KABANATA 20
Dinala niya ako sa may River Cruise. Malapit lang yon dito sa may school. Buti na lang at di niya pinaalala yong nangyari kanina. Shet. Nahihiya ako kanina habang nakasakay ako sasakyan niya at nakangisi lang siya habang nagda-drive. Gusto ko ay kainin na ako ng lupa non eh. Hiyang-hiya talaga ako.
Nakatanaw lang kami sa may river cruise. Maganda to dati eh kaso ngayon pumanget na siya.
“Bakit tayo andito?” tanong ko sakanya habang nakaupo kami sa may sementadong upuan doon at nakatanaw sa mga Bangka na nagdadaan.
“Wala lang. Tahimik dito. Last day na ng klase ngayon. Sembreak na pala” sabi niya.
“Oo nga. boring na naman sa bahay” sabi ko. Sembreak na at wala na namang magagawa sa bahay kundi ang utusan ako ni Mama.
“I’m gonna miss you”
Napangat ako ng tingin sakanya. Nakatitig siya sakin kaya feeling ko ay natutunaw na ako. Kinagat ko ng mariin ang labi ko para pigilan yon sa pagngiti. Bakit ba siya ganyan? Masyado niya akong pinakikilig sa simpleng sinasabi lang niya.
“May cellphone naman ah. Di mo rin ako mamimiss” sabi ko sakanya.
“Iba parin pag nakikita kita” sabi niya.
Hindi na lang ako kumibo. Sobrang lakas parin ng tibok ng puso ko.
“Gabi na” sabi ko sakanya at saka tumayo.Naramdaman ko na tumayo at hinawakan niya ang kamay ko.
“Gracie”
Napatingin ako sakanya. “Bakit?” tanong ko naman.
Naramdaman ko na lang ang kamay nyang nakayakap sakin.
“I’m dead serious. I’m gonna miss you. Kung pwede lang araw-araw kitang makita eh” sabi niya.
Natawa naman ako. Ang adik lang. “Baliw. Halika na umuwi na tayo” sabi ko at saka kumalas sa yakap niya.
“Tell me, Gracie. Are you falling in love with me too?” tanong niya.
Nangangapa ako ng tamang sasabihin. I admit may nararamdaman na ako kay Jojo pero ayoko pang sabihin dahil di pa ako ganon kasigurado.
“Okay lang.” sabi niya saka na ako hinila patungo sa sasakyan niya. Naramdaman ko na tahimik siya habang nagmamaneho. Kumain muna kami sa Yellow Cab. Treat daw niya. Nakakahiya nga eh. After non ay umuwi na rin kami.
Kinagabihan ay di ulit ako makatulog dahil sa tanong niya. I want to assess myself. Parehas ang nararamdaman ko sakanya sa naramdaman ko noon kay Joseph at alam ko na mahal ko na si Jojo pero masyado pang maaga para sabihin yon. Ayoko pang sumugal. Masaya ako na ganito kami. Na nililigawan niya ako.
Humiga na ako dahil dinadala na ako ng antok. Ala-una na pala. Late na masyado ng gusto ko ng matulog ng mag-ring ang cellphone. Pikit mata ko yong sinagot.
“Hello”
“Hey. You’re still awake?” tanong ng nasa kabilang linya.
“Jojo?”
Tumawa siya at saka “Yeah. Di ka makatulog?” tanong niya.
“Patulog na nga eh. Bakit ka napatawag?”
“I just miss your voice” malambing na sabi niya.
BINABASA MO ANG
B.A.S 2: A Letter Love Story (FIN)
RandomStory written by Leafika Jaey © 2014 SIDE STORY OF WSLS