KABANATA 28
“Siya yong babaeng sinasabi kong bagong nililigawan ni John Paulo, Josh” sabi sakin ni Maggie. At napatingin sa babaeng naglalakad at naka-pol sci shirt kasama ang mga kaibigan niya. Nakaupo lang kami ni Maggie rito sa may SP habang hinihintay ko sina Callix.
“Sigurado ka ba dyan?” tanong k okay Maggie.
“Of course, lagi ko syang nakikita na kasama si John Paulo at binibigyan siya ng mga regalo. I guess, John Paulo is head over heels in love with that girl.”
Napatingin ako sa babaeng nakahinto at nakikipag-usap na ngayon sa apat nitong kaibigang babae. Nakita ko syang nakaside view sa direksyon ko kaya naman yong bangs lang niya ang nakikita ko mula rito.
“What’s with her anyway?” tanong sakin ni Maggie.
Sinabi ko kasi sakanya na hanapin kung sino ang babaeng malapit kay John Paulo ngayon pero di ko sinabi ang buong plano ko kung bakit.
Napatingin ako kay Maggie at saka ngumisi sakanya. “You’ll see” sabi ko at saka naglakad na dahil nagtext sakin si Callix na sa may likod na lang kami magkita.
Nasa likod na ako ng makitang nanggagaliti siya habang kanina pa pindot ng pindot sa cellphone niya.
“Bullsh*t!” mura ni Callix.
“Brod, Kalma lang”sabi k okay Callix sabay tapik sa balikat niya.
“Anong kalma? Sa tingin mo makakalma ako. Put@ brod, di ako nakapag-quiz kanina. Punyet@ talaga!” inis na inis na sabi niya.
Kanina pa siya inis at halos itapon na niya ang cellphone niya dahil di niya matawagn yong babaeng na-wrong sent sakanya. Paniguradong ipapahanap niya ang babaeng yon at walang kawala ang babaeng yon kay Callix. Knowing Callix, masama syang magalit.
“Ikaw kasi brod, bakit naman naniwala ka sa text niya? Wala naman tayong kaklaseng Jermile ang pangalan ah?” tanong naman ni Grim.
“Anong alam ko? Di ko nga kilala ang mga kaklase natin. Pag nakita ko talaga ang babaeng yon tignan talaga. Pipilipitin ko ang leeg non” saka niya nilamukos ang hawak na coke in can. Halata talagang galit siya dahil nagsisilabasan ang ugat sa litid niya.
“Ako na ang bahala sa paghahanap sakanya, Brod” singit naman ni Logan.
“Sige, Brod. I want to see that fvcking b*tch” sabi ni Callix.
Napailing na lang ako.
Kinabukasan ng Byernes ay sinamahan namin si Callix na magtungo sa SP. Hinahanap kasi naman ang babaeng si Jermille. Alam na namin ang hitsura at kurso niya. Political Science din pala siya kagaya ng babaeng nililigawan ni John Paulo. Napaka-coincidence naman yon na nakita ko pa siya habang naglalakad palapit kay Jermille. I saw her face. Hindi na ngayon side view kundi buong mukha na niya ang nakikita ko.
Napatingin siya samin at mas lalong tumigil ang tingin niya sakin. I smirked. Kabisado ko ang mga ugali ng ganitong babae. They like men who have looks and I know I have it. Lumapit siya kay Jermille. Gusto ko sana syang kausapin pero alam ko na di ko siya makakausap ngayon dahil narito si Callix. Ilang sandali ay umalis na sila. Maybe this is not yet the right time to talk to her. Pakiramdam ko ay umiiwas siya sakin. It is because I am part of the gang at alam ko na marami ang ilag sa amin dahil sikat ang gang namin. But the fvcking I care. Ang gusto ko lang ngayon ay masunod ang planong nabuo sa isipan ko. And that is to make her fall for me. Alam ko na imposible yung mangyari dahil di naman niya ako kilala.
BINABASA MO ANG
B.A.S 2: A Letter Love Story (FIN)
RandomStory written by Leafika Jaey © 2014 SIDE STORY OF WSLS