Tiklop sa Boss
Stephanie Shine's Pov
"Okay lang hahaha." usal ni Kuya Jayson sa tabi ko at nilagay ang cellphone niya aa bulsa niya bago lumingon sa akin na may malaking ngiti. Kanina lang ay naluluha na siya tapos ngayon ngiting aso na, ayos ka pa ba niyan kuya? "At least nakita na ni Van-Van," dagdag pa ni Kuya Jayson bago nilingon ang namumutlang si Kuya Ramil. Nilingon ko rin si Kuya Ramil at nahihiyang nag peace sign dahil sa ginawa, hindi ko pina halata ang gulat sa mukha ko ng napansin kong sa akin lang siya tumingin kanina, kahit nong pini picturan ko sila.
"Rest in peace, bro." pang-aasar ni Kuya Jayson kay Kuya Ramil bago nag lakad papasok ng bahay. Natawa naman ako sa sinabi nito saka lang nilapitan ang bisita kong si Kim.
"Let's go inside?" usal ko sa kanya ng nasa tapat niya na ako.
"Ngayon mo pa naisipang papasokin 'yang bisita mo eh kanina pa yan naka tayo dyan." sambit naman ng katabi ni Kim na si Kuya Ramil. Nilingon ko siya ng naka simangot.
"Ikaw naman kasi Kuya eh, pa hawak hawak ka pa." parang batang pag susumbong ko.
"Tss," usal niya at ginulo ang buhok ko. "Do whatever makes you happy." maka hulugang sabi ni Kuya Ramil bago lumakad papasok sa bahay. Nangiti naman ako sa sinabi niyang iyon kay nilingon ko ang likod niya tsaka sumigaw ng...
"Thank you Kuya. I love you pooooo!" malakas na sigaw ko na sigurado naman akong rinig niya dahil napa hinto pa ito sa pag lakad. Nilingon ko na lang ulit si Kim na parang baliw na naka ngiting mag-isa, habang ang paningin ay naka toon sa papalayong likod ni Kuya Ramil.
"Hoy! Para kang tanga dyan!" sambit ko at sinabit na ang braso sa braso niya. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Ang ganda niya sa suot niyang floral dress ngayon. Kahit ano namang suotin niya ay maganda siya. Straight ako guys kaya wag kayong mag-alala. Ako ata ang president ng #KimRoi Fans Club.
"Wala ka bang napapansin kay Ramil?" bigla ay tanong ni Kim na naka ngiti oa rin ng mag lakad na kami papasok sa bahay.
"Ano namang ka pansin pansin kay Kuya Ramil?" nag tataka kung tanong sa kanya.
Bukod sa mala-greek god na kagwapuhan ni Kuya Ramil at matipunong katawan ay wala na akong napapansin pa na iba.
Tumigil si Kim sa pag lalakad kaya 'matik na napa tigil rin ako kasi naka angkala sa braso niya ang braso ko. Tinignan niya ako ng seryoso, na para bang sinusuri ang mukha ko. Ano bang nangyari kay, Kim?!
"K-kim?" nauutal kong tawag sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako na uutal. Napa iling-iling siya na para bang may hindi siya kumbinsido o hindi naniniwala sa kung ano man anf iniisip niya. Na loka na ata ang babaeng 'to.
"Never mind." sani niya lang at nag simula na ulit mag lakad. "Saan tayo?" bigla ay tanong niya ulit na wala naman sa akin ang paningin.
"Sa kwarto." naka ngiti kong sambit sa kanya kahit hindi naman niya nakikita. Panay ang pag titingin niya sa paligid na para bang may hinahanap.
Mwehehehe, are you looking for my dumbass brother, Miss Cassandra Kim Saavedra?
Kinikilig agad ako sa isiping iyon. Akala ko talaga ay wala ng pag tingin si Kim kay Kuya. Pero may pag tingin ba si Kim kay Kuya bilang si Roi o bilang si-.
