Chapter 34:Never Mind

7 5 0
                                    

Never mind

Cassandra Kim's Pov

Naligo agad ako pagka tapos kung kumain. Pagod at Antok na antok na ako ngayon. Pag katapos kong mag-ayos para matulog na ay humiga na ako sa kama. Naka tagilid ako, naka harap sa cellphone na nasa side table ko. Kanina ko pa rin iniisip kung mag rereply ba ako kay Roi o hindi. Pero huli na nang malaman ko kung anong desisyon ko ng nilamon na ako ng tuluyan ng antok.

Kinabukasan ay tanghali na akong na gising. Nilingon ko agad ang alarm clock sa study table upang tignan kung anong oras na. Napa balikwas agad ako ng bangon ng matanaw kung anong oras na.

Shit! It's already 1 in the afternoon!

Tumayo na ako at inipit ang buhok bago inayos ang higaan. Nakakahiya kung ang mga kasambahay pa namin ang mag aayos gayong alam ko naman kung paano. Pagka tapos kung ayosin ang higaan ko ay dumiretso na ako sa banyo para sarili ko naman ang ayosin ko. Isang oras ang ginugol ko sa pag-aayos ng sarili, mamayang 3 pa naman ang pasok ko. May isang orang pa akong mag lunch.

Lumabas na ako sa kwarto. Sinubukan kong buksan ang kwarto ni Cassy kung naka lock ba ito o wala. Pero nang ma buksan ko ito ay alam ko nang wala na siya roon. Ni lolock lang ni Cassy ang kwarto niya kapag nasa loob siya. Baliktad ang isip niya kaya hayaan na lang natin. Dahan-dahan kong sinara ang pinto ng kwarto niya tsaka nag pa tuloy sa pag baba ng hagdan.

Nagulat ako nong madatnan pa rin doon ang mga bodyguards ng Yelo'ng Ulol na iyon. Akala ko'y kagabi lang sila mag babantay pero bakit nandito pa rin ang mga 'to. Naka kalat sila sa buong sulok ng bahay namin.

"Good morning, Ma'am." bati sa akin ng isang bodyguard ng madaanan ko ito. Nahihiya akong ngumiti at binati rin siya pa balik.

"Good morning rin po." sinabi ko at yumukod pa upang mag bigay galang, base kasi sa mukha niya ay matanda pa siya sa akin.

Tumuloy na ako sa kusina, pero bago pa man ako makalayo sa bodyguard na bumati sa akin ay may kinausap ito. Hinawakan niya pa ang parang earphone na naka sabit sa tenga niya.

"Kakain na po siya ng tanghalian, Sir." sabi nito na kahit wala sa harap ang kausap ay yumukod pa ito upang mag paalam.

Hindi ko na lamang pinansin iyon at tuluyan ng pumasok sa dining area.

"Kakain na po kayo, Ma'am. Ako na po ang mag hahanda ng pagkain niyo kasi wala po dito si Manang, nag grocery po." nagulat ako sa biglang pag sulpot ng isa sa mga kasambahay namin. Napa hawak pa ako sa dibdib dahil sa gulat. "Sorry po." sabi nito ng mapansin ang pagka gulat ko sa presensya niya, yumukod pa ito upang humingi talaga ng paumanhin

"Okay lang," nginitian ko siya. "Oo, ako na ang mag hahanda ng pagkain ko." sabi ko at ngumiti ulit. Gulat na expression ang nakita ko ng inangat niya ang paningin sa akin.

"A-ako na p-po." nauutal na sabi nito at binalik ulit ang pag yukod. Ginulo ko ang buhok no Eizyl dahil sa inakto niya.

"Hahaha, ano ka ba Eizyl. Pag sinabi kong ako na, ako na." natatawang sambit ko sa kanya. Inangat naman nito ang ulo.

"Pero -." hindi ko na pina tapos ang sasabihin niya.

"Mag handa ka na lang, baka ma late ka sa klase mo." sinabi ko sa kanya saka binawi ang kamay na gumugulo sa buhok niya. Na sobrahan ata sa pag gulo. Umayos ako ng tayo sa harap na na siyang dahilan ng pagka bigla niya. Inayos ko ang buhok niya na ginulo ko kanina. College na rin si Eizyl tulad namin ni Cassy. Pero siya, first year pa lang, habang kami naman ni Cassy ay third at fourth na. Scholar ni Mommy si Eizyl, matalino si Eizyl, kaya sayang kong hindi siya mag aaral ulit. Naka tigil kasi siya sa pag-aaral ng mamatay ang Papa niya sa sakit. Kaya dinala siya ni Manang dito sa amin. Kapatid ng papa niya si Manang kaya kinupkop na siya nito ng malamang ulila na si Eizyl, bata pa lang kasi raw ay wala ng mama si Eizyl. Kaya naawa si Manang kasi wala na itong magulang. Hindi naman nag dalawang isip si Mommy na hayaan si Manang ipatira dito si Eizyl kasi mabait naman ito. At nang masaksihan naming lahat ang angking talino ni Eizyl ay agad siyang pinapasok ni Mommy sa M.U bilang scholar niya.

"A-ah...wala pong pasok ang M.U ngayon, Ma'am." nauuta na sabi nito na siyang ikinabigla ko. Napa tigil ako sa pag-ayos ng buhok niya.

Walang pasok? Bakit?

"Bakit?" nagtataka kong tanong at binawi na ang kamay.

"K-kasi po...may natagpuan pong limang bangkay sa abandonang building don sa likod ng M.U po." nauutal pa ring sabi ni Eizyl.

"ANO?!" gulat kong sambit. Tumango lang ito bilang sagot, nagulat at sa biglang pag sigaw ko.

"Ibinalita po iyon kaninang umaga. Kaya po dali-daling nag message ang mga professor sa estudyante sa M.U." paliwanag niya pa. "Hindi po ba kayo naka tanggap ng message, Ma'am?" napalingon ako sa kaniya sa tawag niya sa akin.

"Ano ka ba Eizyl. Wag mo nga akong tawagig Ma'am. Mas prefer ko yung Ate." sambit ko sa kaniya. Tumango lamang ito. "Tsaka hindi ko pa na check ang cellphone ko mula nong magising ako. Sige, salamat. Magpa hinga ka nalang sa kwarto mo." saad ko sa kaniya.

"Sige po...Ate." pagkatapos niyang sabihin ang huling salita ay walang lingon-likod itong dumiretso sa kwarto niya.

Napa ngiti na lang ako sa inakto niya. Mahiyain talaga.

Yun ang first impression ko kay Eizyl nong ipakilala siya sa amin ni Manang. Paano ba naman kasi, naka yuko lang ito.

Nilagay ko muna sa Dining table ang cellphone bago dumiretso sa refrigerator upang tumingin kung anong pwedeng makain. Konti lang ang laman na bumungad sakin sa refrigerator. Oo nga pala, nag gogrocery pa lang si Manang. Hindi naman ako gutom. Nag lalaway agad ang bagang ko ng masagi ng paningin ko ang chocolate cake. At yon ang napag desisyonan kong kainin ngayon. Nag slice lang ako ng cake at ibinalik na ito sa refrigerator, kumuha na rin ako ng juice upang pang pares sa cake.

Naka ngiti akong bumalik sa dining table, ilalapag ko na sana ang hawak kong cake at juice ng  may napansin akong isang bodyguard ang naka tanaw sa akin.

Nahihiya kong itinaas ang cake at juice na dala upang alokan ito. Pero nginitian lang ako nito tsaka na iling. Tumango lang din ako tsaka nilapag ang dala ko sa dining table. Bago pa man ako maka upo ay natanaw ko 'yong bodyguard na inalokan ko kanina na may kinausap sa nakasabit sa tenga neto, tulad nong ginawa nong bumati sakin kanina.

Napa buntong hininga lang ako at na upo na.

Never mind.

To be continued...

His Disappearance And Their Encounter Where stories live. Discover now