Kabanata 1

263 6 0
                                    

KABANATA 1

Pagsakay ko palang ng bus ay may upuan na agad na bakante sa may tabi ng bintana. Bago ako maupo agad doon ay madadaanan ko muna yong  mag-syota sa gilid na naglalampungan este lambingan pala.  Ang sweet nila sa isa’t-isa at sobra akong naiinggit dahil buti pa sila nakita na nila yong taong magmamahal sa kanila. Eh ako kaya? Minsan pag nakakakita ako ng mga ganitong naglalabingan na mga-syota ay nangangarap ako na sana baling araw matagpuan ko na rin yong taong mamahalin ko at magmamahal sakin yong mararamdaman ko yong tinatawag na sparks. Yong mga katulad ng nababasa ko sa wattpad at mga libro. Hays. Kelan kaya ako magkakaboyfriend ulit?

Well, nagkaboyfriend naman na ako nong 1st year college na ako kaso hindi rin kami nagtagal. 5 months lang kami dahil ayaw ni Mami na magka-boyfriend ako. Dapat aral daw muna bago ang pagbo-boyfriend. Syempre, naiintindihan ko naman si Mami dahil kaisa-isa akong babae sa anim.

Umiwas na lang ako ng tingin ng makaupo ako sa may tabi ng bintana. Para saken di naman masamang mangarap ka na magkakaroon ka rin ng tinawag na True love at Forever. Gusto ko kasing patunayan na totoo yon. Na magkakatotoo iyon saking love life.

Nakikinig lang ako ng music sa cellphone ko habang tinatahak ng bus na ito papunta sa school. Maaga akong pumapasok tuwing Tuesday at Thursday dahil 7:30 ang klase namin kaya 6 pa lang ay nasa byahe na agad ako. Ayokong ma-late at saka masyadong malayo ang bahay namin sa Dagupan.

Nang nasa may UL na ang bus na sinasakyan ko ay nag-vibrate ang cellphone ko. Nakita ko na may gm sakin si Jermille.

Classmates, wala po si Sir today so No classes po tayo. This is Jermille.

Leche naman oh. Kung kelan ka nagmamadaling pumasok saka naman wala yong Sir mo. Kabanas! Nag-effort-effort ka pang gumising ng maaga, maligo ng malamig na tubig tapos wala pala yong Sir mo? Diba nakakainis yon?

Nakita ko yong lalaking umupo sa tabi ko dahil nag-standing na sa bus at nong umalis na yong babaeng tumabi sakin kanina ay tumabi siya sakin. Napatingin ako sakanya. Grabe ang gwapo niya sa malapitan. Pa-simple akong tumitingin sakanya.
Nakasuot siya ng red shirt at saka naka-ID ng NLU. Sh*t! Same kami ng school. Wahhh Sparks na ba ituuu?! Napansin ko rin na tumitingin din siya sakin. OMG?! Tinitignan niya ako?

“Hi ate” sabi niya sakin.

Napamaang na lang ako sa sinabi niya? Mukha ba akong matanda para tawaging ate?  Pasalamat siya at gwapo siya.

“Hello” bati ko naman sabay ngiti syempre.

“Pol. Sci ka diba?” tanong niya sakin. Nakasuot kasi ako ng RSO shirt namin na may AB. Pol. Sci. na nakasulat sa may left ng shirt.

“Yup” sagot ko naman. “ECE ka?” tanong ko naman sakanya.

Sumagot siya ng Oo kaya naman tinanong ko kung anong year niya. “What year?” tanong ko.

“3rd year” sagot naman niya. “Ikaw ba?”

“4th year na ako” sagot ko naman.

Nagulat siya sinabi ko. “Akala ko 2nd year ka pa lang. Mukha ka kasing bata eh” sabi niya saka medyo tumawa siya.

Pakiramdam ko ay nag-blush ang buong katawan ko dahil sa sinabi niya. Baby face ako? OMG…

Nagkwentuhan pa kami about sa kurso niya. Medyo nakaka-relate ako hindi dahil nag-aral ako ng ECE kundi dahil ECE ang course ng Kuya ko. Nahihirapan daw siya sa kurso niya at gusto niya raw lumipat pero syempre sabi ko sayang naman kung nagyon pa siya lilipat kung nasa 3rd year na siya. 2 years na lang at makakatapos na siya eh. Sayang din yon.

B.A.S 2: A Letter Love Story (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon