Kabanata 10

97 2 0
                                    

KABANATA 10

“Uy, sorry ah.” sabi ko kay John Paulo ng makita ko siya ng paakyat na ako sa 4th floor ng EG Building. Dito rin sila sa building na ito nagkaklase eh kaya naman ng makita ko siya na nakatambay sa labas ng classroom niya ay lumapit agad ako.

Di ko kasi siya nakita kahapon kaya naman ngayon ay kelangan kong mag-sorry sakanya kahit na nag-sorry naman na ako sa text. Baka kasi mamaya ay magalit siya sakin.

“Okay lang. akala ko nawala kana eh” sabi niya.

“Sige. May klase pa ako eh.” sabi ko saka magba-bye na sakanya at aakyat na ng hagdan ng marinig kong tinawag niya ako. Napahinto ako.

“Oh bakit?” nakunot-noo kong tanong sakanya.

“Sabay na tayong umuwi mamaya” sabi niya.

Hindi ako agad nakasagot dahil naisip ko si Jojo na kanina ay nagtext sakin na sabay daw kaming uuwi. Di ko alam kung bakit pero mas pinili ko syang kasama kesa kay John Paulo na matagal ko ng kilala.

“Sorry ah. May kasabay na kasi ako eh. Sige ah.” nagmamadali na akong umakyat baka mamaya ay tanungin pa niya ako kung sino iyon.

Naabutan ko na yong kaklase ko na nasa loob na pero wala pang professor. Naroon na rin sina Ange, Oje at Jerm. Nakitabi ako sakanila habang yong iba ay nakayukyuk ang ulo sa mesa dahil inaantok pa. 7:15 pa lang kasi kaya naman inaantok pa sila.

Maya-maya pumasok na rin ang Sir namin at ang-discuss. Pati na rin sa 2nd subject ay discussion din. Maaga kaming dinismiss kaya may 30 minutes kami para kumain kaya bumaba kami para magtungo ng SP.  Kasama ko si Marian na bumaba dahil mamaya pa raw sina Ange na baba.

Nang nasa SP kami ay nakita ko si Jojo at nakaupo roon. Mag-isa lang siya sa table niya. Gusto kong lapitan kaso hinila ako ni Marian para bumili ng burger. Yong tingin ko ay na kay Jojo parin habang nakaupo roon at nagtetext. Sa may mesa niya ay may Gatorade na kulay red. Nakatutok ang atensyon niya sa may cellphone niya kaya naman hindi niya napapansin na napapatingin sakanya yong ibang estudyante.

“Sino tinitignan mo dyan, Gracie?” tanong ni Marian at saka luminga-linga para hanapin yong tinitignan ko.

“Si Josh Fajardo” kako.

“Oh. kilala mo na siya? Gwapo niya anoh?” sabi ni Marian at kinikilig pa siya habang tinitignan si Jojo. Crush niya ba si Jojo?

“Crush mo siya?” tanong ko agad sakanya.

Umismid siya saka natawa. “Hindi ah. Nag-gwa-gwapuhan lang ako.” sabi niya.

“Yong totoo?” tanong ko sakanya.

“Oo. At saka may crush ako diba. Loyal kaya ako” sabi niya saka nangingiti habang nakatayo kami rito at hinihintay matapos maluto ang burger namin.

“Pano mo nakilala si Josh?” tanong niya maya-maya.

“Katext ko” sagot ko.

“Yong totoo? Weh?”

“Oo nga kasi” sabi ko sakanya at pinakita ko ang palitan namin ng message tas kinwento ko pa sakanya yong nangyari noong  Gabi ng Rivermaya concert kung saan hinatid niya ako. Kilig na kilig naman siya habang nakikinig sa kwento ko.

“OMG! Sparks na yan, Gracie” wika niya saka ako niyugyog.

“Hahaha. I know right” sabi ko saka ngumingiting tumingin kay Jojo.Naroon parin siya pero di na siya mag-isa dahil may katabi syang babae. Nakasuot siya ng uniform ng Tourism. Maganda siya lalo na sa make-up niya at saka maganda rin ang pagkakaayos ng rebounded nyang buhok na hanggang bewang niya.

B.A.S 2: A Letter Love Story (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon