Kabanata 17

71 2 0
                                    

KABANATA 17

Di naman first time na nakapunta ako ng Kwatro dahil nakapunta kami rito noon nila Oje last CSS night pero di kami nagtagal dahil gabing-gabi na at medyo boring at wala pa akong pera dahil naiwan sa place na pagtutulugan sana namin kaso nauwi sa pagtulog sa ibang boarding house ng kaklase namin. Marami-rami ang tao ngayon na nag-iinuman halos lahat ay puro lalaki. Malakas din ang tugtog na pang-disco.

“Sinong may birthday?” tanong k okay Jojo habang hawak niya ang kamay ko at nilalakad namin ng papasok ang Kwatro. Malaki iyon kaya naman di ko alam kung saan panig ba kami uupo.  At saka hindi ko rin alam bakit hawak niya parin ang kamay ko hanggang ngayon para namang mawawala ako.

“Si Callix” sagot niya.

Birthday ni Callix ngayon? Alam kaya yon ni Jerm? Paniguradong hindi. Wala naman syang sinabi sakin kanina eh. Paniguradong umuwi na yon.

Nagpunta kami sa may dulo kung nasaan ang mga kaibigan ni Jojo.Ang Black Assasin. Kumpleto sila except the birthday boy himself, Callix Montenegro III.

“Chicks mo pare?” tanong ng isang lalaking nakabonnet at nakangisi kay Jojo.

Agad kong naramdaman ang kamay ni Jojo sa balikat ko. “Back off, dude” sabi niya at saka ngumisi kaya naman nakita ko ang dimples niya.

“Tsk. Possesive” narinig kong sabi ng isang lalaki at nagtawanan sila.

Palokong sinapak siya ni Jojo sa may braso at saka ako tinignan. Di na siya nakaakbay sakin.

“Sit here” sabi niya at pinaupo ako sa isang couch kung saan siya naupo.

Nakita ko syang binigyan ng isang babae ng inumin at agad nyang tinanggap yon. Bakit parang gusto kong sakalin yong babaeng yon dahil sa pagiging flirt niya. Tang-*na pakialam ko kung malaki ang boobs niya sakin. Kelangan ba nyang ipaglandakan yon sa plunging neckline niya. Tsk!

Tinignan ko silang lahat. Yong iba ay may kabulungang babae at yong iba naman ay nagkwe-kwentuhan.

“Asan na ba si Callix?” tanong ng isang lalaki kay Jojo.

“Dunno, di ko pa siya nakikita eh” sagot naman ni Jojo.

Sa halip na makinig sa kaninang chikahan ay tinuon ko ang sarili ko sa cellphone. Bakit ba ako dinala ng Jojo na yon dito kung di naman pala niya ako kakausapin. Kaurat tuloy.

Maya-maya ay narinig ko ang mga bati nila.

“Happy birthday brad”

Di ako luminga. Si Callix lang naman yon eh. Maya-maya ay may nagsalita sa tabi ko.

“Paupo, Miss” sabi niya at saka naupo sa tabi ko.

Nag-angat ako ng tingin at tinignan siya. Si Jermille?

“Gracie, anong ginagawa mo rito?” tanong niya sakin na dapat ako ang magtatanong non. Di naman siya mahilig pumunta sa ganitong lugar. Kasama niya ba is Callix?

“Uy, andito ka rin?” tanong ko naman.

“Kasama mo si Callix?” tanong ko sakanya.

“Oo” sagot niya.

Maya-maya ay inalok ako ni Jojo ng drinks. Umiinom talaga ako. Di naman ganun kadami pero kaya naman. Binigyan niya ako ng Tanduay Ice na kulay red at saka si Jerm naman ang tinanong niya. Syempre alam ko na ang isasagot niya.

B.A.S 2: A Letter Love Story (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon