Cassandra Kim's Pov
Habang nag babyahe ay nag aasaran lang ang dalawang magkakapatid. Hindi ko alam kung nag aasaran silang dalawa o si Shine lang ang nang aasar kay Yelo. Paano ba kasi panay bulong ng kung ano-ano itong si Shine. Tapos, humahagikhik. Si Yelo naman ay tumitingin lang kay Shine ng masama na para bang hindi niya nagustuhan ang binubulong ni Shine. Nabuhay tuloy yung kuryusidad sa katawan ko.
Nafe-feel ko kasi na parang ako yung pinag-uusapan nila or should I say pinag bubulungan. Nasa likod ako naka upo kasi dito talaga ako pumwesto hahaha. Ewan ko. Napapraning na ata talaga ako. Paano ba naman kasi nong maka pasok ay umupo ako dito ay parang nang hihinayang si Yelo. Oo na, ako na assumera. Uupo na rin sana si Shine sa tabi ko kanina pero biglang nagsalita si Yelo.
"I'm not your fucking driver." sinabi niya at malakas na isinara ang pinto ng kotse. At dahil sa naka upo na ako at si Shine ay hindi pa. Wala siyang nagawa. Umupo nalang siya sa tabi ni Yelo.
Problema non?
"San ba tayo kakain?" tanong ni Shine sa...amin? Hindi ko alam kung sinong tinatanong niya. At dahil sa walang balak na sumagot si Yelo ay ako nalang ang sumagot. Ang sungit ngayon ni Yelo ah.
"Sa paborito kong kainan, Shine." nakangiting sagot ko sa kanya. Masaya ako eh hehehe.
Humarap naman siya sa akin. "Really? I bet, masarap don ano?" nakangiting tanong niya. Tumango lang ako bilang sagot. "Woah! Yes. Nagutom tuloy ako."
Natawa ako sa reaksyon ni Shine. Sa hindi sinasadyang pangyayari ay nasagip ng paningin ko ang rear mirror na sakto na mang naka tingin sakin doon si Yelo na masama ang tingin. Pero bakit ganon? Bakit ang cute niyang tignan?
Shit! What happened to you, Kim? Umayos ka nga!
Awtomatiko kong iniwas ang mata ko sa salamin at itinuon na lang ang sarili sa cellphone. Bakit naman kasi malayo itong karenderya ni Aleng Maretes eh.
Sa kaka scroll down and up ko sa cellphone ko ay may biglang nag pop na message.
From: Sis Cassy❤️
Message: Ateeeee!Sa paraan pa lang ng pag message niya ay alam kung may ibabalita siya sa akin.
To: Sis Cassy❤️
Message: Ano na naman?!Reply ko sa kanya. Ano na naman ba ibabalita ng isang 'to. Maya-maya lang ay naka receive na ako ng reply niya.
From: Sis Cassy❤️
Message: Naalala mo ba yung GwenX gang?GwenX? Yun yung nakalaban namin noon bago ako umalis sa gang. Ano naman meron don?
To: Sis Cassy❤️
Message: Oo, bakit?From: Sis Cassy❤️
Message: Nakalaban namin kanina. Hindi tuloy kami nakapasok sa klase namin. Hinarangan ba daw kami sa daan.Uh, kaya pala wala sila. I mean, hindi na sila nala sunod sa amin eh. Impossible naman kung nauna sila sa amin. Wala nga yung big bike nila sa parking lot eh.
To: Sis Cassy❤️
Message: Bakit daw nila kayo hinarangan? Tsaka anong nangyare?Shuta! Parang na excite ata ako hahaha.
From: Sis Cassy❤️
Message: Taposin daw kung anong dapat taposin hahaha. At first, hindi nga namin sila naalala eh. Buti nalang at nag pakilala sila hahaha. Buti rin lang na nadala namin yung mask namin. Syempre, ang susunod na nangyare ay bakbakan na hahaha. Alam mo ba kung sino yung nakalaban ko?To: Sis Cassy❤️
Message: Sino? Don't tell me yung nasuntok ko noon? Yung dumugo yung ilong tas nag collapse pati na rin ako kasi I'm scared of blood? HAHAHAHA.Napatawa ako sa naalala ko. Sa tingin ko'y napalakas ang tawa ko kasi bahagyang napalingon ang dalawang magkapatid sa akin.
"Sorry," sinabi ko at nag peace sign pa. Hindi ko na sila pinansin at hinintay nalang ang reply ni Cassy. Hindi pa umabot ng ilang minuto ay natanggap ko na ang reply niya.
From: Sis Cassy❤️
Message: Sabihin mo nga sa'kin ang totoo ate. Mang huhula ka ba sa nakaraan mong buhay? Paano mo nahulaan?At ayon naman, napahagikhik ako sa reply niya. Pero hindi ko na pinansin ang dalawang magkakapatid na ramdam ko ang dalawang pares nilang mata na nakatingin sa akin.
To: Sis Cassy❤️
Message: Umayos ka nga! Tapos, anong nangyare?Hahaha, na eexcite talaga ako eh. Na mimiss ko ng makipag laban. Tuloy-tuloy lang yung kwentohan namin ni Cassy ng may biglang umagaw ng cellphone ko.
