KABANATA 9
Inaya niya akong maupo sa may Old Stage at nasa harapan namin ay ang NLU Forest. Hindi na masyadong maingay sa parte namin di katulad sa NLU Avenue kung saan ginaganap ang Concert ng Rivermaya. Buti na lang at nakapants ako at pwede akong sumampa paupo rito sa may Old stage.
Magkatabi kaming nakaupo rito. Medyo awkward dahil di ko alam ang sasabihin ko sakanya. Okay lang sana kung sa cellphone pero yong nasa tabi ko na siya at saka siya pa si Josh Fajardo yon ang mas nakakapag-awkward sa sitwasyon naming dalawa ngayon.
Tumikhim ako para matanggal ang bara sa lalamunan ko. Gusto kong magsalita. Makipag-usap sakanya pero hindi ko alam pano ko sisimulan.
“Kamusta?” tanong niya sakin kaya naman napatingin ako sakanya.
Matangos yong ilong niya at saka di parin nawawala yong dimple niya dahil nakangiti siya sakin.
“Ayos lang naman. hmm ikaw?”
Nag-iwas ako ng tingin. Tinuon ko ang paningin ko sa mga taong nasa may SP. Mayroong nakaupo at naglalandian at yong iba ay solo flight lang. Kita ko sila rito pero sila alam ko na di nila kami nakikita dahil dito sa may old stage ay walang ilaw. Tanging liwanag lang ng poste ng NLU forest na nasa malayo namin ang nagsisilbing ilaw namin dito.
“I’m good.”
“Di ko akalain na… na ikaw pala si Jojo. Lagi kitang nakikita sa SP tapos nagkabanggaan pa tayo minsan. Siguro di mo alam na ako yon kaya siguro ay di mo ako napansin” sabi ko sakanya.
Pinaglaruan ng kamay ko yong hawakan ng zipper ng bag ko. Di ako mapakali habang sinasabi ko yon. Medyo tinamaan ako ng hiya. Di ko alam ang sasabihin ko.
“Nakikita nga kita. How about your feelings towards the guy?”
Natawa ako sa tanong niya. Kay Joseph?
“Wala na iyon. Matagal na yon noh. Naka-move on na ako. Sabi mo nga diba he’s not worth it. So bakit ko pa siya iiyakan?”
Tinapik niya ang balikat ko. “That’s good” Dahil sa ginawa niya feeling ko ay may sparks akong naramdaman.
Maya-maya ay nagkwentuhan pa kami. Tungkol sa family namin. Nalaman ko na anak-mayaman siya dahil inaya niya akong ihatid niya ako sa amin. Nasa may parking lot daw ang sasakyan nya.
11pm na kaya naman marami na ang nagsiuwian na dumalo sa concert ng Rivermaya. Di ko na rin nakita sina Ange o kahit pa si John Paulo. Actually ay di sana ako uuwi ngayon sa amin dahil sinabi ko na makikitulog na lang ako pero mapilit si Jojo na ihatid ako.
Sabay kaming naglalakad sa may NLU Avenue. May nakasabayan pa kaming mga tao na puwi na rin. Napapatingin sila sakin siguro dahil kasama ko ngayon si Jojo na member ng Black Assassin. May mga taong nagsisitaas ang kilay sakin. Di lang naman kasi si Callix ang crush ng mga babae at binabae sa school na ito. Lahat yata ng Black Assassin ay crush nila. Syempre lahat naman kasi sila ay pawing nagsisigwapuhang nilalang ng school.
Nakita ko ang sasakyan nyang Toyota 86 na kulay red. Nalaman ko na yon ang sasakyan niya dahil pinailaw niya iyon gamit ang car key niya. Medyo nahihiya akong sumakay sa ganitong kagarang sasakyan kaya ng alukin niya ako ay “Wag na, Jojo. Malayo yong sa amin” sabi ko sakanya.
Pero di siya natinag dahil hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya papasok sa passenger’s seat. Pagkaupo ko roon ay sinarado na niya ang pinto at saka siya umikot para makasakay sa driver’s seat. Ang bango ng sasakyan niya.
BINABASA MO ANG
B.A.S 2: A Letter Love Story (FIN)
RastgeleStory written by Leafika Jaey © 2014 SIDE STORY OF WSLS