Chapter 6: Picture Frame

69 43 9
                                    

Cassandra Kim's Pov

"Saan mo nga ba kasi ako dadalhin, ha?" Tanong ko sa kasama ko na parang tangang nakangisi habang nag-dadrive. Kanina pa ako tanong ng tanong sa kanya pero wala pa rin akong makuhang sagot sa Yelo'ng 'to.

Nakakalayo na kami sa Campus. Ewan ko ba kung anong trip ng isang 'to at dinamay pa talaga ako. At dahil sa kanina pa ako nag-iisip, hindi ko namalayan na nasa isang subdivision na pala kami. Tatanongin ko na sana siya kung anong gagawin namin dito ng bigla na lang siyang bumusina. Isang busina lang bumukas agad yung bonggang gate. Oo, bongga talaga ng gate nila. Ang tayog tas ang ganda. Well, maganda rin naman yung gate namin.

2nd nalang yung amin. Ay weyt, maganda rin yung kila Xyra. Okay, First yung kila Xyra, second itong gate na pinasukan namin tapos third ami--.

"Ay butiki!" Gulat na sigaw ko. Pano ba naman kasi mga peps. Itong isang 'to parang may galit sa pinto ng kotse kung makasarado!

Umikot siya papunta sa side ko. Akala ko bubuksan niya yung pinto.

Sinenyasan lang ako ng hute na lumabas!

"What a gentledog!" Inis kong saad bago lumabas.

Hinarap ko siya ng nakahawak sa beywang ko ang dalawa kong kamay.

"Kaninong bahay ba 'to? Tsaka, bat mo ko dinala dito ha?!" I asked.

"Tss."

Ay putspa! Ang haba ng tanong ko tas sagot niya 'tss'.

I don't even consider it an answer! Yung totoo? Sino ba talagang may dalaw saming dalawa?

"Just follow me." Hindi ko narinig yung sinabi niya sa hina ng boses niya. Malakas pa ata yung pag tss-tss niya eh.

"Ano kamo? Paluin kamo kita?" Sarkastiko kung tanong.

Nabigla ako ng unti-unti siyang lumapit sakin.

"I said, just follow me." Nakikolabot ako sa sinabi niyang yon. Ang lapit-lapit ba naman kasi niya. Naamoy ko na nga yung hininga niyang kay bang----ho! Oo, bangho! Bangho means stink! Yun yun! Ang bangho ng hininga niya.

Ewwwwww!

"Lumayo ka nga!" Hiyaw ko sa kanya at tinulak pa talaga siya. "Kailangan ba talagang lumapit lods?" Ayon na naman ang pagiging sarkastiko ko.

"Tss." After that tss of him. Naglakad na ang gago. Sumunod na rin ako sa kanya. Follow nga diba?

Ay sana all long-legged.

Ang bilis niyang maglakad! 2 steps ko ata, 1 step lang sakanya.

At dahil sa hindi ko siya maabotan. Lakad-takbo ang ginawa ko.

"Woi, kaninong bahay ba kasi 'to?" Tanong ko sa kanya habang nililibot yung paningin sa loob ng bahay.

Ang ganda!

"Mine."

"Wag ka ngang magpatawa lods."

"Tss."

Ayon naman po yung tss niya.

"Seryoso nga kas--."

"Oh, ijo ang aga mo yatang naka uwi? Kanina ka pa ba? Wala ka na bang klase?" Tanong nong matanda na naka maid uniform. Pinagmasdan ko nang maigi yung matanda.

Kung ikocompare ko siya sa kay Manang Lita. Mas maganda si Manang Lita. Ofcourse alagang Saavedra si Manang. Maganda naman ito Maid na nasa harap namin. Tsaka mukhang mas mata si Manang Lita kesa kay Manang--whatsoever!

"I just got home po. And, please prepare a snacks for two po." Ang sarap sa ears itong boses ng yelong 'to. Bongga yung English Accent.

"Pasensya na't hindi ko napansin na may kasama ka pala." Saad naman ni Manang na parang nahihiya pa. "O siya sige, ipapahatid ko na lamang kay Marie. Saan ba kayo tatambay?"