Hindi ko natapos ang iniisip ko ng maramdaman ko ang pag vibrate ng hawak hawak kong cellphone. Napa hinto ako sa pag lalakad, ganoon rin si Kim at sinilip ang naka off ko pang Cellphone. Naramdaman niya rin ata ang pag vibrate nito dahil naka dikit ang cellphone ko sa balat ng kamay niya. Excited kong in-on ang cellphone upang tignan ang message na akala ko'y galing kay Kuya pero hindi pala, galing lang naman sa isang professor. Tss. Akala ko si Kuya na eh, sinend ko na kay Kuya yung pictures nina Kim at Kuya Ramil para may makuha akong reward. Naalala ko kasi ang paalala ni Kuya nong tinawagan ko siya upang ipaalam sa kanya na pupunta si Kim sa bahay. Sa una ay hindi pa ito pumayag kesyo may nag tatangka pa rin sa buhay ni Kim. Actually, alam ko naman na hindi si Kim ang hinabol ng mga asungot na iyon kagabi kundi si Kuya. Pero kailangan pa ring maka siguro, baka malaman ng mga kalaban ni Kuya na malapit si Kim kay Kuya, sobrang lapit. At sabi niya pa at bibigyan niya ako ng reward kapag may ma isusumbong ako sa kanya na pinopormahan ng mga pinsan'ng Buenavista 'kuno' ang Mrs. niya. Oo, alam ko, ang feeling ni Kuya sa part na iyon. Kaya nong makita kong naka hawak ang kamay ni Kuya Ramil sa kamay ni Kim ay agad ko silang kinunan ng picture. Kahit alam ko naman na inalalayan lang ni Kuya Ramil si Kim. Syempre, dahil may gusto akong bilhin ay binigyan ko iyon ng malisya kahit wala naman talaga, huhuhu feeling ko ang sama kong kaibigan. Sorry, Kim. Pero parang wala namang alam si Kim eh kaya okay lang hihihi. Tsaka sabi naman ni Kuya Ramil na...
'Do what makes you happy.'
Ang sweet talaga ni Kuya Ramil kaya crush na crush ko siya eh, syempre bilang Kuya at kaibigan. Kasing edad lang ni Kuya ang mag pinsan kaya nong ipinakilala sila ni Kuya sa akin ay hindi ako nag dalawang isip na Kuya ang itawag sa kanila. Umayaw pa sila nong una kasi, ako pa raw yung mukhang matanda sa kanila.
Napangiti ako sa ala-alang iyon.
"Oy! Bakit ka kinikilig dyan?" sabi ni Kim na nagpa balik sa akin sa reyalidad. "Sino yan?" dugtong niya pa at bahagyang sinilip ang cellphone ko. Sumilay agad ang ngisi sa labi niya ng mapag sino ang nag text sa akin.
Ow shit! She misunderstood eh.
Pabiro ko nalang siyang inirapan at nauna nang mag lakad. Inasar niya lang ako hanggang sa umabot kami sa taas. Napa tigil lang siya sa pang aasar ng madaanan namin ang kwarto ni Kuya, nag aakalang nasa loob si Kuya. Siya naman ang tinignan ko ng naka ngisi ngayon.
"Oh! Bakit tiklop ka dyan hahaha?" nang aasar kong tanong. At siya naman ang pabirong umirap sa akin at nauna nang pumasok sa kwarto ko na nasa tabi lang ng kwarto ni Kuya. Hahahaha.
Wala ka pala Kim eh, tiklop sa boss. Kung alam niya lang... Kung alam niya lang na wala si Kuya sa kwarto hahaha.
Mas lalo pa akong natawa sa isiping iyon. Shit! Hahahaha.
To be continued...
![](https://img.wattpad.com/cover/235886191-288-k807345.jpg)
YOU ARE READING
His Disappearance And Their Encounter
Fiksi RemajaFor the past years of Josua 'Wang' Law Sy's sudden disappearance, Cassandra Kim Saavedra is still into him. She promised that she would never enter a relationship if it's not Wang. But then, a guy came into her life, this guy named Jevannie Roi Chua...