"Owww," sambit ni Shine ng makita ang screen ng cellphone ko. Grabi naman ito kung maka agaw. Akala mo naman kanya! Tsaka bakit 'owww' anong nakaka 'Owww'don. Parang tanga lang Shine?
"Akin na nga!" sabi ko at sinubukang agawin ang cellphone ko pero lumabas na ang gaga. Nandito na pala kami sa karenderya ni Aleng Maretes. Sa hindi na namang sinasadyang pagkakataon ay napalingon ako sa gawi ni Yelo na ngayon ay kasing lamig niya ang kanyang pag titig. Ano na naman ba ang problema neto?
"We're already here at Aleng Maretes kainderya." sinabi niya at lumabas na sa kotse. Ako? Heto nagpipigil ng tawa. Pfftt---hahahahaha. Legit, ang sungit no Yelo ngayon. Tsaka anong sinasabi niya na kainderya? Hahaha, karenderya siguro hahaha. Pota, natatawa talaga ako. Ang seryoso niya tapos yung pagbigkas niya sa kainde---este karenderya ay kainderya.
Lumabas ako ng kotse na nagpipigil pa rin ng tawa. Nakatayo lang si Shine at Yelo sa labas ng kotse. Naghihintay sa akin.
"Tara na, pasok na tayo sa kainde---karenderya." muntik ng kumawala ang tawa ko dahil sa nabanggit ko. Umayos ka Kim. Hahaha, yelo naman kasi eh. Hanggang sa pagpasok sa karenderya ay nagpipigil pa rin ako ng tawa.
"Woah!" manghang ani ni Shine na nilibot ang paningin sa loob ng karenderya. Magsasalita pa sana ako ng may biglang tumawag at lumapit sa akin.
"Kim, ija. Ikaw pala iyan. Hali kayo!" saad niya at iginiya kami sa isang bakanteng lamesa.
"Salamat po."
"Salamat po, Aleng Maretes."Sabay naming saad ni Shine. Napalingon kaming dalawa sa kasama namin na preteng naka upo lamang.
Nang mapansin niyang nakatingin kami sa kanya ay bigla siyang tumayo at yumukod tulad ng mga koryano sa pelikula."Thank you po." sinabi niya kay Aleng Maretes na ngayon ay abot mata ang ngiti. Naku naman, Aleng Maretes! Ano yan ha? Isumbong kita kay Mang Ador dyan eh. Syempre, joki joki lang. Yes, si Mang Ador ang asawa ni Aleng Maretes. At ang anak nila ay si Marie. Na pamangkin ni , Myerkules, Huwebes, at Byernes at ang ina at ama naman nila ay si Sabado at Linggo na kabit ni Lunes. Oo, gutom na ako. Hindi ako baliw, gutom lang talaga ako.
"Hahaha, nakakatuwa kayo. Oh, ano ba ang io-order ninyo?" tanong ni Aleng Maretes sa amin. Sasagot na sana ako ng bigla akong inunahan ni Shine.
"Lahat pong putahe ng pagkain niyo," nakangiting sagot ni Shine na parang seryoso talaga siya. Kami naman ni Aleng Maretes ay bahagyang napanganga ang bibig. Si Yelo? Ayon walang pakealam sa mga nangyayare dito. "Gusto ko kasi matikman lahat hehe." dagdag pa rin niya na andon pa rin ang ngiti, this time abot hanggang mata na kaya medjo nawala yung mata niya. May pagka singkit rin itong si Shine. Syempre, half chinese eh.
"Nakakatuwa talaga kayo. Oh siya sige. Ihahanda ko na ang mga ino-order ninyo." sinabi ni Aleng Maretes at umalis na sa harap namin.
Umupo na si Shine sa upuan na kaharap ni Yelo. Uupo na sana ako sa tabi niya ng bigla niya itong inoccupied gamit ang bag niya na inilagay sa upuan. Napatingin ako sa kanya na may pagtataka.
Nginitian niya lang ako at nag peace sign. "Don ka na lang sa tabi ni Kuya hehe." sabi niya at itinuon na ang sarili sa pag cecellphone. Kaya ang ending, magkatabi kami ni Yelo'ng umupo. Napalingon siya sa akin ng umupo ako sa tabi niya. Hindi ko napigilang tumawa ng bigla kong maalala ang nangyare kanina.
"Are you crazy?" saad niya at tumingin sakin na para bang kinikilatis niya kung baliw ba ako o hindi. Tinawanan ko lang siya at umupo na ng maayos.
"Tss." rinig kong atungal niya pero hindi ko nalang siya pinansin.
To be continued...
![](https://img.wattpad.com/cover/235886191-288-k807345.jpg)
YOU ARE READING
His Disappearance And Their Encounter
Novela JuvenilFor the past years of Josua 'Wang' Law Sy's sudden disappearance, Cassandra Kim Saavedra is still into him. She promised that she would never enter a relationship if it's not Wang. But then, a guy came into her life, this guy named Jevannie Roi Chua...