Chapter 13: Stephanie Shine Chua

46 35 7
                                    

Cassandra Kim's Pov

"Thank you," Pasasalamat ko sa kanya ng makalabas na ako sa sasakyan niya. Siya kasi yung nag bukas. "For the ride and, uhm for opening this to me." Sinabi ko sa kanya.

Halos isa't kalahating oras ang ginugol namin don sa playground.

"Uh, your welcome. Next time?" Sinabi niya ng magsimula na kaming maglakad papasok sa Campus. At syempre, hindi mawawal yung mga chismosa. Nag bubulung-bulungan pa rinig na rinig naman.

"Anong next time pinagsasabi mo?" Nagtataka kung tanong sa kanya. Napahinto ako sa paglalakad ng hindi ko na siya maramdaman sa gilid ko. Lumingon ako sa likod ko nagbabakasakaling huminto lang siya sa paglalakad. Hindi nga ako nagkakamali, nakakagulat naman siguro ano kapag wala siya sa likod ko. I mean yung parang biglang na disappear ganon?

"What I mean is pwede ba tayong sabay na mag lunch ulit bukas?" Tanong niya sakin habang naglalakad patungo sa gilid ko.

Ako naman yung na estatwa sa kinatatayuan ko sa tanong niya.

"Uhm, if your doubting because of what happened earlier, I won't do it again, promise."Sinabi niya sabay pataas ng kamay.

" U-uh, sige." Sagot ko na lang sa kanya. Sa konting oras na nagkasama kami, okay naman siyang kaibiganin. Palagi nga siyang tumatawa kanina. My impression for him is so far on his attitude earlier.

Sa kaunting oras din'g iyon ay may napansin naman ako sa paraan ng pagsasalita niya. Walang bahid ng Chinese. Mas kuha niya yung American accent. Ang daldal niya kanina, sobra. Kanina ko lang rin nalaman na ¼ lang pala yung papa niya as Chinese. Tapos yung half ay American. Tapos yung ¼ naman ay Pilipino.

Grabe, halo-halo yung dugo ng isang 'to buti nalang hindi nagka sakit. It's not as if I care.

"Is there something in my face?" Napabalik ako sa reyalidad ng bigla siyang nagsalita.

Owemji! Did I just stare at his face?

"W-wala." Nauutal kung sinabi at nagsimula na namang maglakad.

"Hey, wait." Sigaw niya at humabol sakin. At dahil sa lalaki siya tapos matangkad, nahabol niya ako.

"Bakit ka nagmamadali?" He asked with his American accent na naman.

"Uh, kasi male-late na ako," Pagrarason ko at chineck yung time sa phone ko. Buti nalang at 1:45 na. "I have to go na, kasi baka malate pa ako. Nasa 4th floor pa naman din yung room namin. Sige, bye." Paalam ko ulit sakanya at nag simula nang maglakad-takbo. Bago pa ako tuluyang maka layo sa kanya nilingon ko muna siya at nakita ko siyang nakangiti at napa iling bago tumalikod at magsimulang lumakad. Nasa kabilang building kasi yung station nila.

Hindi ko napansin yung sarili ko, napangiti na rin pala ako. Napa iling nalang din ako at nag simula na namang mag lakad-takbo. Nasa bandang 3rd floor na ako at paakyat na sa 4th floor kung saan yung room ko ng may biglang tumawag sakin.

"Ate," Si Cassy na may nang-aasar na ngiti.

"Anong ngiti yan? Bakit ganyan?" Nagtataka kung tanong sa kanya.

"Ano 'yon ha? Tanaw na tanaw kaya namin kayo don sa railings. Kaya pala ayaw akong kasabay sa lunch kasi may lunch date." Wala akong nahihimigan na pagtatampo sa boses niya kundi pang-aasar.

Sabi na eh, aasarin na naman ako neto.

"Tumahimik ka nga, may klase pa ako mamaya nalang." Sinabi ko at nag lakad na paakyat sa floor ko. Tumawa lang yung gaga.

"So, totoo nga? Ayieeee si ate kumekerengkeng na naman!" Napalakas ata yung pang-aasar niya kasi nasita siya nong guro doon.

"Miss, minimize your voice!" Rinig kung sita ng guro sa kanya.

And Cassy being Cassy...

"Minimize your voice too! Ang ingay-ingay mong magturo wala naman kaming naiintindihan sa itinuturo mo. Ngayon, alam mo na yung feeling namin?!" Sumbat ni Cassy. I already know that teacher base palang sa pag describe ni Cassy sa teacher na iyon. Yung pinaka terror na teacher dito sa M.U. Sa tingin ko'y may makakatapat na siya.

Cassy and her gang with Miss. Fuente in one room is so fun!

Marami pa silang pinag-aawayan doon, hindi nalang ako nakiki chismiss kasi male-late na ako. I still have 5 minutes before our class started kaya nag retouch muna ako sa washroom.

Wala namang tao doon. Light lang yung mga ginamit kong make up. I'm not like my Alipores keme na sa sobrang kapal ng make up kulang nalang tent para Circus na. After kung mag retouch lumabas na akong washroom at dumeretso na sa classroom. Kaunti pa yung mga tao doon. Umupo na ako sa upuan ko.

Since, hindi naman pala students ng B.A yung Yelo na 'yon. Bakante yung katabi kung upuan kaya don ko nalang nilagay yung bag ko. Unti-unting dumarami 'yong tao sa loob. Nag bell na for the starting of our class. Pero wala pa si Miss.

Nag cellphone nalang ako at inopen yung Instagram app ko. Pag open ko sabog na naman yung notification ko. Pero nahagip ng tingin ko yung nag follow sakin. 1 minute ago palang.

@J.roi followed you.

Ni-tap ko yung name niya para mang-stalk kaya lang private yung account ng gagong yelo.

"Ganyan talaga si Kuya. Naka private lahat ng account niyan." Napa-angat ko yung paningin ko sa nagsalita. It was the girl earlier yung may nakakalokang ngiti.

"U-uh," Nauutal kung sinabi at tinago nalang yung cellphone ko.

"Pwedeng dito ako ma upo?" Tanong niya sakin na tinutukoy yung upuan na nasa tabi ko. Tumango na lamang ako at kinuha yung bag kung naroon.

"Thank you!" Masiglang ani nita at umupo na rin doon. Parang familiar siya sakin.

"By the way, I'm Stephanie Shine Chua. Younger sister of Jevannie Roi Chua." Nakangiting pakilala niya sakin. Stephenie Shine Chua pala name niya. Tsaka, ano daw? Kapatid raw siya ni Jevannie R--.

Weyt,whut? Kapatid niya yung ugok na iyon?

To be continued...

His Disappearance And Their Encounter Where stories live. Discover now