KABANATA 22
Nanganga ata ako dahil sa sinabi niya. Hindi yon tanong isa yong dare. Di ako nakasagot. Napako ang tingin ko sakanya. Time na ba para sagutin ko siya? Pero ang bilis eh.
“Uwi na tayo” sabi niya at saka na siya naunang naglakad kesa sakin.
Sumunod na ako sa kanya palabas. Nakita ko na papalubog na pala ang araw. Mga 5:30 o 6 pm na siguro. Masyado kaming nag-enjoy sa kalalaro at kaiikot kaya di na namin napansin ang oras.
Tahimik lang si Jojo habang nagmamaneho at ako ay nakaupo lang sa front seat.Iniisip ko yong sinabi niya kanina. Di talaga ako nakasagot sa sobrang gulat ko. Oo, nililigawan niya ako pero dib a masayadong maaga pa para sagutin ko siya. Tapos may Maggie pa na atribida sa love story naming dalawa.
Nang nasa may Downtown na kami ay di ko na kinaya ang katahimikan. Tahimik sa loob ng sasakyan tanging buntong hininga ang naririnig ko. Di rin siya nagplay ng radio kaya masyadong tahimik.
“Uy” tawag ko sakanya. Pero di siya lumingon man lang sakin. Engrossed na engrossed siya sa pagmamaneho.
“Uy, Josh Fajardo” tawag ko sa buong pangalan niya.
“Ano?” tanong niya pero may bahid ng kasungitan. Di rin siya lumingon sakin.
“Galit ka ba?” tanong ko.
Narinig ko lang na nag-tsk siya saka tuloy lang sa pagmamaneho. Wala akong nakuhang matinong sagot sakanya. Galit nga ata siya. Dahil doon ba sa di ko pagsagot kanina?
Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Galit nga ata siya. Di ko na siguro kukulitin.Ganun langa ng posisyon ko. Feeling ko magkaka-stiff neck ako sa posisyong ito.
“I’m sorry” narinig kong sabi niya.
Napalingon agad ako. “Galit ka ba?” tanong ko ulit.
“I’m not mad. Maybe I expect too much from you” sabi niya.
Ini-expect niya sasagutin ko siya agad ganun? Kinagat ko ng mariing ang labi ko. Di ko alam ang sasabihin ko eh.
Narinig kong syang bumuntong hininga saka “But I’ll be waiting. Coz I know you’re worth the wait.” Saad niya.
Halos lumabas na mula sa rib cage ko ang puso ko sa sobrang pagtibok nito. Shet. Shet. Shet. Maghihintay daw siya? OMG! OMG! Talaga!
Gusto kong mangisay sa sobrang kilig sa sinabi niya. I am worth the wait daw… OMG.
Pinigilan ko ang sarili kong ngumisi ng malapad. Shet. Bakit ka ganyan Josh Fajardo?
Hanggang sa maihatid niya ako ay pinipigilan kong tumili at ngumisi ng malapad. Seryoso. Feeling ko ay lumublob ako sa blush on at pumupula na ang mukha ko.
Inihinto niya ang sasakyan bago sa tapat ng bahay namin. Ayaw ko kasing makita nila Mama na may naghatid sakin baka mamaya pagalitan ako. Tinanggal ko na ang seatbelt ko at saka lalabas na sana ng sasakyan niya ng magsalita siya.
“Kung anuman yong maririnig mo mula sa iba don’t believe them, only believe in me” sabi niya sa malungkot na boses.
“Ano ba iyon?” tanong ko sakanya.
“I can’t explain it to you right now. Just promise me that you only believe in me”
Tumango na lang ako sa kanya. Bahala na. Kung anuman yon sana… sana walang kinalaman yon sakin. Sana di ako maapektuhan doon.
BINABASA MO ANG
B.A.S 2: A Letter Love Story (FIN)
RandomStory written by Leafika Jaey © 2014 SIDE STORY OF WSLS