Kabanata 19

62 2 0
                                    

KABANATA 19

Ang aga naming pumasok ngayon kahit napuyat ako kagabi dahil di ako nakatulog sa sobrang kilig. T@ng-*na. Di ko kinaya ang kilig overload kahapon nang sabihin yon ni Jojo. Hanggang ngayon ay kinukulit niya parin ako sa text na maghihintay siya sakin. Di ko alam ang plano niya. Pero natutuwa ako kasi nag-eefort syang pumasok kahit walang pasok para makita lang ako.

Lutang ako habang nasa may SP at hinihintay matapos ang naunang grupo na nagpass ng thesis for book binding. Samantalang naka-cross fingers naman sina Oje at Jerm para matanggap ang thesis namin at di na kami bumalik pa bukas.

Nang makapasok na kami sa loob at chineck ni Sir ay may binago lang sila tungkol sa Approval Sheet. Spacing lang ang problema kaya sina Jerm at Oje ang nagpunta ng computer shop para ayusin yon dahil nakay Jerm ang USB kung saan nakalagay ang thesis namin.

Pagkabalik nila ay binigay na namin yon kay Sir at sa wakas ay tinanggap na nila. Nagtambay pa kami sa SP dahil ayaw pa naming umuwi. Nagtaka pa nga ako kay Jerm dahil hindi siya uuwi ng maaga ngayon.

“Himala di ka uuwi ng maaga ngayon” sabi ko sakanya. Dati-rati ay uuwi agad yan lalo na at 11am na at malapit na ang lunch time.

Ngumiti siya at halatang kinikilig ang bruha. Sino kaya ang dahilan bakit andito pa ang babaeng ito. Tinanaw ko sa malayo si Callix na cool na naglalakad palapit sa amin. Akala ko ay si Jojo na yun. Hays. Saan na kaya si Jojo.

Tinignan ko si Jerm mukhang di niya nakita si Callix kaya naman siniko ko siya. “Ayan na syota mo” Nangingiting sabi ko.

“Hindi” sagot niya. In denial pa tong babaeng to. Kung di niya syota edi gusto na niya si Callix base na rin sa pagtingin niya kay Callix na naglalakad palapit na sa amin.

“Boyfriend mo si Callix?” tanong naman ni Aljon na nasa tabi ni Lena.

“Hindi” sagot ulit ni Jerm.

“Denial” narinig kong sabi ni Oje. Napatawa tuloy ako.

“Sige alis na kami” sabi ni Jerm at kinuha ang bag niya. “Kita na lang tayo sa enrollment” sabi niya.

“Sige text text ha” sabi naman ni Lena.

“Kaya naman pala ayaw umuwi agad kasi may date” sabi ko. Kainggit buti pa siya may date. Asan na ba kasi yong ka-date ko? Weh? Date agad? hahaha.

“Hahaha, Baliw. Sige bye bye” sabi niya saka sumama kay Callix at nagtungo sila sa may back gate.

Mula sa back gate ay natanaw ko ang pigura ni Jojo na may kausap na babae. Nakatalikod si Jojo habang hawak ito sa braso ng babaeng tourism na yon. Siya yong babae na nang-away sakin. May pinag-uusapan sila na kung ano.

“Gracie, di ka pa uuwi? Pupunta ako ng Nepo. Sama ka?” tanong ni Ange sakin.

“Sama na rin ako” sabi ni Oje.

“Sama ka na” sabi naman ni Ange na hinihintay ang sagot ko.

Napatingin ako kay Jojo na kausap parin ang babaeng yon. Mukhang busy naman siya eh. Mukhang wala naman sakanya yong usapan namin. Nalungkot ang puso ko. Umasa na naman kasi ako.

“Sige” sabi ko naman at hinintay si Ange na magretouch. Di ko na muling tinignan pa si Jojo.

Nakalabas na kami at lahat. Ni wala man lang akong natanggap na text sakanya. Nakakainis pero ang sakit lang sa puso na umasa ako na totoo yong sinabi niya sakin kahapon.

B.A.S 2: A Letter Love Story (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon