Chapter 18: The Chats

13 10 2
                                    

Cassandra Kim's Pov

"Put your seat belt on, please." biglang sabi niya na nagpabalik ng wisyo ko.

"U-uh, y-yeah." nauutal ko'ng saad at dali-daling isinuot ang seat belt.

Napalingon ako sa likod ng may narinig akong hagikhik. Shine with her nakaka inis na tawa.

Take your time, Shine.

Inirapan ko lang siya at tumingin nalang sa labas ng bintana. Pinaandar na ni Yelo 'yong sasakyan at nagsimula nang magmaneho.

Ilang minuto lang ay nasa village na kami. Grabe naman kasi mag maneho ang isang' to, akala mo nasa karera.

"We're here." sabi ko ng nasa harap na kami ng gate namin. Nilingon ko si Shine na nasa likod namin, magpapa alam na sana ako sa kanya ng makita 'kong na nakatulog na pala siya.

"Uhm," sabi ko at lumingon kay Yelo na nakatingin rin sa kapatid niya'ng natutulog. "Thank you for the ride, paki sabi rin kay Shine na salamat rin." halata man o hindi, nauutal akong sabihin ang mga salitang iyon. Hindi ko alam kung bakit ako nagkaka ganito.

Parang tanga ka Kim!

Akmang bababa na ako ng bigla niya'ng hawakan ang braso ko. Lumingon ulit ako sa kanya ng may pagtataka sa mukha.

"Y-yes?" nauutal na saad ko.

"U-uh, wala." sabi niya at biglang binitawan ang braso ko.

"Okay." nagtatakang sabi ko at nagpatuloy nang lumabas sa kotse. "Uhm, salamat ulit." sabi ko at isinarado ang pintoan ng kotse.

Naglakad na ako papasok sa gate ng may bigla akong narinig na ingay mula sa likod ko. Pag lingon ko, si Yelo lumabas sa kotse. Tinignan ko siya ng may pagtataka.

"B-bakit?" tanong ko sa kanya.

Para naman siyang nabalik sa katinuan niya at bigla nalang pumasok ulit at nagsimula nang mag maneho.

Anyare don?

Isasara ko na sana ang gate ng may biglang bumusina sa labas. Sinilip ko kung sino ang nasa labas, at nang makilala kung kanino'ng kotse iyon ay binuksan ko ang gate upang makapasok ang kotse nina Mommy at Daddy.

Akala ko ba may pupuntahan pa sila?

"Hey Mom, akala ko ba may pupuntahan pa kayo?" tanong ko kay Mommy nang makalabas siya sa kotse.

"U-h... A-ano anak, kasi... U-uhm..." nangangapang sagot niya.

I knew it!

"You planned it right?" tanong ko sa kaniya na nginitian lang niya.

"Hihihi, sorry na baby." saad niya pa.

"Hayst, Mommy naman e. I don't like Yel---Jevannie." sabi ko kay Mommy pero binigyan niya lang ako ng 'Talaga?' look.

"Ugh! Whatever," naiinis kuno kung saad. "Good night, Dad and Mom." paalam ko at hinalikan silang pareho sa pisnge at dali-daling naglakad papasok ng bahay.

Dahan-dahan kong sinarado ang pinto ng kwarto ko. Ibinaba ko yung purse ko at inalis na yung mga kolorete sa mukha.

Papasok na sana ako sa CR para mag half bath ng biglang nag vibrate yung cellphone ko na nasa loob ng purse.

Kinuha ko 'yon at chineck kung sino ang nag text.

From: Yelo'ng Ulol
Message: Are you already asleep?

Akala ko namalikmata lang ako sa nabasa ko, hindi pala.

To: Yelo'ng Ulol
Message: Hindi pa. Mag ha-half bath pa ako ngayon. Btw, naka uwi na kayo?

His Disappearance And Their Encounter Where stories live. Discover now