Kabanata 29

79 3 1
                                    

A/N: SORRY FOR THE LONG OVERDUE.... LAST 2 CHAPTERS LEFT AND WE WILL SAY GOODBYE TO JOSH FAJARDO (JF).... BUT HEY, I'LL START MY NEXT STORY OF BA THIS COMING WEEK.. SO LG HERE WE GO ;)

KABANATA 29

Agad kong pina-alam kay Logan kung sino ang Gracie na kaibigan ni Jermille at yong Gracie na kilala ko ay iisa at tama nga ako iisa lang sila. Magaling mag-research itong si Logan kahit na ang kursong kinuha niya ay Architecture. Hindi na ako nagulat sa resulta dahil inaasahan ko na nga iyon. Hindi parin ako tumigil sa pagtetext sakanya dahil ito ang way ko para mapalapit sakanya kahit di man lang sa personal.

Nakausap ko na rin siya ng tumawag ako at naririnig ko nga na parang umiiyak siya. Sinabi nyang broken hearted siya isang lalaki at mukhang hindi si John Paulo ang tinutukoy niya kung ganun ay wala syang nararamdaman rito. Pero bakit parin nito hinahayaan na ligawan siya nito kung wala naman pala syang  nararamdaman dito.
Pero bakit nong naririnig ko syang umiiyak ay parang bumibigat ang kalooban ko?

Mamayang gabi na pala ang Rivermaya concert. Siguro ay iyon na rin ang pagkakataon na dapat na akong magpakilala sakanya. So I texted her na kung pwede kaming magkita roon sa may School at pumayag naman siya. Napangisi ako. This time makikilala mo na rin ako, Gracie.

Kinagabihan ay agad akong nagtungo kasama ang ibang myembro ng Black Assassin. Di namin kasama si Callix dahil nauna na syang nagtungo roon. Nasa may NLU Avenue na kami at dinig na dinig na namin dito ang tugtog ng banda. Marami na ang tao sa harapan at nanood. Nagsiwala na ang mga ibang ka-myembro ko at naghanap ng makakasama. Naupo lang ako sa isa sa bench dito sa may SP. Madilim at ang tanging ilaw lang ay ang malilikot na ilaw na iba-iba ang kulay.  Marami ring ma estudyane ang nakikisabay sa kanta ng banda at saka kumukuha ng picture o kaya ay video. Kanina pa ako palinga-linga rito at hinahanap ang babaeng yon pero di ko siya makita. Sabi niya ay kanina pa siya rito at kasama niya ang kaklase niya.  Nakadalawang kanta na ang banda pero di parin niya ako tinitext kaya naman napagpasyahan kong magtungo sa may CR ng NH. Actually di doon sa CR mismo doon lang sa tabi kung saan wala masyadong ilaw. Pero nakita ko si Callix na may kaaway na lalaki.

Agad akong tumakbo para awatin sila. D@mn. Anong nangyayari kay Callix at dito pa talaga siya nakikipag-away.

“Tama na, Callix. Baka may makakita pa sainyo” awat ko sa dalawa.

Tumingin pa ng masama ang lalaking nakabangga ni Callix pero agad ding umalis. Binalingan ko si Callix. “Anong problema?” tanong ko. Pano kasi ay good mood siya kanina pero ngayon ay busangot na ang mukha niya. Tinabig niya ang kamay kong tumatapik sa balikat niya at saka na ako iniwan doon. Napatingin ako sa babaeng nasa likod ko pero agad ding naglaho dahil dumiretso siya ng CR. Si Gracie iyon alam ko.

Agad akong sumandal sa may pader at hinintay syang lumabas mula sa CR.

Nang mainip akong hintayin siya ay agad ko syang tinext.

I’m here at NH building

Agad kong naramdamang nagtext siya ng nagvibrate ang cellphone na hawak ko.
San ka? Andito rin ako sa NH. Sa CR.

Hindi na ako nakapaghintay na sabihing andito ako kaya tinawagan ko na lang siya.
“Look at your right” agad syang napalingon sa direksyon ko. Gulat ang ekspresyon ng mukha niya.

Alam ko na di siya makapaniwala na ako yong katext niya ngayon.  Nang tawagin niya ang pangalan ko ay napangisi ako. Lumapit na ako sakanya dahil mukhang wala syang balak na lapitan ako. “Hi Gracie”

Tulala parin syang nakatingin sakin. Akala niya siguro ay ordinaryong estudyante lang ang makikilala niya. Halos di parin siya makapaniwala sa nakikita niya na ako at si Jojo na katext niya ay iisa.

B.A.S 2: A Letter Love Story (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon