KABANATA 6
Sunday after mass ay nag-aya si Kuya Chard na magpunta kami ng Robinson para mamili. Syempre hindi ako tumanggi dahil gusto ko rin namang tumingin-tingin ng maaring bilhing damit. Pagbaba pa lamang namin ng jeep ay pumasok kami sa loob ng Mall. Maraming tao dahil Sunday. Inaya agad ako ni Kuya na magpunta ng second floor dahil naroon ang department store.
Habang abala siya sa pagtingin ng mga damit sa Mens wear ay nagpunta naman ako sa kabila para tumingin din ng mga damit na babagay sakin. Malapit ako sa may glass window ng Department store kung saan makikita mo ang mga naglalakad sa labas. Agad akong napahinto sa pagtingin-tingin sa damit ng mahagip ang paningin ko ang pares na naglalakad. Kinailangan ko pang dumungaw para makita ko ng mabuti kung sino ang dalawang iyon. At tama nga ang hinala ko si Joseph nga iyon habang nakahawak ang kanyang kanang kamay sa bewang ng babaeng kasama niya. Kilala ko ang babaeng yon eh. Siya yong nililigawan ni Joseph. Nakita ko na huminto sila sa may pangbabaeng store kaya nakita ko sila ng side view. Maganda yong babae dahil sa make-up nya. Naka-spaghetti strap siya na kulay red at saka naka-denim short shorts na pinares sa strap sandals niya. Nahiya naman daw ako sa suot kong loose t-shirt na may naka-imprint na malaking “AERO” at saka jeans at ang aking black na doll shoes na laging sinusuot tuwing may pasok.
Agad akong bumalik sa pwesto ko kanina dala ang isipan na bakit sila magkasama ng babaeng yon? Di kaya ay sila na? Matagal na syang nililigawan ni Joseph tas ngayon niya lang narealize na gusto niya yong lalaki? Nakakaloka. Agad akong napatingin sa cellphone ko. Mula kanina ay di siya nagtext sakin yon pala ay dahil magkasama sila ng babaeng yon. Okay wala akong karapatang magselos pero masakit kasi na umasa ako na may gusto rin siya sakin eh kaso epic fail hindi naman pala niya ako gusto. Nice. Ang T@nga ko.
“Graxia” tawag sakin ni KUya kaya napatingin ako sakanya. Nakapili na pala siya ng pantalon at shirt niya na dadalhin niya sa Maynila pag-alis niya. Doon kasi siya magre-review para sa board exam niya bilang ECE eh.
Agad na akong sumama kay kuya ng magpunta siya ng counter para bayaran iyon. Hindi na ako nakapamili ng akin dahil sa kaiisip ko kay Joseph na masayang kasama ngayon ang babaeng mukhang pokpok na yon. Grabe. Ganon na pala ang mga type ng mga lalaki ngayon yong halos kita na yong kaluluwa niya sa sobrang ikli ng shorts niya.
“Gutom kana? Kain na tayo” sabi sakin ni Kuya ng makalabas na kami ng Department Store. Mahaba ang pila kanina kaya halos abutan kami ng syam-syam dahil da-dalawa lang ang bukas na counter.
Tumango ako. Napatingin ako sa kaninang pwesto kung saan ko nakita si Joseph pero wala na sila roon. Kaya naman nagpatianod na ako ng sumakay na si Kuya sa escalator para bumaba.
Hinila niya ako sa may Mang Inasal at doon kami kumain ng lunch. After kumain ng lunch ay nag-ikot pa kami tas saka na kami umuwi. Hindi ko na rin nakita ang pagmumukha ng dalawang iyon.
Kinagabihan ay nakita ko ang post niya sa Facebook.
I never forget this day with Boss Villa
Wow. Ha. Nice. Yan ang nasabi ko sa isipan ko habang nakatingin sa post niya na paulit-ulit kong binabasa.
Leche. Agad akong nag-type sa What’s on your mind. Leche. Pwede bang puro mura na lang ang ilagay ko rito? Bwesit. Pero syempre di ko ginawa yon.
Yong katawan na pala ang basehan ngayon para magustuhan mo ang isang tao. Di ako na-inform in demand na pala ang mga hipon ngayon.
Yan ang pinost ko at sa ilang saglit lang ay dumami ang naglike at nagcomment na mga kaibigan at kakilala ko.
Ang sarap magdadag pa ng maraming post para patamaan siya at ang babaeng yon. Kaso wag na lang baka sabihin akong bitter. Well, bitter naman talaga ako.
BINABASA MO ANG
B.A.S 2: A Letter Love Story (FIN)
LosoweStory written by Leafika Jaey © 2014 SIDE STORY OF WSLS