Chapter 33: The Madame

4 2 0
                                    

The Madame

Cassandra Kim's Pov

Nagulat ako nong makita na pati sa loob ng bahay namin ay mga bodyguards pa ring naka kalat.

"Grabe 'yong boyfriend mo, Ate. Protective." pang tutukso pa ni Cassy sa akin bago ako inunahan sa pag lakad at dumiretso sa kusina. Kanina pa kasi 'yon nag rereklamo na gutom na raw siya. Napag-isipan nga nilang mag dinner raw kaming lahat sa labas pero inayawan ni Xyrus dahil sa pangayayaring iyon kanina.

"Dad..." tawag ko kay Dad na busy pa rin sa pagpapa kalma kay Mommy. Nilapag ko ang bag sa round table na nasa gita ng sala namin tsaka na upo sa tabi ni Mommy. Hinawakan ko ang kamay niya upang pa kalmahin rin.

"Yes, dear?" sagot ni Daddy.

"Bakit may mga bodyguards po tsaka paano niyo.... nalaman?" tanong ko kay Daddy ng pahina ng pahina ang boses.

Nag pa kawala muna ng buntong hininga si Dad bago sinagot ang tanong ko.

"Nag punta rito ang anak ng Tita Shiecka mo... sino nga ba 'yon?" pag uumpisa ni Dad a tinanong ako kung anong pangalan ng anak ni Tita Sheicka. Hindi muna ako nag-aasume na si Roi iyon pero mahirap din namang paniwalaan kung si Shine kasi paniguradong wala iyong alam pa. Pero kahit ganon ay si Shinepa rin ang sinabi ko...

"Si S-shine po ba?" nag aalanganan kong tanong.

"Hindi iyong lalaki, ah! Si Jevannie. Yon, nag punta siya rito kanina at na gulat pa kami ng may mga kasama siyang mga bodyguards. Ipinaliwanag niya rin ang nangyari sa inyo kaya nagka ganito ang Mommy mo dahil sa lubos na pag alala kahit na sinabihan siya ni Jevannie na wala namang nangyari sa inyo. Ayaw pa ring kumalma. Hindi naman nag tagal si Jevannie kasi may aayosin muna raw siya." mahabang paliwanag ni Daddy, tumango-tango naman ako ng dahan-dahan kong naintindihan ang pangyayari. At hindi ko inexpect ang sunod na sinabi ni Daddy.

"May mga bodyguards pa raw naka kalat sa subdivision upang maging sigurado. Protektadong protektado ka talaga ng boyfriend mo anak." sabi ni Daddy na wala naman sa akin ang paningin kundi na kay Mommy na naka tulog na pala dahil siguro sa pagod kakaiyak.

"Hindi ko po siya boyfriend, Dad." pag lilinaw ko kay Daddy.

"Ganon ba? Oh siya sige, bukas nalang natin ipag patuloy ang pag-uusap, dadalhin ko na itong Mommy mo sa kwarto." sabi ni Dad at walang hirap na binuhat si Mommy ng pa Bridal style. "Kumain na kayo ni Cassy at mag pa hinga." sabi ni Daddy bago tuluyang nag lakad pa taas ng hagdan. Naka ngiti ko silang tinanaw, ang swerte ni Mommy kay Daddy. At ang swerte rin ni Daddy kay Mommy. Ang swerte nila sa isa't isa.

Napa buntong hininga ako dahil sa pagod.

Nilingon ko ang bag na nasa round table ng sala namin ng may marinig akong tone sa  loob. May nag message ata sa akin...

Inabot ko ang bag ko at kinuha ang cellphone sa loob.

When I turned on my cellphone, nabigla ako sa bumungad sakin na pop message kung kanino galing. Binuksan ko ito...

From: Yelo'ng Ulol
Message: Are you home already?

Akala ko'y iyon lang ang matatanggap kong message, pero nag ka mali ako ng sunod sunod na nag si datingan ang mga messages galing sa kanya.

From:Yelo'ng Ulol
Message: Have you eaten your dinner?

From: Yelo'ng Ulol
Message: Eat your dinner.

From: Yelo'ng Ulol
Message: After eating your dinner, take your rest.

Akala ko'y pa ulit-ulit lang na ganon ang message niya pero na gulat ako sa dalawang last messages niya.

From: Yelo'ng Ulol
Message: Don't come out without my bodyguards. They all well trained.

From:Yelo'ng Ulol
Message: And don't be close to Aeron.

Aeron? Bakit? Bakit naman hindi ako dapat ako lumapit kay Aeron. Anong meron kay Aeron-.

Hindi ko natapos ang iniisip ng may maramdaman akong umupo sa tabi ko. Nilingon ko ito...

"Oh! Tubig, baka ma dehydrate ka dyan!" sabi ni Cassy at inalok ako ng tubig. Oo nga pala, kanina pa ako nauuhaw. Kinuha ko ito gamit ang isang kamay na hindi naka hawak sa cellphone ko. Muntik ko pa siyang mabugahan sa sumunod niyang sinabi...

"Oy! Pinag seselosan ni Van-Van si Aeron?! HAHAHAH." sabi niya at tumawa ng malakas. "Kadiri ka, Ate!" reklamo niya tsaka kumuha ng tissue sa round table para punasan ang bibig ko. Huminga muna ako bago nilagay ang baso sa round table at nag tataka siyang lingunin.

"Ano ba iyang pinagsasabi mo, Cassy." sambit ko sa kanya na pa tawa-tawa pa rin dahil sa nabasang message ni Roi.

"Ang manhid mo, Ate!" sabi niya na hindi naman sagot sa tanong ko at tumayo na para pumunta sa taas kung saan ang kwarto niya. Tumatawa pa rin siya. Hinayaan ko nalang siya, hindi ko nalang iisipin iyon, dadagdag lang yun sa mga iisipin ko.

Bumuntong hininga ako bago napag-isipang mag dinner na. Hindi naman ako gutom pero baka pagalitan ako ni Dad...at dahil na rin sa sinabi ni Roi na kumain na raw ako ng dinner. Hindi ko alam kung bakit ako sumusunod sa kanya. Hays.

Third Person's Pov

"WHAT?!" sigaw ko ng malaman ko ang nangyari sa mga tauhan ko. Mga tauhan kong walang kwenta!

"SIMPLENG MISSION LANG IYON! KAHIT DAPLISAN MAN LANG ANG BALAT NILA AY HINDI NIYO PA NAGAWA!" sigaw ko sa harap ng mga tauhan ko. Nasa harap nila ako ngayon, habang sila ay naka luhod sa akin. "GANON NA BA TALAGA KAYO KA WALANG KWENTA?! PARA SAAN PA IYONG SINASAHOD KO SA INYO KUNG HINDI NIYO NAMAN MAGAWA NG MAAYOS ANG MGA INUUTOS KO!" sermon ko sa mga walang kwenta kong tauhan.

"P-pasensya na po m-adame."
"G-gagawin na po namin ng maayos ang susunod niyong utos."
"Patawad po!"

Sari-saring sabi ng mga walang kwenta kong tauhan. Mag sasalita pa sana ako ng bigla akong bulungan ng kanang kamay ko.

"Madame, gusto ka pong maka-usap ni Mr. Chua." sabi nito at lumayo sa akin.

"Hmm...let the game begin..." bulong ko sa sarili ko at ngumisi sa kawalan.

Sinenyasan ko ang kanang kamay ko na siya na ang bahalang lumigpit sa mga basura, sa mga walang kwentang tauhan. Tumalikod na ako at nag simula ng mag lakad palabas ng abandonang building. Sumakay na ako sa sasakyan na nasa harap ko.

Rinig ko ang pag putok ng sunod sunod ng baril mula sa loob ng building na iyon. Limang bala...

Limang bala ang na sayang ko para sa mga walang kwentang tauhan...Tss.

"Let's go!" utos ko sa driver. At sinoot ang hawak kong sunglasses.

Again...let the game begin!

Josua Law Sy.

To be continued...

His Disappearance And Their Encounter Where stories live. Discover now