Chapter 1: First Day Of Second Sem

125 61 15
                                    

Cassandra Kim's Pov

"Wag nga kayong haharang harang sa dinadaanan namin." Maarteng saad netong katabi ko. Kanina pa ako nababanas sa kanila e. Ang iingay ingay.

Nagsitabihan naman yung mga estudyante na tulad namin. Wala na 'kong pake alam kung ano man ang sasabihin nila samin. Haharang-harang kasi sa dinadaan namin e.

Dumeretso kami sa Information Board. Upang alamin kung saang seksyon kami nabibilang. Ngunit ganon na lamang ang pagbagsak ng balikat namin ng marami na namang taong nakaharang sa Information Board.

Kinilabit naman ng isa sa mga alipores ko ang taong malapit sa kanya. Mabilis naman ang naging kilos ng babaeng 'yon at kinalabit rin ang katabi. Hanggang sa nagsitabihan ang mga estudyante. Ngunit may isang lalaking estudyante ata reto na busy pa rin sa kakahanap ata ng section niya. At tila walang na papansin sa paligid.

Tumikhim ako.

Ngunit hindi pa rin na agaw ng pag tikhim ko ang paghahanap ng lalaking 'to. Nagsimula nang magsibulungan ang lahat dahil sa inakto ng estudyanteng 'to. Akmang lalapitan na siya ng mga alipores ko ng pigilan ko sila. Hinayaan ko lang siya sa paghahanap kahit nangangawit na'ko sa kakatayo. Nagsicellphone lang ako habang nag aantay. Akmang mag titipa na ako sa cellphone ko ng isesearch sa YouTube ng may bigla akong makarinig na mahinang tawa. Napaayos ako ng tayo at pinagmasdan ang lalaking na sa harap ko na tila na hanap na ata ang hinahanap. Tinapik tapik pa niya yung glass na ginamit upang takpan ang mga naka lagay sa Information board. At tila wala pa ring napapansin sa kanyang paligid at walang lingon na umalis sa harap ko.

Wierdo.

Maarte akong humakbang palapit sa Information board. At nagsimula ng hanapin ang seksyon ko. Nang mahanap ko na ang hinahanap ay hi di ko na inantay ang mga alipores ko at parang top model na naglalakad sa hallway papunta sa seksyon ko.

Nasa last floor ang building ng seksyon na papasokan ko kaya natatamad akong humakbang sa mga hagdan. Nasa 2nd floor na ako. Matapos ang nakakapagod na pag akyat. Pumasok agad ako sa seksyon ko. Nang makapasok ako sa room may mga estudyante na roon. Doon ako umupo sa pinaka dulo malapit sa bintana. I want to smell fresh air. At dahil sa pagod sa kaka akyat at dahil rin sa fresh na hangin hindi ko namalayan na naka idlip na pala ako.

Nagising ako ng may biglang nagbukas ng pinto sa room. Pag lingon ko sa pintoan ay babaeng naka uniporme na pang teacher. Adviser ata namin.

"Good morning, everyone!" Masiglang bati ng Adviser namin. Nagsitayuan naman ang mga kaklase ko at bumati rin sa kanya. Pero ako ganon pa rin.

"Good morning, Miss!" Sabay-sabay na pagbati ng mga kaklase ko.

"Take your sit, students." Saad naman ni Miss.

Nagsi-upuan naman yung mga kaklase ko.

"Since, first day ngayon. Let's just know each other. So, ako na muna ang mauuna. So, class. I'm your Adviser for this year. I am Ms. Jasmin Bernardo." Pagpapakilala ni Miss. "Let's start in this front row." Dagdag pa ni Miss.

Tumayo naman yung babae na nasa unahan at nagsimula ng magpakilala.

"Hi guys! My name is Stephanie Shine Chua. Half Chinese." Maikli ngunit magalang na pagpapakilala nong nasa unahan. Sumunod naman yung nasa tabi niya hanggang sa 3 nalang kaming natira. Magpapakilala na sana yung katabi ng bakanteng silyang katabi ko ng may biglang pumasok sa room.

To be continued...

His Disappearance And Their Encounter Where stories live. Discover now