para bang sanay na siya sa ganon'g eksena.

Nagsimula na akong umakyat sa taas para hanapin doon si Yelo'ng ulol. 4 na pintuan ang bumungad sa akin pagka-akyat ko doon.

San ang kwarto ng Yelo na 'yon...

Sinubukan kong buksan ang isang pinto na nasa harap ko ngayon, akmang hahawakan ko na sana ang doorknob ng biglang bumukas yung pinto sa gilid ko.

Napalingon ako dito at nahanap ang kanina ko pa hinahanap...

"What are you doing here?" syempre, malamig na naman niyang saad.

Pinaglihi talaga sa Yelo 'to, promise!

"Hinahanap ka." sagot ko naman sa walang kwenta niya'ng tanong.

Tinitigan niya lang ako saglit at nagsimula na ulit maglakad pababa ng hagdan.

Hmp. Attitude.

"Woi! San ka pupunta?" tanong ko sa kanya ng dirediretso lang siyang naglakad papalabas ng bahay - mansyon.

"Ihahatid ka." sagot niya rin sakin na para bang wala ring kwenta yung tanong ko sa kanya.

"Baka po, uso sa Pinas yung mag papaalam muna bago umalis, diba?" sarkastiko kong tanong at pumunta na sa dining area para mag paalam.

"Ehem," kunwaring ubo ko para makuha ang atensyon nilang lahata. "Uhm, uuwi na po ako, Tita, Tito, Sir Brix, tsaka Shine." paalam ko at bahagyang ngumiti. Lumapit ako kay Tita at Tito para makipag beso pati na rin kay Shine. Tinanguan ko lang si Sir Brix. Syempre, hindi ako makikipag beso don, may tigre'ng naka abang mga bhe.

" Oh siya, sige. Nasan na ba si Jevannie?" sabi ni Tita at akmang tatawagin pa si Roi ng umeksena na ako.

"Uhm, nasa labas na po siya Tita. Ayaw sumama sa'kin magpa alam, doon nalang daw po siya maghihintay." paliwanag ko kay Tita.

"Oh sige, mag-iingat kayo, ija." paalala pa neto.

"Sapakin mo si Van-van kapag mabilis magpa takbo." suhestyon naman ni Tito sa akin. Kahit hindi niyo na po sabihin, Tito. Hahaha.

Natawa pa kaming lima sa suhestyon na yon ni Tito at tuluyan na akong umalis sa Dining Area. Pero bago pa ako umalis ay nakita ko si Shine na sumenyas sa akin ma magte-text raw kami.

Of course, she had so many stories to tell.

Hindi naman sa nakikialam ako...pero parang ganon na nga.

May mga nakasalubong pa akong mga kasam-bahay sa sala, nginingitian ko sila ng mapansin nila ako.

Nadatnan ko sa labas ng malaking pinto ng bahay nina Shine ang Yelo'ng ulo na naka sandal sa kotse niyang... Ferrari?

Teka, ito yung Ferrari na gusto ko. Ang cool neto, Ferrari Roma.

Awit, sana lahat may Ferrari na.

Lumingon ako kay Roi na nakangisi. Umalis na siya sa pagka sandal sa kotse niya at umikot na papuntang driver seat. Ang yabang, hindi man lang ako pinagbuksan. Hindi sa gusto kong pag buksan niya ako, diba dapat kapag gentleman ka, pag bubuksan mo talaga ang babae, at dahil sa pinakita ni Roi, isa siyang sperm na hindi gentleman. Ba't ko ba ginawang big deal iyon?

Anong nangyayare sayo, Kim?

Binuksan ko na ang pintoan ng kotse at hindi ko sinasadyang napalakas ang pagka sarado neto. Napalingon pa sa akin si Roin na inaayos ang seat belt niya.

Wag mo ko tignan ng ganyan, Roi! Di porque may Ferrari ka na, kakaibiganin na kita.

Ay pota-! Kim, ANO BA ANG NANGYAYARE SAYO? CHILL LANG, WAG KANG MAINGGIT, MAGKAKA FERRARI KA RIN, NOT NOW BUT- IPAGDADASAL NALANG NATIN.

At syempre, dala ng kabangagan ko, napa sign of a cross nalang ako tsaka tahimik na nagdadasal, hindi pinapansin ang lalaki'ng katabi.

PapaG, when kaya ako magkaka Ferrari. Sana PapaG kotse yung ireregalo nina Mom at Dad sa akin. Bigyan niyo sila ng sign papaG na ito yung gusto kong matanggap. Thank you papaG, I love you po. In the name of the father, the son and the holy spirit... Amen.

Pagka dilat ng mata ko, bumungad agad sa akin ang mata ng isang Yelo'ng Ulol. Natulak ko siya sa gulat.

"Ano ba?! Ang lapit-lapit mo!" singhal ko sa kanya. Pero ang gago, tumawa lang.

Ayan, nagka Ferrari lang nabaliw na.

"P-put your seat belt on." he said while laughing.

Hindi ko nalang pinansin ang kabaliwan niya, sinout ko na yung seat belt at siniksik pa lalo ang sarili sa gilid.

Maya-maya lang ay pinaandar niya na ang sasakyan. At ayon na naman yung puso ko, in love na in love sa Ferrari na ito. Tunog palang ang angas na pakinggan.

Ferrari... ko.

His Disappearance And Their Encounter Where stories live. Discover now