"Sa sala lang po."

Huwaw! Pati yung Tagalog Accent ang bongga rin.

Tumango lang samin yung si Manang--whatsoever bago umalis. Naglakad naman yung yelo paakyat. Sumunod naman ako. Follow nga kasi diba?

Napahinto siya ng maramdaman niyang sumusunod ako sa kanya. Nasa ikalawang hagdanan pa lamang kami.

"Why are you following me?"

"Excuse me! Baka gusto mong hampasin kita ng baseball bat at nang sa ganon mabalik yung ala-ala mo! Kakasabi mo lang kanina na..." Umayos ako ng tayo at umubo bago nagsalita ulit. Ginaya yung sinabi niya kanina. You mean by gaya as in pati yung paglapit ng mukha niya sakin kanina ginaya ko rin. Napa atras siya sa ginawa kong paglapit. "I said, just follow me." Pagkatapos kung sabihin yon ay lumayo ako agad sa kanya.

I stare at him a few seconds. Kasi naman parang natulos sa kinatatayuan itong yelong 'to.

"O-okay, don't follow me now. Just sit right there." Saad niya at tinuro ang couch.

I shrugged and say.."Okay."

Nang hindi ko na makita ang figure niya ay tumayo ako at nilibot ulit ng tingin ang loob ng bahay.

Ang ganda talaga!

Naglakad-lakad ako sa kabahayan hanggang sa nadako ang paningin ko sa mga litratong naka-arrange sa isang table na made in salamin ay weyt mirror pala para bongga.

Lumapit ako doon at tumitingin ng mga pictures.

Napahinto ako sa paniningin ng pictures ng masagi ng mga mata ko ang isang frame. Inabot ko ito at tinignan ng mabuti.

Familiar.

Isang batang lalaki ang nasa picture frame na iyon. Familiar talaga siya sakin. Medyo blured kasi siya kaya ganon. Ilalapit ko na sana sa mga mata ko yung picture frame ng biglang may humablot non sa kamay ko. At dahil nga sa hinablot nasugatan ako kasi may matalim don sa gilid ng picture frame.

"Ouch." Daing ko at tinignan ang daliri kung nasugatan. "Omg! My precious finger!" I exclaimed.

Nilingon ko kung sinong nag hablot non sakin. As I expected. It was Yelo the great.

"Next time, wag kang makialam kung hindi mo gamit!" He shouted from top of his lungs.

"Problema mo ba ha! Inaano ba kita? Kanina pa talaga ako nababanas sayo eh! Kung hindi mo ba naman kasi ako isinama sa bahay mong 'to hindi ako masusugatan! Hindi ko rin mapapakialaman yang tangina mong gamit! Shuta ka! Maka-alis na nga!" I shouted too. Akala niya siya lang marunong sumigaw. Shuta! Ngayon lang ako nagalit at naka sigaw ng ganito.

Kinuha ko yung shoulder bag ko at padabog na lumabas ng bahay na 'yon. Ang ganda ganda ng bahay pero yung may ari, duh!

"Manong paki bukas yung gate!" Sigaw ko sa manong guard na natutulog ng naka upo sa guard house. Nagising naman siya at agad na binuksan ang gate.

Ewan ko ba kung sa'ng lupalop ng mundo ako ngayon. Naglalakad pa rin ako. Wala kasi akong makitang taxi na gumagala dito.

Urgh! I'm tired. Umupo muna ako sa gilid ng kalsada para makapag pahinga. I already texted Cassy. My sister to fetch me. At pano ko nabigay yung address? Kinunan ko lang ng litrato yung subdivision. Alam agad ng babae'ng 'yon. Galera.

I covered my face using my hands to calm myself down.

When I feel that I'm okay. I put my hands down but i feel something wet on my face. I touch it and when i saw it, I shout as loud as I loud as I can.

It's blood! I hate blood!

I shout and shout until everything went black.

To be continued...

His Disappearance And Their Encounter Where stories live. Discover now